Chapter 16: Beat

38 3 0
                                    

Chapter 16: Beat

[Kian's POV]

At the living room while sitting on the stair.

Ilang weeks na ang lumilipas pero hanggang ngayon wala pa rin progress sa plano ko. Mahirap talaga para sakin na gawin yun, sa tulad ko na hindi pa nagagawang magkaroon ng girlfriend?

"Ayan! Dinner is ready!" sabay lapag ni Francine ng malaking mangkok sa gitna ng mesa.

"Wow mukhang masarap yan ah?" lapit ni James.

"Hoy James mamaya na ang tikim! Tulungan mo muna kong mag handa ng mga pinggan."

"Ok. Ma'am."

Lumapit din ako sa mesa para tingnan kung anong niluto ni Francine. Woah! Nilagang baboy at may fried chicken pa. Tingin pa lang natatakam na ko. Bigla tuloy akong nagutom.

"Ah. Kian. Patulong naman sa pag hahanda nung juice natin." sabi niya.

"Osige. Nasaan ba?"

"Kunin mo nalang dyan sa fridge yung powedered juice."

"Uhm. Guys?" tawag saming lahat ni Eunice.

Napatingin kaming lahat sakanya. "Bakit Eunice?" tanong ni Francine.

"Nakita nyo ba si Tiffany? Kanina ko pa kasi sya hindi nakikita eh." pag aalala niya.

Bigla akong natigilan sa ginagawa ko. Si Tiffany? Oo nga simula nung iniwan ko sya kanina sa likod bahay, hindi ko na sya nakita.

Hindi kaya. She's upset dahil sa nasabi ko?

The idea pierced my heart.

"Si Tiffany ba? Nakita ko sya kanina na umalis." sabi ni Francine.

"Saan naman sya papunta?" tanong ni Eunice.

"I don't know hindi ko sya gaanong masundan ng tingin kasi ang dilim na ng paligid eh." paliwanag ni Francine.

Don't tell me na...TIFFANY!"

Agad kong itinabi yung ginagawa ko at nagmadaling lumabas ng rest house.

"Kian! Saan ka pupunta?" sigaw sakin ni Eunice.

"Hahanapin ko si Tiffany! Babalik agad ako." sigaw ko.

Hindi nya sana inisip na pumunta sa loob ng kakahuyan. Mahihirapan akong hanapin sya.

Nasaan ka na ba Tiffany? Asar! Kung may cellphone lang sana siya.

Inikot ko ang buong picnic ground at nagtanong tanong sa mga taong nasa ibang rest house. But i failed to get an info.

Hindi ko dapat nasabi sakanya yun! Nasaktan ko ang damdamin niya. Ano bang pinag gagagawa mo Kian! Baliw ka talaga! Baka kung napano na siya. Sabi ko sa aking sarili habang patuloy sa pagtakbo.

I stop for a while taking a deep breath. Nagsimula na rin mag pawis ang katawan ko kahit na malakas ang hangin sa paligid.

Tiffany!

"TIFFANY NASAAN KA NA!!!" sigaw ko habang nag hahabol sa pag hinga.

Asar! Kasalanan ko'to! Kasalanan ko'to!!

"Kian?"

I heard a voice coming from my side. Napalingon agad ako. I see a girl standing beside me na may bit-bit na plastic bag sa magkabilang kamay.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin.

"Tiffany? It's you! Mabuti naman at ayos ka lang."

What a relief. Kinabahan ako. Akala ko kung napano na sya.

"Huh? Ano bang sinasabi mo dyan Kian? Pawis na pawis ka."

"Bigla ka kasing nawala eh. Nag aalala kaming lahat sayo. Saan ka ba nag punta?"

"Bumili lang ako ng snacks natin para mamaya." sabi niya.

"Ikaw talaga. Next time mag sabi ka naman kung aalis ka. Nag alala ko ng husto sayo." sabi ko naman sakanya.

"S-sorry." bulong niya habang naka yuko.

"Hayaan mo na. Tara na bumalik na tayo sa rest house." pag-aya ko.

We start walking pabalik sa rest house habang bit-bit yung mga snacks na binili niya.

"Uhm. Kian."

"Bakit?"

"Sorry ngapala kanina kung may nasabi akong di mo nagustuhan."

"Wag mo ng isipin yun. Hindi naman ako galit. Pasensya din kung may nasabi akong di maganda sayo kanina."

"Uhm." iling niya sakin. "Nauunawaan kita. Ngapala, gusto mo tulungan kita sa objectives mo?" tanong niya.

"Huh? Ehehe naku wag na. Nakakahiya."

Atlast nakabalik na kami sa tapat ng rest house. Hahawakan ko na sana yung door knob ng hilahin ni Tiffany ang lay-layan ng t-shirt ko.

"Oh bakit? May problema ka ba Tiffany?" tanong ko sakanya.

"Wala naman. Kian gusto kong makatulong sa problema mo. Lagi mo akong tinutulungan sa problema ko lalo na yung pagiging malapit sakin ni James. It was a big help to me and im happy. And now i want to return the favor."

"Maraming salamat Tiffany."

Nginitian ko sya. I see her face blushing a little bit. Napansin ko rin na parang lalo syang gumanda?

We are staring each other nang ilang segundo.

"Ehem! Ehem! Pwede bang ma-istorbo ang romantic scene niyong dalawa?" sabi ni Eunice mula sa tapat ng pinto.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla agad kaming nag iwasan ng tingin ni Tiffany.

"Kyaaaaaaa! E-eunice?" gulat na sinabi ni Tiffany.

"Hehe. Tiffah saan ka galing? Bakit ngayon ka lang huh?"

"Ah. Eh bumili lang ako ng snacks natin."

"Hmmmmm? Hindi mo man lang ako sinama. Tsaka bakit namumula yang mukha mo?" tanong ni Eunice.

"Ha? H-hindi no!"

"Ikaw talagang babae ka. Pasok sa kwarto!"

Ang dalawang mag bestfriend talaga na'to. Nakakatuwa sila. Lalo na si Tiffany. Ang ganda nya.

*Dug-dug*

Eh?

*Dug-dug*

Why?

My heart is racing?

*Dug-dug*

"Kian! Gusto mo bang dyan ka nalang sa labas??" sigaw ni Eunice mula sa loob ng rest house.

"Ah! Papasok na."

[End of POV]

One Faithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon