LAND's POV
Kakaiba talaga tong babaeng to! Nga pala kasama ko ngayon si Sky! Wait mali pala hinahabol ko ngayon si Sky. Ang kulit-kulit nya promise.
Siguro nagtatanong kayo bakit magkasama kami ngayon, inaya ko kasi sya para kumain. Nagugutom na kasi ako. Nakakapagod naman kayang hanapin siya kanina!!!
*FLASHBACK*
Magkasama kami ngayon dito sa SC Room actually tatlo kami. Umalis lang si Gench may aasikasuhin daw eh.
Dahil dalawa nga lang kami dito sa SC Room ay nagkakailangan kami sa isa't isa kahit close na kami. Nabalot ang buong lugar ng katahimikan.
"Nga pala" sabay naming banggit.
"Sige ikaw na!" sabay ulit naming banggit.
Lalo kaming nagkahiyaan. Pero bigla akong nagsalita. Inaya ko syang kumain.
"Gusto mong kumain!" pag-aayaya ko with a great smile.
"Ah, busog pa ako!" pagtanggi nya
"Talaga!" sabi ko na medyo malungkot.
"Oo !" sagot nya na naging dahilan para lalo akong manlumo.
** K R U R U R U **
Uy ano yun. Teka di naman ako yun ah. So si Sky yun. Hahaha. Thank you Lord kasi tila pinagbibigyan Nyo po ang gusto ko.Hahaha. Thank you! Thank you!
"Di pala nagugutom!" pang-iinis ko.
"Sige na nga basta treat mo!" sagot nya.
Super napangiti nya ako sa sagot nyang yun. Ewan ko sa nararamdaman ko basta ang alam ko gusto ko lang syang makasama at alam ko sa sarili ko na dapat kong ipursue ito. Basta masayang masaya ako.
"Ok! syempre sa isang date lalaki dapat ang nagbabayad!" wika ko with a big smile.
"DATE.!" nakaangil nyang sabi.
Grabe ang cute nya talaga lalo pa kung naiinis. Whahaha! Ang saya-saya talaga.
BINABASA MO ANG
When SKY meets LAND
Teen FictionPaano kapag ang langit at lupa ay nagtagpo ! Delubyo kaya ang magaganap o malaparaisong pangyayari ang sasambulat ! - - Ito ay kwento ng isang babaeng nagngangalang Sophia Kelly Yumol o "SKY". Sya ay may phobia na kung tawagin ay PHILOPHOBIA o takot...