*Nico and Shaun SIDESTORY: The Fighter and The Prankster

152 5 1
                                    

A/N

Tungkol lang po ito kila Nico at Shaun. Para lang naman may background kayo sa kanilang dalawa. You can skip this chapter of you really want to. Hindi ko naman po kayo pinipilit.

:D

------------------------------------------------------------------------------------------

NICO'S POV

"Shaun!!! Nasan ka?! Patay ka saakin!" -ako

Naiinis na talaga ako sa Shaun na yun! Ang bait bait sa ibang tao pero kapag saakin ang lakas mantrip! Alam niyo ba kung anong ginawa niya saakin kanina? Ganito yun...

*FLASHBACK

Nandito kami ni Shaun sa Dojo ko. Nagpapractice kasi ako para sa upcoming competition namin sa karate. Hindi naman talaga nag kakarate ni Shaun sinasamahan lang niya ako. Nung tinanong ko naman siya kung bakit gusto niya akong samahan sabi niya Moral Support lang daw. Tch. Ewan ko ba dun!

Stepbrother ko kasi si Shaun. Bago ko pa siya naging stepbrother, best friend ko na talaga siya. Yung parents namin close na close din. Ako kasi, wala na akong mom namatay siya nung baby pa ako. Sabi nila hindi daw niya kinaya yung pagbubuntis niya saakin. Kaya naman, nung nakalabas na ako sa tiyan niya bigla nalang siyang bumigay. Si Shaun naman wala na siyang dad. Hindi naman wala as in patay na siya. Meron parin yung dad niya pero, iniwan sila ng dad niya para sa ibang babae. Heartbroken si Shaun noon kaya ako yung tumulong sa kanya noon.

Makalipas din yung ilang taon nagkaroon ng development yung pagka-close ng magulang namin ni Shaun. Kaya naman kinasal sila. Ang saya namin ni Shaun noon nung nalaman namin na magiging magkapatid na kami. Pero ngayon... Hindi ko na alam. Magaling kasing mag-prank si Shaun at ako naman ang natatangi niyang biktima. Gentleman kasi yang si Shaun pero saakin isang malaking HINDI!

Sa lalim ng iniisip ko nag space out na pala ako doon sa kinatatayuan ko. Natauhan nalang ako nung sumigaw yung attendance checker namin. Sa totoo lang hindi ko nga alam kung bakit may attendance checker pa kami dito sa dojo. Kung sabagay, strikto kasi yung sensei namin sa cooperation and attendance namin...

"Nico Harris Anderson! Wala ba dito si Nico?" -Jamie (attendance checker namin)

"N-n-nandito po ako p-pasensya na po." -ako

"Ano ba naman kasing iniisip mo diyan at nakatulala ka sa kawalan?" -siya

"W-wala po." -ako

Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagpipigil na tumawa si Shaun doon sa inuupuan niya. Ano nanaman kaya ang balak nun? Nakakapagtaka talaga yung kapatid kung yun. Talo ko nga siya sa pakikipaglaban pero, magaling naman siya sa pranks. At ito pa, laging effective ang plans niya!

Magaling kasi si Shaun sa math at science, kaya naman laging tama yung calculations niya para sa mga pranks niya.

"Let's begin the training!" -sensei na nakasigaw

"YES! SENSEI!" -sigaw namin

"For today's training, you are going to work by pairs. So, I will let you choose your partners! Begin!" -sigaw ni sensei

Lahat ng mga kasama ko tumingin saakin. Uh-oh! Nagkandarapak sila papunta saakin tapos, pinaghilaan ako. Tumingin ako kay Shaun na namamatay na sa katatawa doon. Himdi man lang ako tulungan!! Loko talaga yung taong yun!

"Bitawan niyo nga ako!" -sigaw ko ng sobrang lakas na napatalon yung mga humawak saakin.

"Ako ang pipili ng partner ko! Kaya kung pwede lang, bitawan niya ako!" -ako

Tinitigan nila ako pagkatapos, dahan dahan nila akong binitawan.

"Salamat. Chess, halika dito. Ikaw nalang partner ko." -ako

Why should I care? [O N H O L D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon