Chapter 1: Road Trip...Saan?!

247 7 3
                                    

KATRINA'S POV

Grabe talaga yung Apollo na yun! Nakakainis na siya! Hindi talaga siya nagbabago! Hanggang ngayon ba naman nakakalimutan parin niya itong araw na pinagpaplanuhan namin every year? Nakakirita talaga!!

Sinabi ko kasi doon sa driver nila Shaun at Nico na mag-drive lang siya ng mag-drive hanggang sabihin ko na sa kanya kung saan niya kami dadalhin. I-uutos ko lang naman kay manong na ipunta kami kung saan ko planong pumunta alam na kaagad niya ang daan. Ang galing talaga ni Manong! :D

Hanggang ngayon hindi pa kasi ako nakakapag-decide kung saan kami pupunta na magkakabarkada. Ano ba naman yan! Ang hirap mag-isip! Nakakabaliw!!

"Ahhh!!! Nakakainis!!" -sigaw ko ng sobrang lakas na napatingin lahat ng mga kabarkada ko saakin.

Hindi ko nalang sila pinansin at tinuloy ko na lang yung pag-iisip ko kung saan kami pwedeng pumunta.

Biglang napansin ko na palapit saakin si Apollo. Kinabahan tuloy ako. Bigla siyang tumabi saakin.

"Ok ka lang ba? Bakit bigla ka nalang nagsisisigaw diyan?" -siya

"O-ok lang a-ako bumalik ka na lang dun sa upuan mo. W-wag mo na a-ako a-alalahanin."

"Hay nako Kat-Kat. Akala mo ba talaga mauuto mo ako? Kilalang kilala na kita. Para na kitang kapatid, kaya wag ka nang maglihim diyan! Ano bang problema mo?"

Binatukan ko siya. Hindi ko naman kasi alam kung anong mararamdaman ko matutuwa ba o malulungkot? Matutuwa kasi concerned siya saakin pero, malulungkot kasi hanggang kaibigan lang talaga ang magiging pagtingin niya saakin.

"Aray naman! Ang brutal mo talaga Kat-Kat!" -sigaw niya

"Eh ikaw naman kasi eh! Sabi na nga lang na wala akong problema nangungulit pa! Tumahimik ka na lang diyan at kainin mo ito!" -sigaw ko sabay abot ko sa kanya ng Hershey's na chocolate. Paborito kasi niya yun eh. Kaya lang naman ako nagdala nun eh para masuhulan siya o patahimikin. Hehe. Effective nga.

Biglang nanlaki yung mata niya tapos...

"Hershey's?! Thank you Kat-Kat! The best ka talaga!" -sabi niya tapos bigla akong niyakap.

O///////////////~//////////////O

"A-ano bang ginagawa mo?! B-b-bitawan mo nga ako!" -ako sabay tulak sa kanya.

"Ganyan ka na pala ha! Ang brutal mo!" -siya sabay nag-pout

"Wag ka ngang mag-pout diyan para kang bata! Mas matanda ka saakin tapos ganyan ang inaasal mo? Bibigyan lang ng chocolate tatalon na sa tuwa, para talagang bata!" -sabi ko pero hindi ako makatingin sa kanya. Namumula pa kasi ako doon sa nangyari kanina.

Pagkasabi ko nun umalis na lang siya sa tabi ko at bumalik sa upuan niya.

Buti naman!

Bumalik na ako sa pag-iisip kung saan kami pwedeng magpunta na magkakabarkada. Wala talaga akong maisip! Naiirita na talaga ako. Saan nga ba talaga kami pwedeng pumunta? Isip Kat isip! Hmmm...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Alam ko na! Yes! Salamat naman si Diyos at nakaisip na rin ako!

Lumapit ako sa driver nila Shaun at Nico at binulong ko sa kanya kung saan ko balak na pumunta. Pagkatapos kong ibulong sa kanya...

"Magandang ideya po yan Ms. Katrina! Sigurado po akong magugustuhan ng mga kaibigan mo doon!" Sabi ni Manong Reggie (driver nila Shaun at Nico).

Why should I care? [O N H O L D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon