Chapter 9: Otouto [Little Brother]

101 1 0
                                    

Chapter 9: Otouto [Little Brother]

Bahay nila Ryoma 5:15pm. Nandoon na sila Ceres pati na rin sina Miori, Momoko, Ayako at Chidori, at lahat ng members ng division ni Ceres, completo silang lahat, nandoon na rin ang pinsan ni Ryoma na si Nanako. Ikinatuwa naman ng Okaa-san ni Ryoma ang pagdating nilang lahat, malaki din naman ang bahay nila Ryoma, isang traditional Japanese house at marami ding kwarto, pero hindi ito maikokompara sa bahay nila Ceres. Ganun pa man, matutuwa ka pa rin sa bahay dahil napaka traditional nito, may Japanese garden din at lagoon, at napapalibutan din ito ng iba’t-ibang uri ng puno at ng cherry blossoms, ang weird lang sa bahay na yun ay mayroon itong Tennis court sa pinaka-gilid ng bakuran, pareho kasing mahilg sa Tennis ang mga magulang ni Ryoma at pati na rin siya ay nahawa sa hilig ng mga magulang niya.Nagtuloy sa malaking sala sina Ceres at mga kaibigan niya, at doon ay may nakahandang karaoke. Hindi pa man nagsisimula ang kasiyahan ay nagsimula na ang mga itong mag-karaoke. Pero ang kumakanta lang talaga ay si Ceres at mga members niya, samantalang sina Miori ay nakikinig lang sabay nagtatawanan, kasi ang ilan sa members ni Ceres ay medyo sintunado,hindi nila alam kung sinasadya nila ito o talagang sintunado lang sila. Kapag si Ceres naman ang kumakanta ay tumatahimik sila, may magandang boses kasi ito, kahit anong klaseng kanta pa yan, nakakanta niya ito ng walang kahirap-hirap, kaya sa tuwing natatapos siya sa pagkanta, ay umuugong ang palakpak para sa kanya.

Habang sila Kaede naman ay kakarating lang ng bahay ng Obaa-san niya.Sinalubong sila ng servant ng Obaa-sama ni Kaede at sinamahan sila nitong makarating sa sala kung saan gaganapin ang salo-salo. Napansin nila Kaede na medyo maingay na ang sala, may nauna na pala sa kanilang mga bisita. 5:45pm pa lang naman kasi.

Nag-aalala naman si Aki dahil hindi pa tumatawag si Ceres o si Miori sa kanya, kanina niya pa tinitxt at tinatawagan pero di naman sila sumasagot. Wala pa naman sa kanilang tatlo, siya, si Hisashi at Yuuhi ang nakakaalam ng bahay nila Ryoma, ang Driver nilang si Kitano lang ang nakakaalam sa bahay nila Ryoma, si Kitano ang personal Driver ni Ceres, at kasalukuyang kasama naman ni Ceres, at tulad ni Ceres ay di niya rin ito ma contact, kaya nag-aalala siya. Ang alam lang ni Aki ay ang dating bahay nila Ryoma, lumipat na kasi sila ng bahay 6 months ago at di pa siya nakakapunta doon, si Ceres pa lang ang nakakarating dun kasi ito naman ang madalas na kasama ni Ryoma, hindi niya naman natanong kung saan ang bahay nito kasi may balak nga siyang sumama kay Ceres pag nagkaroon siya ng oras na dumalaw.

Nang buksan ng servant ang sliding door ng sala ay napahinto ang mga bisita nito. Nagulat ang mga itong makita ang mga bagong dating na bisita.

Ceres: “Kee-chan?... anong ginagawa niyo dito?” gulat na tanong nito. Isang iglap pa at nagkagulo na ang lahat.

Ang Obaa-san pala ni Kaede ay mismong Okaa-san ni Ryoma. Kaya pala kilala ng Starlights si Ryoma Echizen kasi ito ang kaisa-isang pinsan ni Kaede. Nang malaman ito ni Ceres ay matalim niyang tinitigan si Ryoma, napayuko naman ito sa titig ni Ceres. Pati ang mga members ni Ceres pati sila Miori, ayako, Chidori at Momoko at buong Dark Angels ay nagulat din..na mag-pinsan pala si Kaede at Ryoma, wala man lang nagsabi sa kanila tungkol dito. At dahil dito hinila palabas ni Ceres si Ryoma, samantalang ang iba sa kanila ay nanatili sa sala na naguguluhan, natahimik ang mga ito, wala man lang nagsalita, hinihintay nila na bumalik ang dalawa.

Nang makarating sina Ceres at Ryoma sa garden ay agad niyang kinurot ang pisngi ni Ryoma.

Ceres: “bakit di mo man lang sinabi na mag-pinsan pala kayo ni Kaede samantalang nagkita na kayo dati nung magpunta siya ng Shibuya?... sabihin mo nga?.. may tinatago ka bas a akin?.. RYOMA ECHIZEN?!” galit na galit na sabi nito.

Biglang napaatras si Ryoma ng tawagin siya ni Ceres sa buong pangalan niya.

Ryoma: “calm dowm master, Jitsu wa… I only found out about having a cousin not more than a year ago… and to tell you honestly, up until now.. I still can’t believe who I really am… I didn’t tell you about this before kasi alam kong mag-aalala ka lang… ang knowing you, you will just do reckless things na makakapag-pahamak sa’yo… that’s why I kept my mouth shut… It wasn’t really my intention to hide this from you for a long time, hinihintay ko lang na ma settle ang lahat bago ko sabihin sa’yo ang lahat… coz I don’t want you do worry about me”

My Wild KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon