Oh my G ! After 4 days of decoration Sunday na, Last day na ng decoration then tomorrow festival na ! Super excited na ako !
Starting tomorrow, Monday start na ng Festival then sa Friday naman ang tapos. Super saya na naman ito.
"Ok guys and girls ! Ladies and Gentlemen may I have your attention" sabi ni Gench with loud voice.
"Bakit ?"tanong ko.
"I just want to announce that all of you were invited to our restaurant near the University to have a dinner celebration for our success!!" announce ni Gench.
Sa pagkasabi nyang ito halata mong excited at maligaya ang lahat.
Di sila magkamaliw. Tila mas sumipag pa sila. Madaling natapos ang lahat. Madali rin natapos ang araw.
Yes ! Finally were done ! Worth it naman! Grabe para talagang pyesta. Di mo aakalaing University yung lugar kasi talagang carnival yung lumabas . Excited na talaga ako bukas ! Hahaha.
Umuwi muna kami tapos ang balak magkikita-kita na lang dun sa resto.
Nasa bahay na ako. Nadatnan ko si tita na nasa mesa.
"Hello ! Mano nga po!" sabi ko.
"Oh! Mukhang pagod na pagod ka na ha." sabi ni Auntie.
"Di pa naman po. Nga po pala tita gusto ko pong magpaalam." sambit ko kay tita.
"oh, Bakit?" tanong nya.
"Nag-aya po si Gench for a dinner celebration para po sa mga nagdecor." sagot ko.
"Anong oras ka aalis?" tanong pa nya.
"Mga 6 po!" sagot ko.
"Ah ok . Ingat ka! Wag ka masyadong magpagabi ha. Delikado masyado pero tiwala naman ako kay Gench eh" bilin ni Auntie.
"Thanks Auntie!" sabi ko habang yakap yakap sya.
BINABASA MO ANG
When SKY meets LAND
Fiksi RemajaPaano kapag ang langit at lupa ay nagtagpo ! Delubyo kaya ang magaganap o malaparaisong pangyayari ang sasambulat ! - - Ito ay kwento ng isang babaeng nagngangalang Sophia Kelly Yumol o "SKY". Sya ay may phobia na kung tawagin ay PHILOPHOBIA o takot...