Chapter 13: ‘A Squad’
Sunday. 6pm. Echizen Estate.
Natapos din sila sa pamimingwit at sa pagpi-picnic. Si Ceres ang may pinakamaraming huli, hindi naman lahat ng huli nila ay inihaw nila, ang mga maliliit na isda ay binalik din nila sa ilog. Nang makabalik sila sa bahay ng mga Echizen ay agad humilata si Ceres sa tatami ng sala.
Ceres: “I’m sooo tired” sabi nito na nakapikit na ang mga mata.
Ryoma: “Master, nasa labas na si Kitano-san naghihintay sa’yo”. Ang driver nila Ceres ang tinutukoy nito.
Ceres: “sou ka?... hai hai…mag-aayos na ako.”. at nagtungo na ito sa kwartong tinutuluyan nila at nag-ayos ng gamit.
Nang bumalik na si Ceres sa sala ay nakabukas na ang TV, naka commercial ito kaya di niya alam ang pinapanood ni Ryoma at Kaede, biglang lumitaw ang commercial ng isang Cake Shop, lumapit si Ceres sa TV at hinawakan ang screen, nagtaka naman pareho si Ryoma at Kaede sa ginawa nito.
Ceres: “waaahhh… ito yung cake na gusto ko matikman…”. itunuro niya ang cake na fini-feature sa commercial, “chocolate overload” ang pangalan ng cake. “kaso…tuwing Monday lang available yung cake… tapos limited lang sa 20 cakes yun every Monday…” pagpapatuloy na sabi nito.
Nagtinginan naman si Kaede at Ryoma at sabay na nag kibit ng balikat.
Nakarating na din si Ceres sa bahay nila, naiwan naman si Kaede sa bahay nila Ryoma, ng makauwi si Ceres ay agad itong sinalubong ni Aki. Sabay silang nagtungo sa kawarto ni Ceres, habang nililigpit naman ni Ceres ang mga gamit niya ay di man lang nagsalita si Aki, kaya nagtaka din si Ceres.
Ceres: “anong problema Kee-chan?...may sasabihin ka ba?” tanong nito pero din man lang binalingan ng tingin si Aki dahil abala ito sa pagliligpit ng gamit.
Hindi napansin ni Ceres ang pagkabalisa ni Aki. Nagkamot ito ng ulo bago nagsalita.
Aki: “Ces…may sasabihin ako…wag kang magagalit ha?” sabi nito habang nasa likod na ni Ceres.
Hinarap naman siya ni Ceres na nakasalubong ang kilay.
Ceres: “ha?... depende kung ano sasabihin mo…” sagot lang nito.
Aki: “tungkol kasi to sa meeting natin kahapon… yung magiging symbol of Alliance?…” namutmutla ng sabi nito.
Naisip kasi ni Aki na wala na siyang ibang pagkakataon na banggitin ang tungkol dun kay Ceres, kesa sa malaman niya pa sa iba,mas mabuti ng siya ang magsabi dito. Napakunot naman ng nuo si Ceres.
Ceres: “o?.. ano naman ang tungkol dun?”
Aki: “napag-usapan kasi na….na… yung magiging Symbol of Alliance ay kayong dalawa ni Kaede…”
Ceres: “ha?... paano naman magiging Symbol of Alliance yun?” takang tanong nito.
Sinabi nga ni Aki ang pinag-usapan nila during meeting, mataman niya ding inaabangan ang magiging reaction ni Ceres. Si Ceres naman ay nakikinig lang, kinakalma ang sarili sa mga naririnig. Pagkatapos magsalita si Aki ay napabuntong hininga naman si Ceres ng napakalalim.
Ceres: “Hai… wakarimashita….” Wala sa loob na sabi nito.
Nalaglag naman ang panga ni Aki sa sagot ni Ceres. Hindi niya kasi inaasahan yun, akala niya mag-reretaliate si Ceres at pagsisimulan na naman ng away, kaya nga nag-aalalangan siyang sabihin ang tungkol dun sa kanya.
Aki: “okay lang sa’yo yun?... hindi ka papalag?” takang taka na sabi nito.
Bumuntong hininga ulit si Ceres.
BINABASA MO ANG
My Wild Knight
RomanceCeres Aoihana,a boyish high school girl is one of the leaders of one of the most powerful gang in Tokyo, she likes to fight all the time, she thought that starting her high school life will do her some good, but unfortunately, she had a fight with K...