SKY's POV
Nagulat ako sa ginawa nyang pagyakap sa akin. I'm really shocked. Di ko alam yung bigla kong naramdaman. Tila naging bato ako, yung tipong hinayaan ko na lang yung daloy nang pangyayari. At eto pa, mas kinagulat ko yung sinabi ko sa kanya. Actually nagflaflashback pa rin iyon sa isipan ko. Di ko alam kung bakit ako nagsorry sa kanya. Kung bakit ko sinabi yung mga salitang yun na nagpaparamdam, nagpapakita nang pakikisimpatya sa nararamdaman nya!!!! Na never ko pang ginawa!!!!!!
Di ko maipaliwanag, basta ang alam ko sa pagyakap nyang iyon at sa mga pinagsasabi ko sa kanya eto awkward moment na naman kami. Palagi na lang bang ganto. Daig pa namin ang bansang dumadanas ng climate change. Ang labo talaga. Ang gulu-gulo!!! Paiba-iba lagi yung takbo nang pakikisama namin sa isa't isa. Hmp! Bakit ganoon? Bakit, answer me!!!
Nga pala naglalakad na kami papuntang SC Room. Bumili na lang kami ng sandwich and drinks para habang gumagawa ako kumakain sya. Oo nga pala ako rin bumili, nagugutom na rin kasi ako. Hahaha. :)))
Tahimik kaming dalawa. Walang kumikibo. Walang gustong magsalita. Ganyan ang eksena namin hanggang sa makarating kami sa SC Room.
Kaya eto nakakabasag pinggan ang katahimikang bumabalot dito sa loob ng room.
Pagkapasok na pagkapasok namin inilapag lang namin yung food then tinulungan nya na ako sa pagkuha nung mga forms na aayusin ko katunayan nyan no choice lang talaga sya, di ba nga nakatali yung mga kamay namin kaya ayon napilitan lang siguro sya!!!o_O
Maya-maya nabasag na yung katahimikan kasi bigla syang nagsalita.
"Grabe talaga kayong mga officers specially sa'yo parang di kayo napapagod!!!!" nabubulunan nyang sabi.
"Ah!!!!" tanging nasabi ko.
Bumalik ulit yung katahimikan.
"Para san ba yan?" pagtatanong nya ulet.
"Hmp!!!!" sagot ko.
Tumahimik ulit. Tapos bigla ulit umingay kasi nagtanong ulit sya.
"Sasagot ka ba ng matino o hindi." sabi nya na naiinis.
Bukod sa inis nyang pagsasalita, labis ko pang ikinagulat yung paghawak nya sa kamay ko upang pigilan ako sa ginagawa ko.
Pinandilatan ko sya ng mata, tinabig ko yung kamay nya. Then, nagsalita ako. Nagsalita ako na parang armalite.
"Kung wala kang magawa wag kang mang-istorbo. Atupagin mo ang pagkain mo dyan. At kung gusto mo talagang malaman kung para saan to. . . Para sa darating na meeting to!!!!" wika ko na walang hinto. Yung tipong gigil na gigil. Parang nagigime-gime yung salita ko kasi sa sobrang bilis nang pagbigkas ko.
Gulantang sya. At tanging nasagot nya ay. . .
"Sorry po, nagtatanong lang!!!!" sagot nya in sarcastic way.
"Hahahaha!!!!" bigla kong pagtawa. Sino ba naman ang di matatawa sa pagmumukha nya!!! Para syang anak ni Ate Poyee. Hahaha. Nga pala ang malaking tanong 'Sino si Ate Poyee???'. . . Dilat na dilat ang mata nya. Halos tumulo nga yung laway nya eh!!!! :-P
"Bat ka natatawa!?" pagtataka nyang tanong.
"Ah!" sagot ko ulit.
BINABASA MO ANG
When SKY meets LAND
Teen FictionPaano kapag ang langit at lupa ay nagtagpo ! Delubyo kaya ang magaganap o malaparaisong pangyayari ang sasambulat ! - - Ito ay kwento ng isang babaeng nagngangalang Sophia Kelly Yumol o "SKY". Sya ay may phobia na kung tawagin ay PHILOPHOBIA o takot...