A/N
Hey guys! I want to try something new to write... Hindi ko rin po talaga alam Kung bakit ko nalang biglang naisipan na gumawa ng mga ganitong storya...hahaha! Pero sana po kahit basahin niya lang po para naman po Hindi Masayang ang effort ko hehe ^_^
------------------------------------------------------------------------------------------
[PROLOGUE]
Why Should I Care?
...Isang tanong na madalas nating sinasabi
Paminsan kapag hindi ka interesado sa usapan
Paminsan naman kapag wala kang pakealam sa pinag-uusapan
Masasabi mo rin yan kung hindi mo gusto yung taong nagsasalita
Kung galit ka man, O talagang sadyang naiinis ka lang sa taong kaharap mo...
Pero paano kung gusto mo yung taong kausap mo at ikaw naman ang sasabihan niya nyan?
Diba masasaktan ka?
Lalo na kung inamin mo sa kanya na gusto mo siya pero ang tanging isasagot lang niya sayo ay
..."Why Should I Care?"
Eh, paano naman kung Mahal mo ang nagsabi sayo niyan?
Edi halos magpakamatay ka na sa sobrang sakit.
Ganyan naman siguro tayong lahat diba?
Kasi sa simpleng pangungusap na yan...
Patanong man o pasagot...
...May masasaktan ka kahit hindi mo sinasadya.
-----------------------------------------------------------------------------------------
Apollo's POV
*krrrrrrrriiiiiinnnnngggggg!!
Ahhhhhhhhhhhhh!!! Ano ba yan?! Ang aga aga pa ah!! Alas tres palang ng madaling araw! Ano
bang nangyayari dito? Tsaka maalala ko...wala naman akong alarm clock ah! Eh ano yung
tumutunog?
O_O
Yung cellphone ko pala yung tumutunog. May tumatawag pala.
Pagkatingin ko...
Si Katrina? Bakit kaya siya tumatawag?
Sinagot ko naman kaagad yung cp ko...
AKO: HEL-
KATRINA: APOLLO! NASAN KA NA BA? KANINA PA KITA HINIHINTAY DITO. ANG TAGAL MO NAMAN! KAILAN KA BA DARATING DITO?
AKO: ANO BANG PINAGSASASABI MO DIYAN HA KAT-KAT? ALAS TRES NG MADALING ARAW TATAWAG KA TAPOS SASABIHIN MO HINIHINTAY MO AKO? ANO NANAMAN BANG KALOKOHAN TO KAT?
KATRINA: HINDI MO NANAMAN BA NAAALALA APOLLO? GRABE KA NAMAN HINDI KA PARIN TALAGA NAGBABAGO ULYANIN KA PARIN! HINDI MO BA TALAGA NATATANDAAN KUNG ANO NGAYON?
AKO: HINDI NGA!
KATRINA: ANNUAL ROAD TRIP NATIN NGAYON KASAMA SILA SHAUN, NICO, CAITLIN, BRYCE, AT REMY!!
AKO: AY! OO NGA PALA KAT! SORRY NAKALIMUTAN KO NANAMAN. SHEMAYS NAMAN OH! SIGE, SIGE, PAPUNTA NA AKO HINTAYIN NIYO NALANG AKO SAGLIT NALANG TALAGA PROMISE KAT.
KATRINA: OO CGE. BASTA BILISAN MO!!
Binaba ko narin yung cp ko. Grabe sa lahat ng makakalimutan kong araw eto pa? Eto pa talaga? Eh ito na nga lang yung isang araw na pinagplanuhan namin ni katrina simula nung bata pa kami.
Simula kasi noon pa eh nakakalimutan ko din... Akalain mo naman na hanggang ngayon eh hindi parin ako nagbabago. Hays!
.
.
.
.
Hay salamat nandito narin ako.
Lumapit ako kina katrina... Grabe! Para silang mangangain ng tao sa mga tingin nila. Nakakaduwag pre! -____-
Ako- ^________________^ v
Sila- +__________________+
Death glare? Kaagad? O.A. Naman tong mga to para namang di rin sila nalalate.
"Kakaiba ka rin talaga noh Apollo." -Remy
"Oo nga tol kakaiba ka! Sa lahat ng pwede mong makalimutan na araw ito pa? Tss." -Bryce
"Oo na! Tama na! Hiyang hiya naman daw ako sa inyo di kayo nakakalimot ng mga importanteng araw kahit isa! Nakakahiya naman sa inyo. Sorry na po ah sorry na!" -Ako na nakatitig ng masama kina Bryce at Remy.
"Hahaha! Mahiya ka talaga. Di naman kami nakakalimot eh...lalo na kapag napag usapan." -Remy
Pagkatapos nun nag-apir pa yung dalawang baliw dun. Hay! Bakit pa kasi ako sumamama?
-___-
"Best friend, wag ka na malungkot diyan! Naiintindihan ka naman nung mga yun eh... Pinagtitripan ka lang nila." -Shaun
"Isa ka pa diyan. Satsat ka ng satsat." -ako sabay upo sa tabi ni Shaun
"Best fren, pinapagaan ko lang loob mo ganyan ka pa! Grabe ka na ha!" -Shaun
"Heh! Bahala ka nga diyan! Kausapin mo yang bintana!" -ako
"Hahaha..." -Shaun
Umandar na rin yung sasakyan sa wakas!! Saan kaya kami magroroad trip na magkakabarkada ngayon? Yun lang kasi yun detalye na hindi namin napagusapan...kung saan kami pupunta. Pero, sabi naman ni Shaun na si Kat Kat daw yung may alam.
Ayoko muna siya kausapin galit kasi ata siya saakin...mamaya nalang kapag medyo mawala na yung simangot sa mukha niya.
------------------------------------------------------------------------------------------
A/N
Yan po muna ang masusulat ko ngayon kasi po medyo late na may pasok pa ako bukas :) Pero, I'll try updating maybe...bukas ng hapon. So... Gudnyt guys!!! Prologue lang naman po kasi eto kaya short lang po. Pero itatry kong gawin na mahaba yung mga susunod na chapters promise po! ^__^
BINABASA MO ANG
Why should I care? [O N H O L D]
HumorHindi ko na alam ang gagawin ko. Nandyan na siya, sa harapan ko, nakaharap saakin with a blank expression painted on his face...