Chapter 20: Blowing Wind

29 3 0
                                    

Chapter 20: Blowing Wind

[Tiffany's POV]

At the university ground habang nakaupo sa isang bench.

Bakit pakiramdam ko parang gumuguho ang puso ko? Muli nanamang sumagi sa isipan ko ang pangyayari kanina sa likod ng gym. May karelasyon na nga ba talaga si James? Paano kung wala? Pero b-bakit sila nag ki...kiss??

Argh! Mababaliw na yata ako sa kakaisip. @.@

"TiffyBabes!"

Boses ni asungot. Napalingon naman agad ako. "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ko naghihintay dito." sabi ko sakanya.

"Pasensya na galing kasi ako sa club namin, may tinapos lang kaming activities."

"Hay. Oo na. Tara umuwi na tayo." pag aya ko.

"Yes ma'am!" salute pa niya.

"Hello Tiffany. ^.^"

"Hi Francine." bati ko.

"Naku pasensya na ha? May pinagawa lang kasi ako kay Kian kanina." paliwanag niya.

"Ayos lang. Pauwi ka na rin ba?" tanong ko.

"Oo. Sige ingat kayo ha? Uy Kian!"

"Bakit Francine?" tanong ni Kian.

"Ingatan mo si Ms. Tiffany ha? Bye!"

Kaway ni Francine mula sa malayo.

"Waaaah. S-syempre naman no!" natataranta niyang sagot.

Few minutes later. On the road.

"Tiffany ayos ka lang ba?"

"Huh? Oo naman." sagot ko.

"Kanina ka pa kasi tahimik dyan."

"Wala lang 'to. Wag mo akong intindihin."

Tumingin naman ako sa paligid para mag masid. Mas maganda kung wag akong mag isip masyado sa mga bagay na, hay ewan!

"Bakit ba ang mga babae sa tuwing may problema at kapag tinanong, laging sagot ay wala?" sabi ni Kian.

Anong namang problema ng asungot na'to? Hindi ko na sinagot yung tanong niya dahil gusto ko ng katahimikan sa ngayon.

"Tiffany." mahina niyang bigkas.

Mula sa paligid bumalik ang tingin ko kay Kian. A view from his back habang patuloy ang pag padyak niya sa bike. Napansin ko na lumapad yata ng kaunti ang balikat niya? Ilang araw na nga ba ang lumipas simula ng dumating sya samin.

"Tiffany?" tawag niya ulit sakin.

"Bakit?" tanong ko.

"I...i..." nauutal niyang bigkas.

"Huh? Ano?"

"I...parang tumataba ka yata?" sabi nya.

"Ano?! Grabe ka ah! Ang konti konti ko na nga kumain e. Tsaka hello ampayat payat ko nga oh."

"Ganun ba? Hmmmm. May defect na yata ang mata ko." sabi nya.

Ah ganon ah?!

*sabay kurot*

"Arayy!!"

Bleeh :-P

"Ikaw eh. Inaasar mo pa ko ah?"

"Ang sakit mo naman mangurot Tiffany. T.T" habang hinihimas ang bewang niya na kinurot ko.

"Ano aasarin mo pa ko? Ha asungot?"

"Oo naman! Tiffany bebang. :-P" sagot niya.

"Ah ganon ha?"

"J-joke lang TiffyBabes. Hindi ka na mabiro."

Tawa naman ako ng tawa hanggang sa hindi ko namalayan na nakauwi na kami.

In the next morning.

"Kian! Bilisan mo ma-lelate na tayo!" sigaw ko mula sa labas ng bahay.

"Heto na po!"

Pagkalabas niya ng bike sumakay na agad sya at umangkas naman ako sa backseat as usual.

"Tara na!" tapik ko sa balikat niya.

"Aye ma'am!"

Were in the middle of the road nung mapansin ko na parang may kakaiba kay Kian. Ramdam ko na hinihingal siya sa pag padyak.

"Kian ok ka lang?"

"Ha? Oo naman. Haaaa. Haaaa." hingal niya.

"Mabigat ba ko? Baka nahihirapan ka sa pag padyak bababa nalang ako." sabi ko.

"Hindi wag na. Kaya ko to. Haaaaa."

Hindi naman flat ang gulong ng bike namin. Hmmm.

Pag dating namin sa university entrance gate bumaba agad ako sa bike at hinintay ko muna si Kian na ma-i park ang bike malapit sa guard house. I was thinking about my subjects hanggang mapalingon ako sa kinaroonan ni Kian ng mapansin ko na nakahandusay na sya sa parking road.

Oh my god! Kian!!

Few minutes later. Inside the classroom.

"Kamusta naman si Kian? Ano bang nangyari?" tanong ni Eunice.

"Mataas yung lagnat niya. Sabi ng doktor maaring pagod daw si Kian at nalamigan kaya ayun." paliwanag ko.

"Sana ok na siya ngayon. Pano yan Tiffah sino mag hahatid sayo pag uwi?"

"Yun nga eh. Hindi ko pa alam tsaka iniisip ko din naman ang kalagayan ni Kian."

"Gusto mo Tiffah ihatid kita pauwi? Since malapit naman ng konti ang bahay namin dito sa university, edi sa amin muna si Kian?" sabi naman ni Eunice.

"Naku wag na. Ako nalang muna ang mag papadyak ng bike pauwi. Magagalit sakin si nanay pag pinabayaan ko si Kian."

"Ayihhhh! Concern na concern kana kay Kian ngayon ah?" panunukso niya.

"H-ha? Syempre bisita namin sya kaya dapat lang noh!!"

"Eh bakit namumula yang mukha mo?" sabi niya.

"H-hindi noh!!"

I found myself blushing hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ako. Nakakasar talaga kung bakit naman kasi ngayon pa nilagnat si Kian, eto namang si Eunice walang tigil ang panunukso sakin. Mabuti nalang at dumating na si ma'am. Buti nga . :-P

Pagkatapos ng klase namin pumunta na agad ako sa clinic para tingnan ang kalagayan ni Kian. Sana mabuti ang pakiramdam niya ngayon.

Pagdating ko sa pintuan ng clinic nakasalubong ko ang nurse. Kaagad ko naman itong tinanong tungkol kay Kian, sinabi naman niya na bumaba na ang lagnat nito at nagpapahinga nalang. Mabuti naman.

"Ms. Valdez may bumisita rin kay Mr. Lucero, nandun sya ngayon sa loob." pagkatapos nun ay umalis na yung nurse.

Bisita? Sino naman? Si Francine siguro.

Dahan-dahan kong hinawi yung divider na kurtina sa pwesto ni Kian. I see a girl sitting right beside him, she has elegant look at parang pamilyar siya sakin. Nakatingin lang siya sa mukha ni asungot tila nag aalala din while holding Kian's right hand.

"Sino ka?" tanong ko.

One Faithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon