#WSML17* Moments *

187 21 2
                                    

LAND's POV

Halos mag-iisang buwan palang ako rito sa school marami na akong nakakilala, marami na akong kaibigan. Iba talaga paggwapo. Hahaha.

Pero namumukod tangi sa kanila si Sky. Sya lang kasi yung nakapagbalik sa akin ng tuwa't sayang nawala sa akin simula ng kami ay tumira sa Amerika. Kaya promise ko sa sarili ko na kailanma'y di ko gagawin sa kanya kung ano ang ginawa ko sa kababata ko, si MOSANG. Ayokong gawin sa kanya yun kasi gusto kong maitama ang kamalian kong nagawa 11 years nang nakararaan sa katauhan ni Sky. Ewan ko kung bakit sa kanya. Siguro dahil na rin sa nalaman ko sa kanya na gaya ni Mosang iniwan din sya ng kaibigan nya. Hahaha! Grabe talaga ang mundo may mga pangyayari talaga na nagaganap sa isang tao at nararanasan din ng iba.

"Sky, tara na!!!! Baka hinihintay na tayo ni mam!!" sabi ko sa kanya.

Pagyayaya ko kasi tapos na rin kaming kumain at nakapahinga na rin naman kami.

Tumayo na kami at naglakad papalabas ng di umano may nagtatakbuhang mga kapwa namin mag-aaral na sumalubong sa amin. Labis ang pagkagulat ni Sky lalo pa't nauuna sya sa akin. Kaya naman sa sobra nyang gulat at takot na baka mabunggo ay bumaling sya papatalikod, bumaling siya patungo sa kinatatayuan ko. Dahil sa ginawa nyang iyon ay kami ay nagkaharap. Ang aming mga mukha ay napakalapit sa isa't isa. Dahil din dun NAPAYAKAP siya sa akin. Uy!!! Haras moment na naman. . .

(=☆_☆=)

Maya-maya pa ay tumingala sya, tinignan nya ang aking mukha. Tapos ayon dahan-dahan nyang nilapit sa labi ko yung labi nya. Nagkiss kami!!!!

Syempre imagination ko lang yun. Nung itinaas nya yung baling ng kanyang mukha patingala sa mukha ko agad syang natauhan sa eksenang namin ngayon. Natauhan siya na nakayakap sya ngayon sa akin. Syempre ayun nailang sya, inalis nya ang pagkakayakap nya sa akin. Napayuko sya siguro nahihiya. Dapat lang SC President sya ! Joke lang!!!

"Tara na balik na tayo!!!" bigla nyang sabi matapos ang ilang segundong pananahimik.

"O sige!!!" sagot ko para matapos na lang.

Nagpatuloy na nga kami sa paglalakad. Nakakapanibago nga, kasi naman di tulad ng dati tuwing may nangyayari sa amin na medyo sweet moment pagkatapos nun ilang kami sa isa't isa pero ngayon wala, walang naiilang, tila nga walang nangyaring akapan kanina.

Habang naglalakad daldal sya nang daldal. Ako naman nakatitig lang sa mukha nya. Ewan ko ba.

"Hoy!" paggulat nya. Nakahalata ata na nakatitig ako sa kanya.

"Oh!!" pagsagot ko

"Nakikinig ka ba!?" pagtatanong nya.

"Oo naman!!" pagsagot ko pa.

"Talaga lang ha! Sige na nga ulitin mo yung sinasabi ko." paghamon nya.

Patay tayo dyan. Ano nga ba yung kinukwento nitong si Sky? Teka, ano nga ba? Kasi naman natulala lang ako sa kanya. Ewan. Bahala na.

"Alam mo Sky, maglakad na lang tayo!" palusot ko.

"Sabi ko na nga ba!" paasar nyang sabi.

"Hehe, alam mo maglakad na lang ulit tayo!!!" banggit ko pa.

Ngumisi naman sya na may pagkaplastik. Kaya naman ako, pinisil ko ang kanyang pisngi. Nakyutan ako eh!!!

"Aaaaaray!" pagsigaw nya.

"Ay sorry!" banggit ko sabay pagtangal ng kamay sa pisngi nya.

"Wow ha! Suntok gusto mo," banas nyang sabi.

"Cute ka na nga eh, ayaw mo pa!!!!" sagot ko.

"Syempre alam ko na yun!!" sambit nya habang pinipisil naman ang matangos kong ilong.

When SKY meets LANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon