Chapter 7: Whatta Day!

97 5 2
                                    

Chapter 7: Whatta day

Dedicated kay Helpless_15

Thank you sa pagdedicate saakin sa story mo!

Kaya ipagdededecate rin kita :D

Good luck sa story mo! :D

------------------------------------------------------------------------------------------

CAITLIN'S POV

"Bes, asan na kaya yung mga boys? Ok lang kaya yung mga yun?" -ako

"Wag ka ng umasa bes, alam mo naman kung gaano sila kasikat dito sa C.U. diba?" -bes

"Eh, yun nga ang pinag-aalala ko. Mamaya masaktan nanaman yung mga yun! Alam mo naman kung paano kumapit yung mga babaeng yun sa kanila diba? Naalala mo pa ba yung nangyari sa mall?"

"Paano ko naman hindi maaalala yun! Nagahasa ako ng mga parang animal na mga babae!"

"Yun nga yung punto ko! Ganun yung dinadanas nila araw araw... Tapos hindi nila pinagsasabi na kaibigan nila tayo kasi ayaw nilang maabala rin tayo."

"Oo nga naguguilty ako..."

Napatigil kaming dalawa ni bes sa paglalakad nung may narinig kaming tiliian ng mga babae sa labas ng campus.

Nagkatinginan kami ni Bes kasi alam naman namin kung sino yung pinagkakaguluhan doon.

"PATAY!" At tumakbo kami ni Kat palabas ng campus.

------------------------------------------------------------------------------------------

NICO'S POV

Uggghhhh!! I hate going to this school! Ano ba naman itong mga babaeng ito! Kung makakapit akala mo wala ng bukas... Please Lord tulungan niyo kaming lima! Bata pa kami ayaw pa naming mamatay dahil sa constant na pagkalmot at pagsabunot ng mga babaeng ito saamin. TT________TT

"What is going on here?!?!" Yes! Si Madam Principal nandito. Mapapaalis na rin itong mga babaeng 'to!

"Uhh... ma'am... ano po kasi..." -girl 1

"Ma'am kasi nga po..." -girl 2

"What?! Finish your sentences!" Wala nang umimik sa mga babae doon. "If you girls have nothing better to do, go to class. NOW!!"

Natakot na yung mga babae kaya nagsialisan na sila. Napatingin saamin si principal.

"Are you boys alright? What happened to you? Bakit puro kalmot yang mga mukha ninyo?"

"Ma'am ok lang po kami," sabay sabay na sabi namin

"No... This won't do. Pumunta kayong lahat sa clinic at ipagamot yang mga sugat ninyo. Sasabihin ko nalang sa mga teachers ninyo na i-excuse muna kayo. Orientation palang naman kaya ok lang siguro." -Madam Principal

"Sige po ma'am salamat po." -Apollo

"You're welcome. O, sige na! Go to the clinic and tell the nurse to heal your scars."

Tumango nalang kami at pumunta na sa clinic.

***

"Ano ba kasi talagang nangyari sa inyo? Bakit puro kalmot yang mga mukha ninyo?" - Nurse Amy

"Yung mga babae po kasi kanina..." -Bryce

"Oo nga po yung mga babae kanina akala mo ngayon lang nakakita ng mga lalaki." -Ako

"Para namang hindi na kayo nasanay. Diba ganito rin naman tayo dati?" -Apollo

"Eh iba na kasi ngayon. Siyempre katatapos lang ng sem break kaya back-to-school ang dating natin." -Shaun

"Malamang na-miss tayo ng mga fan girls natin. Kaya nag kaganun!" -Remy

Tinignan lang kami ng nurse. "Di ba hindi naman ganyan ka aggresive yung mga babaeng yan sa inyo dati? Tuwing nakikita ko kasi kayong lima laging may nakasunod na mga babae pero, hindi sila kagaya kanina."

"Yun din nga po ang pinagtatakahan namin ehh..." -Apollo

"But, maybe Remy is right. Baka nga na-miss lang nila kayong makita. They are FAN GIRLS after all. Tsaka matagal tagal rin yung sem break ninyo." -Nurse Amy

"Oo nga guys, naalala niyo ba nung first day ng school year na 'to? Kapapasok lang natin sa gate, mga babae kaagad ang bumungad saatin." -Bryce

Nagsitanguan kami sa sinabi ni Bryce. Naalala ko pa nga yun eh. Kasi, nung third year kami sa C.U. nag-audition kami para sa magiging bagong dance group ng Crest University, nanalo kami sa auditions. And ever since then, nagkaroon na kami ng sandamakmak na fan girls na laging nandyan para humaras saamin.

Kaya, nung first day ng 4th year high school namin ganito rin yung nangyari, yung katulad ng ginawa saamin ng mga babae kanina lang. Yung parang first time nilang makakita ng mga lalaki sa buong buhay nila.

"O ano guys? Ok na ba kayo? Kaya niyo na bang pumasok sa gym para sa orientation niyo?"

"Opo Ms. Amy. Salamat nga po ulit." -Remy

***

Lumabas na kami ng clinic para makapunta na sa Gym. Half-day lang kami ngayon since orientation lang ang gagawin namin.

Habang naglalakad kami bigla naming nakasalubong sina Kat at Cait. Pasimple kaming tumingin sa mga tabi-tabi pero wala namang tao kaya pwede kaming mag-usap.

"Ok lang ba kayo? Nakita kasi namin ni Bes yung nangyari sa inyo kanina. Pupunta sana kami doon para tulungan kayo pero, natandaan namin na marami palang magtataka kung bakit namin kayo tinulungan kaya tinawag nalang namin si Madam Principal para mapakalma yung mga babae kanina." -Cait

"Kayo yung tumawag kay madam?" -Apollo

Tumango silang dalawa. "Salamat ha? Kung hindi niyo tinawag si madam malamang patay na kami." -Remy

"Ang O.A. mo naman. Patay kaagad?" -Cait

Napatawa naman kaming lahat. Namimiss ko na talaga yung ganito, yung wala kaming inaalala na may hahabol saamin na mga babae. Katulad nung mga bata pa kami. Pero, wala eh. Kailangan naming itago itong pagkakaibigan namin kay Kat at Cait para maprotektahan namin sila.

------------------------------------------------------------------------------------------

Sarrreehh!! Short UD kailangan kasing gawin ang mga projects kaya sorry :(

Babawi nalang ako next time.

Kung makakaabot ako ng 250 reads this week hahabaan ko talaga ng todo todo! Haha... Thank you sa mga nagsusupport sa story ko! Thank you po talaga...

Saranghaeyoooo!

-rhaiven28-

Why should I care? [O N H O L D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon