Hello, Ceshies!
This chapter is for you! I want to take this opportunity to thank all of you for your warmest support. Hindi ko po kayo maisa isa dahil napakarami niyo, pero gusto ko pong malaman niyo na sobra ang pagpapasalamat ko sa pagbibigay niyo ng pansin at oras sa first installment ng Destine Lovers Series.
Salamat po sa paghihintay ng update at pag intindi sa akin na may ibang buhay pa ako maliban sa pagsusulat ko. Salamat po sa comment nyo, good and bad, isa po iyon sa dahilan kung bakit ko naayos at na-revise ang buong istorya ni Dwight at Kiera. Salamat po dahil naging parte kayo ng paglago ko. Salamat po sa inyo ng lahat na silent at loud reader ko.
Gusto ko rin pong malaman niyo na for self pub po itong story ko this 2025, sana po ay masuportahan niyo ako. Uunahan ko na po kayo, medyo may kamahalan po ang book version kaya hinihikayat ko po kayong mag ipon. Huwag pong ipilit kung hindi kaya, naiintindihan ko po na masyadong magastos ang mabuhay.
Magpapahinga po muna ako habang inaasikaso ang manuscript nitong DLS 1 bago ko i-upload ang DLS 1: Somebody Out There na kuwento ni Doc Kevin at Angeli, baka po sa 2025 ko na i-update iyon.
Sana po ay napasaya ko kayo at napagaan ko ang mga emotional baggage na dala dala niyo kahit paano sa pamamagitan ng istoryang ito. Hiling ko ang bawat paglago niyo at kaligtasan niyo sa araw-araw. Mahal ko kayo.
Love,
Cesemie ᥫᩣ
BINABASA MO ANG
Destine Lovers Series 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIEND
HumorCOMPLETED [UNDER REVISION] Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid ng matalik niyang kaibigan na si Aulhexa. Inalok siya nito na magpanggap bilang g...