*Shaun and Bryce SIDESTORY: Swimming...bakit??

112 3 1
                                    


PLEASE PAKI BASA PO MUNA YUNG AUTHOR'S NOTE KO SA BABA BAGO KAYO MAGBASA. TNX PO :D


A/N


Sa mga hindi po nakakaalam, yung mga side stories po na ginagawa ko nangyari na po ito bago pa sila lumuwas papuntang baguio. Background stories po kung baga.


Sana po hindi kayo nahihirapan sa mga pagpuputol ko ng stories. Sorry po kung ganun. Babawasan ko nalang po muna yung mga side stories para hindi maka-interfere sa inyo. Yun lang po. Happy Reading :D


------------------------------------------------------------------------------------------



BRYCE'S POV


"Asan na ba kasi si Shaun? Sabi niya 9 a.m. sharp tapos wala pa siya! Nakakairita naman oh!" - bulong ko sa sarili ko


Bigla namang may bumusina sa tapat ng gate. Sumilip ako sa may bintana at nakita ko si Shaun na pababa ng kotse niya. Masigawan nga ito.


Lumabas ako ng bahay at dumiretso kay Shaun.


"Bakit ka na-late?! Ang tagal mo naman! Kanina pa ako naghihintay dito! Naiinip na nga ako eh. Sabi mo 9 a.m. may pa sharp-sharp ka pa nga diyan eh. Tapos, malalate ka lang?!" -ako


"Woah! Hoy pare, chill ka lang! Para ka namang babae sa pagkareact mo! Nalate lang naman ako ng sandali! O.A. ka naman!" -siya


"Anong O.A. ka diyan! Kahit sino naman magagalit kapag hindi sinunod ang pinagkasunduan! Tsaka anong na-late ng konti! 10:15 na! Kaninang 9 ka pa dapat nandito!" -ako


"Tumahimik ka na nga Bryce! Nakakarindi na yang pagsigaw mo. Kung hindi ka tumahimik diyan, hindi na kita tuturuang lumangoy!" -siya


"Sabi ko nga. Tatahimik na." -ako na nakangisi


"Madali ka naman palang kausap eh. Gusto pa ng pahirapan. Hehe." -Shaun


"Halika ka na nga!"


"Sige. Sige."


***


Sa swimming pool...


"Ano? May plano ka bang lumangoy? Nagyayaya ka tapos hindi ka naman pala lalangoy...tsk." -Shaun


"Maghintay ka nga! Atat ka naman." -ako


Sa totoo lang parang gusto ko nang umatras. Nakakatakot kasi baka malunod ako. Nasa 8 ft. deep kasi kami ni Shaun.


Ayaw ko naman kasi talagang lumangoy eh, napilitan lang. Lagi na kasi akong tinutukso ng mga teammates ko sa sports club nung nalaman nila na hindi pala ako marunong lumangoy. Nagpaturo lang naman ako kay Shaun kasi siya ang laging nananalo sa mga swimming events sa school. Siya na! Siya na talaga. Siya na si Shaun David Anderson...Tss. -______-


"O ano? Naduwag ka na? Tss...bahala ka na nga diyan aalis na ak--" -Shaun


"Sandali! Wag ka munang umalis. Pupunta na ako." -sabi ko sabay tumalon dun sa pool.


Shemays naman oh! Ang lalim. Tapos ang lamig pa nang tumig! So...


"Waaaaahhhhh!!! Ayoko na Shaun!! Tulungan mo ako pleeeassseeee!!! Waaaaaaaahhhhh!! Nakakatakot!!" -ako na nagsisisigaw doon


"H-hoy tumigil ka nga diyan Bryce! Tumitingin na saatin yung mga tao oh! Nakakahiya!" -siya


"Shaun...tulungan...mo...na...lang kasi...ako" ako na hinihingal na sa kaka-wagayway ng kamay at paa ko para sumenyas ng tulong kay Shaun. Hindi man lang ako tulungan nung potek!


"Sige na...tama na Bryce. Wag kang sipa ng sipa! Hindi kita mahawakan ng maigi!!" -sigaw niya.


Tumigil naman ako sa kakagalaw at inalalayan ako ni Shaun papunta sa mga upuan doon sa may parang bar sa pool.


Tinitigan ako ni Bryce. Hinihingal pa kaming dalawa.


Tapos...


"Pffffffttttttt.....Hahahahahahahaha!!! Nakakatawa ka kanina Bryce. Hahaha. Tulungan mo ako Shaun waaahhhhh!!! Hahaha... Laftrip pre!" -Siya na naluluha na sa sobrang tawa.


"Sige tawa ka pa! Maubusan ka sana ng hangin sa katatawa mo diyan." -ako


"Hoy! Ito naman. Hindi mabiro." -siya


"Tss..." -ako


"Pero dre, matagal ka na ba talagang hindi marunong lumangoy? Kakaiba ka kasi kanina, para kang hindi marunong sa sports." -siya


Napatingin naman ako sa kanya nun. Nakatingin rin siya saakin na parang naghihintay siya ng sogot ko.


Napabuntong hininga nalang ako.


"Oo Shaun. Matagal na talaga akong hindi marunong lumangoy. Nung bata pa kasi ako nagkaroon ako ng phobia sa tubig 'Hydrophobia' ata ang tawag doon. Pero, nung 8 years old ako nawala rin naman kasi pinakita ako ni mommy sa psychiatrist na nag-specialize sa Hydrophobia kaya nawala rin. Nung pinasubok saakin ni mommy na lumangoy ulit, hindi na talaga ako natakot sa tubig pero, hindi na talaga ako natutong lumangoy. Emotional trauma lang siguro kasi matagal tagal na rin akong hindi nakapunta sa tubig." -ako


"Ahh...sorry nga pala bro kung tinawanan kita kanina di ko naman alam eh." -siya


"Sira ka ba? Ano ako bata? Magagalit agad...ganun? Tss... Never underestimate me Bryce Hendric Lopez."


"Aba, sinabi ang full name ko ha...Nakakapanibago. Hehe."


Hindi kami nagpansinan ng mga ilang minuto rin. Umiinom na lang kami ng shake dun sa bar. Hindi kasi kami pwedeng uminom magdadrive pa kasi kami pauwi. Malas. -______-


Bigla naman binasag ni Shaun yung katahimikan. Hay salamat! Nakakabingi na yung katahimikan eh.


"Bryce..." -Shaun


"Bakit?"


"Ah...ano...k-kasi"


"Anong ano kasi? Diretsuhin mo na nga yang sasabihin mo!" -ako


"Ano kasi... di ba sabi mo nagkaroon ka ng phobia sa tubig? So, hindi ka garud naliligo noon?" -tanong niya


"*cough *cough *cough ano bang pinagsasasabi mo diyan?! Akala ko naman importante tapos yun lang pala sasabihin mo?" -sabi ko habang nasamid. Umiinom kasi ako nung shake habang nagsasalita siya.


"Sagutin mo na lang kasi yung tanong ko! Ano naliligo ka ba nun o hindi?" -siya


"Malamang naliligo ako! Natatakot lang naman ako sa tubig kapag nasa malalim!! Ito naman oh...tss." -ako


'"Ahhh... ganun pala yun." -siya


Inirapan ko nalang siya. Nakakairita eh! Kala mo naman kung anong importanteng sasabihin tapos itatanong lang pala saakin kung naligo ba ako noon. Common sense siyempre oo! Ano ako? Pusa? Tss...


"Ano Bryce? Tuturuan pa ba kitang lumangoy o uwi nalang tayo? Late na rin eh. Palubog na yung araw." -siya


"Oo nga noh? Cge next time na lang hindi pa ata ako handa eh." -ako


"Cge pre, pero kung ready ka na tawagin mo lang ako." -siya sabay tapik ng balikat ko


"Una na ako." -siya


Tumango nalang ako.

------------------------------------------------------------------------------------------


SHAUN'S POV


Nauna na akong umalis doon. Iniwan ko na lang si Bryce mag-isa. Haha. Natatawa parin talaga ako doon sa nangyari kanina, kahit sino naman diba? Para siyang bading dun kanina kung makasigaw hahaha.


Ni-start ko na yung engine ng kotse ko at nag-drive na pauwi.


Ang dilim naman sa parte na ito. Nakakakilabot.


Habang nagdadrive ako napadaan ako sa 7-11. Nagugutom kasi ako eh I'm craving some hotdogs!! Mwahahaha :D


Pumunta na ako doon sa pagkuhanan ng hotdog at pinili na ang gusto ko. Dumiretsyo ako sa may counter para makapagbayad.


"Eto na la--" -napatigil ako kasi may sumingit saakin na babae


Naunahan niya akong nagbayad. Kainis naman oh!


"Excuse me miss, pero ako yung nauna sa pila." -sabi ko


Bigla siyang napatingin saakin na nakangiti.


"Eunice?" -ako


"Shaun? Anong ginagawa mo dito?" -siya


"W-wala naman i-ikaw?" -nauutal kong sinabi habang binabayaran na yung binili ko


"Ahh...bumili lang ako ng inumin uhaw na uhaw na kasi ako eh. Sorry ah... napasingit ako sa pila." -siya


"Ok lang yun..." -ako na nakangiti


Grabe! Ang swerte ko naman! Lord, thank you thank you talaga!!


"Uuwi ka na ba?" -ako


"Ummm...hindi pa muna siguro. Boring kasi sa bahay eh."


"Ahh...gusto mo samahan na lang muna kita?"


"Wag na, thank you nalang Shaun. Baka kasi maabala pa kita."


"Hindi! Wala rin naman akong gagawin eh..." -ako


"Ok. If you insist." -sabi niya na nakangiti


Napangiti nalang ako. Grabe ang saya saya ko. Tumalab na rin pala ang pagkakagentleman ko sa kanya all these years. :D


Naglakad lang kami ng naglakad. Hindi ko na rin kasi alam kung saan kami pupunta.


"Saan tayo pupunta?" -tanong ko sa kanya


"Ha? Hindi ko alam sayo. Sinusundan lang kaya kita."


"Ano?! Ako rin eh nakasunod lang sayo."


O__________________O =======> kaming dalawa


"Paano na yan? Nawawala na ba tayo?" -siya


"Sa tingin ko nga." -ako


"Ugh! Ano ba naman yan! Baka hanapin ako sa bahay! Paano na tayo niyan Shaun?" -sabi niya na nakatingin saakin


"Hindi ko rin alam eh...Mag tanong na lang tayo kung may dumaan man. Magpaturo na rin tayo ng directions." -ako


Tumango siya.


"Good idea." -siya


Naghintay lang kami doon kung sakaling may dumaan na tao. Pero, wala naman. -_______-


Naglakad palayo si Eunice at pumunta doon sa may damuhan sa tabi. Open field kasi yung napuntahan namin.


Humiga siya sa may damuhan at napatingin sa taas. Gabi na kasi kaya nagsilabasan na ang mga bitwin.


"Ang ganda noh?" -siya na nakatingin saakin. Hindi ko namalayan na nakatingin narin pala ako sa mga bitwin.


Ngumiti na lang ako sa kanya at humiga na rin sa tabi niya. Magkadikit yung balikat namin.


"Oo nga maganda." -ako


Medyo natahimik na kami. Mga ilang minuto na rin kaming ganun, hindi nagpapansinan. Hindi naman kasi kami masyado close ni Eunice eh. Ngayon nga lang kami nagkasama niyan.


"Yuni..." -sabi niya pero hindi siya nakatingin saakin. Nakatingala lang siya.


"Ha?" -tanong ko


"Yuni na lang itawag mo saakin...Nickname ko kasi yun. Pero, mga close friends and family lang ang tumatawag saakin nun and now...you." -siya na napaharap saakin


Humarap din ako sa kanya.


"Bakit mo naman sinabi saakin na itawag ko sayo yun? Di ba nga sabi mo na close friends and family mo lang ang tumatawag sayo nun? Eh bakit ako? Di naman tayo masyado close." -sabi ko sa kanya.


Ngumiti lang siya.


"I don't really know but, I feel close to you. Parang feeling ko na magkakilala na tayo...matagal na. Ewan ko lang...feeling nga lang naman diba? Everytime I see you kasi parang feeling ko na hindi tayo masyado distant sa isa't isa. Parang kakaiba lang..." -siya


"Ganun ba? Hmm...puzzling." -ako


Ngumiti lang siya.


"I want to know more about you. I find you...interesting." -siya


"Huh?"


"Why don't we meet again sometime...tell me more about you." -siya


"Bakit pa next time? Pwede naman ngayon eh." -sabi ko na medyo natawa


"No, I don't want to hear it now. I'm kinda tired..." -siya


"Haha...ok, sige na matulog ka na lang muna. I'll watch over you." -ako


"Thanks." -siya


Napapikit na lang siya at nagsimula nang matulog. Pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog. Ang ganda talaga niya. Parang photoshopped ang mukha.


Habang pinagmamasdan ko siya napansin ko nga na her face looks awfully familiar. Tama kaya siya? Na nagkakilala na kami dati? No, that's impossible. Kung nakilala ko man siya dati hindi ko siya makakalimutan. But, I'm starting to doubt myself kasi talagang may namumukaan ako sa kanya at pakiramdam ko talagang parang close na close kami. Hay, ewan! Ang gulo ko!! Antok lang siguro ito!


Napapikit na lang din ako at nakatulog na lang din ako.


------------------------------------------------------------------------------------------

A/N

Next Update: Thursday

Chapter 3 na po sa next update. Iiwasan ko na rin po ang masyadong paglalagay ng sidestory nakakagulo kasi pero, maglalagay parin po ako :D

Good Night / Good Morning :D

Why should I care? [O N H O L D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon