Bonus Chapter ^__^ - The Guys (Part 2)

76 6 2
                                    

A/N

I am sooooooo sorry for the super late update! Sobrang naging busy kasi ako tsaka may napakatinding writer's block T__T

Again, I'm sorry... 미안헤 (Mianhe)

ENZO'S POV

"So... Anong gusto ninyong i-order?" Nakangiting tanong ko sa kanila.

"Hmm... Crispy Chicken Sandwich nalang saakin... Kayo girls?" Sagot naman ni Lucas.

"Chicken nuggets/Chicken nuggets!" Sabay nilang sabi... Hahaha! Ang cute. Mag bestfriends nga talaga...

Sasabihin ko na sana dun sa babae yung order namin nung biglang umimik si Jacob.

"Nakalimutan niya nanaman ako! Mga walangyang kaibigan!" Hahaha! Oo nga pala nakalimutan nanaman namin itong si Jacob. Hindi naman kasi umiimik tapos laging nakatingin sa ibang tao at nginingitian sila kahit di naman niya kilala. Weirdo -_-

"Ano bang i-oorder mo?"

"Salamat ha? Ngayon mo lang tinanong..."

Ginulo ko yung buhok ko. "Tss... Sabihin mo nalang! Wag ka na ngang magtampo tampo diyan! Mukha kang bading!"

"Oo na! Hmm... Yung happy meal nalang na chicken Mcdo! Para may toy na kasama!" Todo ngiti niyang sabi at pumapalakpak pa dun na parang bata.

"Jacob naman! Ayusin mo mga sarili mo! 4th year high school ka na! So please? Grow up."

Nagpout siya sabay sabi ng... "NO!"

Hayys... So wala rin akong nagawa kundi i-order nalang yung gusto niya. Kahit kailan talaga yung Jacob na yun!

Naiwan nalang ako doon sa may counter habang naghahanap sila ng pwedeng maupuan. Hinihintay ko nalang yung order nung may mapansin akong babaeng nakatingin saakin.

Well, that's not really a big deal since popular naman ako sa school kaya I decided na hindi nalang siya pansinin.

Nung dumating na yung order namin, binuhat ko na yung tray at dumiretsyo sa table kung saan nakaupo yung mga kasama ko.

Nung medyo makalapit ako sa table, nakita kong napatingin saakin si Kat pero bigla siyang umiwas ng tingin.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Sabihin mo na kasi!" Bulong ni Caitlin pero narinig ko naman. Ano ba kasing trip ng mga 'to?

"And daya naman nito!" Sabi naman ni Lucas kay Kat. Kailan pa naging close 'tong dalawa?

"Ikaw ang nagdecide kaya kailangan mong gawin" Sabi nanaman ni Caitlin.

"Ay! Ang KJ!" Sabi ni Jacob na nagpapout kay Kat. Seriously? Kailan pa ba talaga naging close itong mga 'to? Umalis lang ako sandali, may kakaibamg trip nanaman sila. -_-

Si Kat naman, hindi nalang umiimik pero hinahampas niya yung braso ni Cait at umiiling.

Ano ba kasi talagang nangyayari?

------------------------------------------------------------------------------------------

KAT'S POV

Arggggghhhhh! Bakit kasi ako pa yung napagtripan ng mga ito?! Bakit pa kasi ako pumayag? Kat naman kasi ehh! Padalos dalos sa mga desisyon...

Paano ba naman? Habang hinihintay namin si Enzo kanina, nagyaya si Jacob na magdedare ang isa saamin. Kung sino daw yung matatapatan nung ballpen na pagmamayari ni Lucas, siya daw yung gagawa nang dare. Ang daya nga eh! Diba dapat may truth na option din? Tss...

Why should I care? [O N H O L D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon