Chapter 10: The Third Wheel

108 2 0
                                    

Chapter 10: The Third Wheel

APOLLO'S POV

Ang tagal ko naring hindi nakakasama si Kat ah? Kamusta na kaya yun? Pambihirang school naman kasi yan eh! Bakit ba kasi hindi nalang sila gumawa ng rule na lubayan na kami ng mga babae?

Si Chris lang naman ang laging kasama ni Kat since hindi na kami gaano nakakapag-usap sa school. Si Caitlin na lang ang madalas naming nakikita. Siya narin yung nagkukwento saamin sa mga nangyayari sa buhay nilang dalawa kapag wala kami. Hayy... Nakakamiss rin pala yang si Kat.

Andito ako ngayon sa mall, kasama ko si Remy. Ewan ko ba dito! Bigla nalang ako tinawag at nagpasama pumunta dito sa mall. May mga immeet ata siya na mga babae. Di naman ako intersted pero sumama nalang rin ako tutal bored naman ako ngayon kaya pumayag ako.

Saturday naman kaya gala-gala rin 'pag may time -_-

Pero sa totoo lang, mas gusto ko na lang na nasa bahay ako at natutulog. Wala rin namang magawa dito sa mall eh... Lagi nalang kasi kami nandito kaya nakakasawa na rin.

"Pre! Darating pa ba yang mga immeet mo? Sabi mo alas dose nandito na sila? Anong oras na?! Mag-aalas tres na!" -Ako

"Ewan ko ba pre! Hayaan mo na nga lang! Umalis na tayo dito! Bahala yung mga babaeng yun! It's their loss! Ibblow-off ang isang Remy Shasta Stevenson? Huh! Hindi ko 'to matatanggap! Umuwi nalang tayo!"

"Mauna ka na lang. Dito muna ako. Nagugutom ako eh, kakain nalang muna ako ng lunch dito tapos tsaka nalang ako uuwi."

"Cge, bahala ka na diyan. Una na ako pre!" 

"Sige." At tuluyan na akong umalis. Saan kaya magandang kumain? Ayoko naman ng fast food kasi nakakasawa! Pero kung minamalas naman, Puro fast food dito -_- Chowking, McDo, Jollibee, KFC, at kung anu ano pa.

Kaya no choice, uuwi nalang ako. 

Paalis na sana ako ng mall nung biglang may mahagip ang mata ko.

O__O

Sina Kat yun ah?

Kasama niya si...

...Chris

---------------------------------------

KAT'S POV

Namiss ko talagang kasama si Chris. Kahit hindi ko sinasabi sakanya, masaya talaga ako na bumalik na siya.

Naguguilty lang ako paminsan kasi hindi ko na masyado pinapansin si Apollo. Kamusta na kaya yun? 'Di kaya yun galit sakin? Sana naman hindi...

Nandito parin kami ni Chris sa restaurant. Umalis na kasi sila Nico at Cait kasi kailangan pa nilang mag-practice. 

Hay nako talaga itong dalawang 'to, laging nagbabangayan pero sa huli, sila parin talaga ang mag bestfriends... Ang saya siguro nun noh? Yung alam mo na kahit magkaaway kayo, basta alam mo na kaibigan mo siya, magkakasundo rin kayo sa huli.

Siguro ganun rin kami ni Apollo. Siguro, kahit galit man siya saakin o hindi sana, magkabati rin kami. Hayy... alam ko na hindi magandang maging nega pero siyempre best friend ko siya eh. Hindi mo maiaalis yung worry ko na baka galit siya saakin. Heh! Ayaw ko nang problemahin bahala na! 

"Huy!" Sigaw ni Chris. 

Hindi ko namalayan na nag-space out na pala ako dun.

"O? Bakit?"

"Kanina ka pa kasi tulala diyan eh. Kinakausap kita, di mo naman ako pinapansin."

"A-ahh... ganun ba?" Para siguro akong ewan dun. Anebenemen yen, nagspace-out talaga ako? Psshh... how pathetic.

"Ano ba kasing iniisip mo?"

"Wala nam--"

"Chris! Kat! Andito pala kayo..." Pambungad saakin ng isang nakangiting Apollo.

Galing noh? Siya yung iniisip ko tapos siya pa makikita ko? -_- Great!

"Pareng Apollo, haha musta?" Di naman sila close noh? Tss...

Umupo siya sa tabi ko tapos nag-usap pa sila ni Chris. Hindi ko naririnig yung pinaguusapan nila kasi nakatingin lang ako kay Apollo. Iniisip ko kasi kung galit siya saakin.

Bigla naman siyang napatingin saakin. "Haha, tama na sa katititig Kat! Baka matunaw ako niyan!"

Hinampas ko yung braso niya. "Wag kang assuming! Hindi ako sayo nakatingin noh!"

"Tss... deny ka pa! Eh ano pa ba ang pwede mong tignan diyan?"

"Yun oh!" Turo ko kung saan. Hindi ko naman talaga alam yung tinuro ko eh. Basta may ipalusot!

"Tinititigan mo yung poste?"

O_______O

Naman eh! Ang daming pwedeng maturo yung poste pa talaga?

"Hahaha! Aminin mo nalang kasi Kat! Ako yung tinititigan mo!"

"Bahala ka sa buhay mo!"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHRIS' POV

Nakaka-OP naman dito. Kanina pa kasi nagtatalo si Reign at Apollo. Hindi nalang ako umiimik kasi baka maistorbo ko pa sila.

Ano nga ba kasing karapatan ko diba? Kababata lang naman niya ako na ngayon niya lang ulit nakasama. 

Eh si Apollo? May history na sila ni Reign. Sila ang laging magkasama. Sila ang laging magkausap. Ano ako? Epal lang sa storya nilang dalawa.

Selos? Oo nagseselos ako. Kaya lang naman ako bumalik ulit ng PIlipinas dahil gusto kong makasama ulit ang pinakamamahal kong babae sa mundo. Akala ko kasi na pagbalik ko dito, ako parin yung nagiisa niyang best friend. Akala ko, magkakaroon ng development yung pagiging 'pagkakaibigan' lang namin. Yun pala...

Nakahanap na siya ng iba.

Ilang beses ko na sinasabi sakanya dati na crush ko siya pero akala niya nagbibiro lang ako. Pero hindi. Hindi ako nagloloko nung sinabi kong crush ko siya dati. Kasi simula palang noon... Mahal ko na talaga siya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Why should I care? [O N H O L D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon