#WSML10* Pink ROSE *

218 22 5
                                    

SKY's POV

Hay! Grabe first day pa lang super hagard na! Tambak kagad ng gawain. Sana mahinto naman ang oras o kaya magkaroon ng maraming Sky para may katulong na ko sa mga gawain. Hay sana pwedeng mangyari yon pero hindi. Super duper malabong mangyari yon.

Naputol yung pagmomoment ko nung may lalaking dumating.

"Hello Sky!" sabi ng lalaking biglang dumating.

"Hi Land!" sagot ko.

Si Land yung dumating at may dala-dalang food na para sa dalawang katao.

"Oh eto sandwich and drinks, halatang pagod na pagod ka na!" alok nya sa kin.

"Di ko yan tatanggihan kasi gutom na gutom na talaga ako.!" sabi ko habang kinuha yung food at sinimulang kainin.

Grabe sa sobrang gutom ko eh halos wala pang isang minuto naubos ko na yung sandwich.

Kaya ayon sa sobrang katakawan ko eh nabilaukan ako!

"Tu. . Tu. . big!" sabi ko habang tinatapik ang dibdib.

Ready to rescue naman tong si Land na busy sa kakatext.

"Oh eto o! Sa susunod kahit anong gutom pa yang tumama sayo, magdahan-dahan ka pa rin kumain." payo nya.

Agad namang nawala ang bara sa lalamunan ko.

"Opo! Masusunod po!" sabi ko habang nanlilisik ang aking mga mata sa kanya.

"Hahaha!" tumawa lang sya.

Di ko na lang pinansin at bigla na lang . . .

♪♪  

Take me to your heart, 

Show me where to start, 

Let me play the part of your first love . .

Tumunog yung phone ko kasi may nagtext na agad ko naman nabuksan.

"Haay ! Si Secret na naman. !" sabi ko sa sarili.

"Sinong Secret?" tanong ni Land.

"Ah wala! Nevermind na lang!" sabi ko.

Hmp. sino nga talaga to at napakademanding pa ang message kasi nya ay . .

*MESSAGE RECEIVED* 

Fr: Secret 

0935*******

 

Hi! Alam ko ngayon lang ulit ako nakapagtext pero punta ka dun sa locker mo. Bilisan mo ikaw rin.

 

**

Oh ano di ba! Grabe utusan daw ba kong pumunta sa locker ko. Wow pupunta ako dun kung kelan ko gusto pero. . .

Pero parang may nag-uutos sa utak ko na kailangan kong pumunta. Kaya ayon nagpaalam ako kay Land.

"Land thanks ha pero need ko nang umalis eh may gagawin pa ako!" paalam ko.

"Ah ok lang ! Sige ingat ka ha!" pagpayag nya.

Umalis ako at agad na nagtatatakbo. What nagtatatakbo ako? Ano to? Bakit ganito? Parang excited ako! Pero bakit ? Bakit. .

Bakit ko to nararamdaman. . ?

Dahil nga tumakbo ako, nakarating agad ako dun sa locker ko.

At labis kong kinagulat yung nakita ko. . .

Isang Pink Rose and a Letter. . .

**

Dear Sky,

Hello ! I hope you like my gift. Tsaka nga pala after you've got 11 pink rose makikilala mo na ako. Ako mismo ang magbibigay nung pang12 na pink rose. . .

 

from your  

secret admirer

 

p.s 

11 rose to go. . .<3

**

[A.N: #MedyoBangag pa rin hahaha! Grabeng fieldtrip dahil sa kanya nag-ud ako****]

When SKY meets LANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon