Hello mga kaWSML. Sa mga walang sawang sumusuporta. Sa mga walang sawang nagbabasa at sumusubaybay sa walang katapusang pagmamahal ng dalawang tao; ang langit at lupa. Maraming- maraming salamat sa inyong lahat. Kung wala kayo, wala rin siguro sina Land at Sky, si Buchoy at si Mosang. Kayo, kasama ang Master (GOD) ko ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob at inspirasyon sa aking pagsulat. Kayo na da BEST kayo!!!!
A short history behind this story ang gusto ko lang i-share sa inyo. Siguro kung hindi dahil sa nangyaring iyon sa buhay ko hindi ko siguro malilikha ang WSML.
Siguro lahat tayo may minamahal. Mayroon tayong itatanging tao bukod sa ating mga magulang, ito yung taong mamahalin mong lubos. Yung tipong kahit isang libong buwaya na yung nasa ilog ay handa mo pa rin itong tawirin. Na kahit lahat ng bituin ay iyong susungkitin. Handa mong bilangin lahat ng buhangin sa Sahara. Hay basta exagge na kung exagge basta lahat talaga ay iyong hahamakin para lang sa taong iyon. Hay ganoon ba talaga ang pag-ibig. Ganoon ba talaga ka kumplikado ang realidad ng pagmamahal.
APAT na taon mula noong maranasan ko yung klase ng pagmamahal na iyon. Grade six lang ako noon, pero parang wala na, wala ng papantay pa sa babaeng iyon si ESPREN. Tawagan namin yun, she is my bestfriend. By the way the name SKY came from her true name. Sky or Heaven o sa tagalog ay LANGIT, kahulugan ng name nya.
Actually mutual yung nararamdaman namin sa isa't isa. But it change, matapos yung araw na tinanong nya kung pwedeng mas humigit pa yung relationship namin sa isa't isa. Yung gusto nyang maging gf ko sya ay tinanggihan ko iyon. Tinanggihan ko hindi dahil ayaw ko siya, kundi dahil mas prioritize ko noong mga panahong iyon ang aking pag-aaral. Kapal ng mukha ko no, babae na yung nanliligaw, palay na yung lumalapit sa manok, tinanggihan ko pa. Hindi naman ako kagwapuhan or should I say panget ako. Hahaha!! Tanggap ko iyon. Eh iyon tung gift ni Master eh tanggapin na lang.
Okay back to the story, ganto na nga. . . Magfofourth year ako, bakasyon nun ng nagdecide akong kausapin ulet sya(through text). Umuulan nung mga oras na iyon. Na wari'y nagbabadya ang isang hindi kanais-nais na pangyayari. Tinext ko sya at aking ngang inamin na mayroon pa akong pagmamahal na nararamdaman para sa kanya. Oo, nagpakabaliw na nga ako. Ganoon talaga eh pag-umiibig. Badtrip nga kasi dapat hindi ko na ginawa. Hindi ko na sana siya tinext pa. Nagulat siya kasi halos apat na taon na rin yung lumipas ay mayroon pa rin akong nararamdaman para sa kanya. Sabi niya ayos lang daw. Ano daw ba yung gagawin ko. Ang sagot ko gusto ko siyang ligawan but in the end of our conversation, she said that she is still not ready to be in a relationship AGAIN. Meaning to say na kakabreak up lang nya. Na hindi na ako yung magiging first boyfriend nya na kahit sya yung magiging first girlfriend ko. I said I can wait, na maghihintay ako ng kahit 50 years, kasi nga ganoon ko siya kamahal. At sabi ko pa sa kanya na gusto ko siyang ligawan gamit yung sarili kong pera. Para kasi sa akin ang pangit tingnan na yung pinangde-date nyo ay galing sa magulang nyo. Ganoon nga ang nangyari. But she promise to me that if she is ready I will be the one FIRST to know that. Na siya mismo ang magsasabi sa akin na handa na sya.
But that is only a promise. A promise that will never be happen. Promise that can be broken. Kasi imbis na mabalitaan ko na handa na sya to have a relationship ay iba yung nalaman ko. Nalaman ko na may boyfriend na pala siya. Na after a month nung pag-amin ko sa kanya ay nagkaBF na siya. Ang sakit!! Ang sakit sa damdamin :( Alam ko wala akong karapatang maggalit sa kanya pero wala eh naramdaman kong nabaliwala ako. Naramdaman ko na parang isa akong kaluluwa, nagpaparamdam ngunit hindi nakikita. Na parang kumausap ako ng isang matandang ulyanin, na sa isang iglap makakalimutan ang lahat.
Siguro nakakatawa kasi ngayon kinakarma na ako. Ngayon ko naramdaman yung naramdaman nya nung binaliwala ko sya. She really damage me. All of me, all of my state of being has been damage. Kaya hanggang ngayon na ONE YEAR na ang nakalilipas hindi pa rin ako nakakamove on. Mahal ko nga kasi siya. Mahal na mahal. Na kahit anong iwas ko sa kanya siya pa rin ang nilalaman ng aking puso at aking isipan.
Pero still I need to decide for myself. Na kailangan kong paghilumin, siguro mababaw para sa inyo pero malalim na sugat para sa akin. Kaya eto I made this story. Like myself and the character of Sophia Kelly Yumol na umasa sa isang pangako. Pangakong sinira ang kanyang pagkatao. Pangakong naging dahilan upang siya'y matakot muling magmahal. Pangakong nanakit sa kanyang damdamin. But unlike to the story of Sky, my story do not have a happy ending, there is no "AND THEY LIVE HAPPILY EVER AFTER" between me and the girl I love most.
Hayay!! Sorry ha. Sorry for this chapter. Gusto ko lang kasi talagang ibuhos yung nararamdaman ko, yung hapding bumabalot sa aking puso. Siguro after I finish the WSML, naka-move on na ako. I hope so . . . *Cross Fingers*
Hahaha!! Fine guys I want to say or announce the coming of the new Deogratias. The coming of the new WSLM. Na susubukan kong pagandahin pa ito. Na sa mga susunod na kabanata ng buhay nila Sky at Land mas titindi pa ang bawat eksena (Parang hindi naman), magaganap ang mga hindi inaasahan (Expect the unexpected), maraming twist na magaganap (Mahihilo kayo), at maraming darating na bagong characters (Engrande dapat ang handa). Haha sana nga mangyari to!! I will do my best to satisfied all your cravings. . . Charot hahaha. And again thank you guys, thank you readers. And I hope magustuhan nyo ang susunod na entrada ng WHEN SKY MEETS LAND . . . At sana sa pagwawakas nito ay magwakas na rin ang sakit na nararamdaman ko.
#MoveOnDeogratias
#WSMLOneYearNa
#WSMLv2.0
BINABASA MO ANG
When SKY meets LAND
Teen FictionPaano kapag ang langit at lupa ay nagtagpo ! Delubyo kaya ang magaganap o malaparaisong pangyayari ang sasambulat ! - - Ito ay kwento ng isang babaeng nagngangalang Sophia Kelly Yumol o "SKY". Sya ay may phobia na kung tawagin ay PHILOPHOBIA o takot...