Chapter 6: Meet Chris Xavier Smith

101 5 1
                                    

KAT'S POV

"Ch...Chris? Ikaw ba yan?"

Ngumiti siya. "Miss me?"

Hindi ako makapaniwala! Nandito talaga siya! Namiss ko talaga itong nilalang na to! ^_____^

"Buti naaalala mo pa ako. Kala ko nakalimutan mo na ako eh... *pouts*"

"Sira ka ba?! Bakit naman kita makakalimutan? Miss na miss nga kita eh! Halika nga dito!" Tumalon ako at niyakap siya. Ang tangkad niya kasi kaya medyo napayuko siya para mayakap ko.

"Pero teka, kailan ka pa nakabalik? Tsaka, paano mo nalaman na nandito ak--"

"*cough* sorry sa pag interrupt ng reunion niyo ha? Pero, sino siya bes?" -Cait sabay turo kay Chris.

"Ahh...sorry siya nga pala si Chris. Kababata ko siya. Siya yung pinakauna kong naging kaibigan nung bata pa ako." Napaharap ako kay Chris. "Pasok ka muna, Chris."

Pinaupo ko siya sa sofa na hinigaan naming lahat. Napaupo naman na sila nung nandoon siya. Lahat sila nakatingin saamin ni Chris.

"Kat, diba matagal naman na tayo magkakilala. Kababata mo rin ako diba? Pero bakit di ko pa siya nakikita noon?" -Apollo

"Ahhh... Kasi diba nagkakilala tayo nung eight years old ako?" Tumango naman siya. "Eh, si Chris nakilala ko na siya nung 3 years old palang ako. Nung 7 years old na ako, tumira na sila ng mga magulang niya sa States. Tapos, wala na akong naging balita sa kanya until today."

"Aba! Ang galing naman ng memory mo Kat. It's been 10 years pero nakikilala mo parin si Chris." -Shaun

Napangiti naman ako sa sinabi ni Shaun. Nagkatinginan kami ni Chris at pati siya nakangiti rin. Madali lang naman kasi para saakin na madistiguish si Chris. Kahit magparetoke pa yan makikilala ko yan!

"Siya lang kasi ang kaisa-isang tao na tumatawag saakin ng Reign. Sinabi ko nga sa kanya na ayoko nun kasi ang pangit pakinggan. Pero, ang hilig akong asarin eh kaya, wala akong magagawa." sabay kibit balikat ko

"Ayaw mo yun? Para maiba naman."

"Tss..." (roll eyes)

"Haha... namiiisss ko talaga yang pagroll ng eyes mo!"

"Anerr ba! Mashhakit!" Pinipisil niya kasi yung pisngi ko kaya bulol ako magsalita. Ughh! Hindi parin talaga niya naaalis yung habit niya na pagpisil sa pingi ko! Ang sakit kaya! T____T

Napatingin ako sa mga kabarkada ko, kasi parang awkward. Di sila nagsasalita eh... Nakakapanibago! Lahat sila may nakaplaster na mga ngiti sa mukha nila. Ahh... mukhang alam ko na ang gustong iparating ng mga 'to.

"Ahh... Chris ito nga pala yung mga kabarkada ko. Sila yung mga pinakaka-close ko sa school. Si Apollo, Shaun, Nico, Remy, Bryce at Caitlin."

"HI!" Sabay sabay nilang sabi habang kumakaway. Parang mga bata lang haha... Sana pala lagi silang ganito. Ang cu-cute nila!!

"Hello rin." Todo naman din na smile ang bungad niya sa kanila. Grabe naman kumikinang!

"Dude, sama ka muna saamin para naman mas makilala ka namin." -Shaun

"Ahh...ok! Reign sama muna ako sa kanila ha." Nag-thumbs up na lang ako sa kanya.

Naiwan kami ni Caitlin dito sa sala. Tumabi siya lalo saakin at tinusok tusok yung tagiliran ko.

"Ano ba bes!! Masakit!" -ako

"Yiiieee!! Ikaw ha! Bakit hindi mo sinasabi na gwapo kang kababata. Grabe bes! Ikaw na! Ikaw na talaga!"

"Ano ka ba! Parang kuya ko na yun noh! Tsaka pwede ba bes! Tama na yang pag-alog mo saakin! Nakakahilo, promise!"

"Ang KJ mo naman bes! Pero, talagang ang gwapo niyang si Chris! Mala-artista din ang mukha. Sa tingin ko magkakasundo sila ng mga boys."

Why should I care? [O N H O L D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon