LAND's POV
"Hoy ! Mr. Antipatiko . . !" tawag nya sa kin.
Ako antipatiko ! Di na. . . Sarap nya kasing inisin eh. Hahaha. Kaya lumingon ako sa kanya at sinabi kong,
"Ang bagal mo !"
Pagkasabing pagkasabi ko nun ay nakita ko ang sobrang inis sa kanya kaya ininis ko pa sya .
"Ano ba ! Ms. Yumol and please don't call me Mr. Antipatiko because I have my own name just call me LAND ! Short for. . !"
Pangisi kong sinabi pero nagulat ako ng di nya ko pinatapos sa pagsasalita at sinambit ito . . .
"Tatawagin kita sa kahit anong bansag o pangalan na gusto ko ! Hanggat di nawawala ang galit ko sa yo ! Mr. Antipatiko !"
Grabe sya . . . Daig pa nya ang tigre kung magalit haha.
"Fine ! " sagot ko na lang baka masakmal ako kapag pinatulan ko pa . HeHeHe .
"Pero hayaan mo rin akong tawagin kang . . . Ms. Sungit !" dagdag ko :-P
Syempre kung tinanggalan niya ako ng karapatan na tawagin ako sa tunay kong name pwes tatanggalan ko rin siya. Ang astig kaya ng name ko. Hahahah!!! Lorencio Andrei Nuevas Diamzon, just call me Land for short. I'm 16 years old. Gwapo ako!!! Alam nyo yan. Pangmodel kaya ang datingan ko. Hahha. Pero pwera biro gwapo talaga ako. Matangos na ilong, mapungay na mata, mapulang labi, well-build body. Haha!! Ideal man that all woman want to be with in her entire life. . . :)
Sa sobrang inis nya eh naglakad sya ng mabilis. WoW ! Gumaganti si SC Pres. Hahaha ! Lagot ka sa kin.
Una naming pinuntahan ang library .
"Obvious naman maraming libro so eto ang library !" sabi nya.
"Wow ! Galing di ko akalaing library pala to. . " inis ko.
"Hahaha " snarky laugh nya . .
Nagpeace sign lang ako.
Next naman naming pinuntahan eh yung gym. Naabutan namin na nagtratraining ang varsity players ng volleyball girls and boys.
Pumunta naman kami sa parang art room at nakita ko sa center nun ay isang mural na parang familiar sa kin.
"Wow ! Grabe ang ganda !" pagkamanghang sabi ko.
Nakatingin lang sya sa kin.
"Sino may gawa nyan !" pagtatanong ko.
Imbis na sumagot sya eh inirapan lang ako at iniwan ako. Kaya ayon ang tendency sumunod ako sa kanya. Sayang di ko tuloy napagmasdan yung mural ganda pa naman.
May parang flower garden tapos sa gitna nun ay may isang malaking puno at may tree house dun. Eto may dalawang bata, isang lalaki at babae na parang naglalaro ng kasal-kasalan. Wow ! Grabe talaga parang ay hindi pala parang. talagang pamilyar yung mural na yon .
Gulo no. Basta yung scene sa mural eh nangyari sa buhay ko.
Parang hinahatak ako pabalik nung mural kaya nung nasa Audio Visual Room kami eh.
"At eto nga yung AVR. . "
Hindi ko na sya pinatapos magsalita at tumakas na ako pabalik sa Art Room. Dumaan ako sa bintana.
At nakita ko na lang sya na nakadungaw sa bintana na dinaanan ko at nagwawala.
"Hoy ! Bumalik ka rito ! Di pa tayo tapos . " bulyaw nya.
"Babalik ako ! Hintayin mo na lang pala ako sa Canteen ng 12:30 sabay tayong maglunch"
Sigaw ko habang tumatakbo papalayo sa AVR.
BINABASA MO ANG
When SKY meets LAND
Teen FictionPaano kapag ang langit at lupa ay nagtagpo ! Delubyo kaya ang magaganap o malaparaisong pangyayari ang sasambulat ! - - Ito ay kwento ng isang babaeng nagngangalang Sophia Kelly Yumol o "SKY". Sya ay may phobia na kung tawagin ay PHILOPHOBIA o takot...