Chapter 25: Stalkers Around The Area

56 1 0
                                    

                             Chapter 25: Stalkers Around The Area

Ceres: “wag mo nga akong susundan! Lumayo ka nga!” utos nito kay Kaede na panay pa din ang sunod sa kanya.

Di naman siya pinansin ni Kaede at pinagpatuloy pa din ang pagsunod kay Ceres, nakapamulsa lang ito at di maalis ang smirk sa mukha nito na siya namang kinainis lalo ni Ceres.

Kaede: “Saan ka ba naman kasi pupunta…?” wala sa loob na sabi nito.

Bigla namang napahinto sa paglalakad si Ceres at napalingon kay Kaede na nasa likuran niya. Nagkamot ito ng ulo.

Ceres: “Hindi ko alam….” Bulong nito sa sarili. Narinig naman ito ni Kaede sabay ngiti.

Kaede: “BA-KA…” sabi nito sabay pitik sa noo ni Ceres.

Pinamulatan naman siya ni Ceres.

Ceres: “I will sue you for physical injury!” sabi nito sabay hampas kay Kaede.

Kaede: “then that will make us even… ne~?” sabi nito habang ngiting ngiti.

Ceres: *growl* *evil glare*

Kaede: “what a cute pout you have there, kitty cat…”

Inirapan na lang siya ni Ceres.

Ceres: “nakakaubos naman ng pasensiya ang taong to….”

May bigla namang naalala si Ceres at mabilis itong tumakbo pabalik sa pinanggalingan nila kanina.

Nahawakan naman agad ni Kaede ang kamay nito bago ito tuluyang makatakbo.

Kaede: “where do you think you’re going?”

Ceres: “none of your business Stalker-san…” sabi nito sabay pilit na kawala sa kamay niyang hawak hawak ni Kaede.

Kaede: “well too bad Aoihana san.. Knowing you being a trouble maker, I can’t just let you wonder around alone.” Seryosong sabi nito.

Napakunot noo naman si Ceres.

Ceres: “I can take good care of myself thank you very much Rukawa san..” asar na din na sabi nito.

Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Hindi naman magpapatalo si Ceres kaya nakipagtagisan ito ng tingin kay Kaede.

Napa smirk naman si Kaede ng makita ang determinasyon ni Ceres na makipagtitigan sa kanya. Bigla niya hinipan ang nanlilisik na mata ni Ceres at napakurap ito ng ilang beses.

Kaede: “you lose…” ngiting ngiti na sabi nito.

Ceres: “What?..” wala sa loob na sabi nito, kinusot nito ang mga mata niya. “sino naman nag decide na natalo ako?..sira ulo ka din ah.. mandaraya…” tuloy pa din ang pagkusot ng mata nito.

Hinawakan naman ni Kaede ang kamay ni Ceres at inilayo ito sa pagkusot ng mata niya.

Kaede: “Stop doing that...” ito lang ang nasabi niya at tinigil na ni Ceres ang pagkusot ng mata niya.

Tumango naman si Ceres.

Kaede: “saan ka ba pupunta?”

Ceres: “babalikan ko yung sa NOIZ.. kaso baka wala na sila.. kaya please, utang na loob at labas hayaan mo na akong magpunta dun…”

Bumuntong hininga naman si Kaede at binitawan si Ceres, at nauna itong maglakad pabalik sa kinaroroonan nila kanina.

Nakalayo na si Kaede ng bahagya ng mapansin nitong di nakasunod si Ceres, nakatanga lang kasi itong nakatingin sa kanya.

My Wild KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon