Chapter 27: The Dark Prince
“I suggest na umuwi ka na muna Kaede…”
Napatingin naman si Kaede kay Aki.
“No, I’d like to stay…”
“you don’t have to, I can take care of her.. I can protect her better than you can”
Napakuyom naman ng palad si Kaede, why is it that they’re blaming him for what had happened to Ceres? Pero di naman siya makasagot kasi as much as he hates to admit it, laging napapahamak si Ceres pag siya ang kasama.
Napabuntong hininga naman si Kaede at tahimik itong nagtungo sa pinto, pero bago ito lumabas ay napatingin muna ito kay Ceres.
Ng mawala na sa paningin ni Aki si Kaede ay naupo ito sa tabi ng kama ni Ceres.
“Gomene Ces chan,.. I just want to blame someone for what happened to you,, alam ko naman na kasalanan mo kung bakit ka nagkaganyan.. eh hindi naman kita mapagalitan..kaya sa kanya ko binabaling ang galit ko.. gomene.. and please… sana naman mag ingat ka na sa susunod.. baka hindi lang yan ang abutin mo..” sabi nito sabay hagod sa buhok ng natutulog na si Ceres.
Naabutan ni Kaede si Toshiya nakasandal sa labas ng gate ng Hospital.
“Sa wakes pinalabas ka na din ni Aki.. sumama ka sa akin.. may pupuntahan tayo…”
“Ano?”
“Isa ka sa mga leader ng grupo ng underground society diba?.. pwes. Pakinabangan natin yan ngayon..”
Nagtaka naman si Kaede sa sinabi ni Toshiya, parang wala din naman siya sa sarling sumunod dito. Saktong pag upo niya sa backseat ng sasakya ay naramdaman niyang nag va vibrate ang cellphone niya.
“Yuu?.. bakit?”
“Nalaman namin na nasa Underworld Matrix ang isa sa leader ng Pecatta Mortalia yung iba naman nasa iba’t ibang bahagi ng Tokyo.. nasa Shinjuku kami ngayon.. yung ibang members naman ng Starlight at Dark Angels ay hina hunting ang ibang leaders.. Kai.. nasa war zone tayo ngayon.. yung ambush na nangyari kanina.. panimula pa lang yun… isa isa tayong nawawalan ng members.. di ko alam kung ano nangyari sa kanila..” sabi ni Yosuke.
Inagaw naman ni Soujiro ang telepono kay Yosuke.
“Kai.. pumunta kayo ni Toshiya sa underworld matrix, kelangan natin mahuli ang isa sa kanila..nagkakagulo na ang buong Tokyo… may mga nahuli kaming kasapi ng ibang grupo na galing pa ng Osaka.. mukhang maraming ka alliance ang Pecatta Mortalia na yan… wala na kaming pwedeng papuntahin dun liban sa inyo, alam kong nag aalala ka kay Ceres, pero kelangan mo din gawin ang duty mo bilang leader.. “
Binawi naman ni Yosuke kay Soujiro ang telepono.
“Kai… may nakapagsabi na ang grupo na sumalakay sa concert hall kanina, ay ang grupo na nasa underground matrix ngayon..”
Napahawak naman ng mahigpit si Kaede sa cellphone niya at biglang nagdilim ang anyo niya.
“Okay.. sige kami ng bahala..” nasabi lang nito.
“bakit kelangan mo pang sabihin yun Yuu?” narinig ni Kaede na sabi ni Souh.
Inagaw naman ni Souh ulet ang telepono kay Yosuke.
“Kai.. wag kang padalosdalos okay?.. relax ka la—“ nawala na ang kausap niya sa kabilang linya.
“Ngayon alam mo na..” sabi naman ni Toshiya na nasa tabi niya lang.
Tumahimik lang naman si Kaede at kinakalma ang sarili. Hindi sila nag usap ni Toshiya habang nasa byahe.
Ilang minuto pa ay nakarating din ang dalawa sa Underground Matrix, isa ito sa pinakadelikadong lugar sa Tokyo, puro mga taga underground society ang mga napapadpad sa lugar na yun, dahil malayo ito sa main city mismo ay hindi na ito naabot ng mga pulis, tinatawag din itong “lawless” city dahil ito ang isang lugar sa Tokyo na di na cocontrol ng government, sumusunod ang mga tao dito sa tinatawag nilang “law of the devil” mga batas ito na pinapatupad ng mga malalakas na leader ng underground society.
BINABASA MO ANG
My Wild Knight
RomanceCeres Aoihana,a boyish high school girl is one of the leaders of one of the most powerful gang in Tokyo, she likes to fight all the time, she thought that starting her high school life will do her some good, but unfortunately, she had a fight with K...