Chapter 3: One Step Forward

4K 42 8
                                    

Ara's POV

Pinuntahan namin si Coach Ramil kasi, namiss namin siya. Lol. Pero totoo talaga. Namiss namin siya. He gave us a 2-week break from all the training kasi matagal pa naman yung season namin, plus kaka-start lang ng bagong academic year.

Then I, Carol and Kim saw Jeric Fortuna walking away from his car. Woah. Nandito siya.

Fort: Carol!

Carol: Uy. Nandito ka na pala.

Fort: You have training?

Carol: Wala. Pinuntahan lang namin si Coach Ramil. Tara?

Me: Ingatan mo yan, Kuya Fort ah.

Fort: *laughs* Oo naman.

Carol: Che!

Kim: Haba ng hair! O sige na, alis na kayo.

Carol: Uy ah. Sabihin niyo na lang kay Ate Aby na... ano...

Me: Na ano? *raises her eyebrows*

Carol: Na kasama ko si... *tinuro si Fort* 

Fort: Sabihin niyo kay Aby, kasama niya ako.

Carol: Oo. Yun yung sabihin niyo. Sige guys, una na ako. I mean, kami.

Fort: Bye girls.

At yun, umalis na rin sila.

Kim: O, ano, manonood ka pa ng training ng Archers?

Me: Oo. Ikaw?

Kim: Hindi na. Marami akong kailangang gawin eh. Ingat ka na lang.

Me: Bomba ka talaga forever. Di ka marunong tumupad sa usapan. Sabi mo manonood ka rin eh.

Kim: Eh marami nga akong gagawin.

Me: Bahala ka na nga. Alis ka na.

Kim: Oo. Aalis na talaga ako kasi nga marami akong kailangang gawin.

At umalis na rin si Kim. Sige maganda yan. Iwanan niyo kong lahat.

I went straight to the basketball court at nagsisimula na rin sila sa mga drills nila.

Me: Thom!

Thomas: Ara!

He ran towards me excitedly like a child na sabik na sabik mayakap ang nanay niya.

Thomas: How are you? Buti nandito ka!

Me: I'm fine. Uy, balik ka na dun. Baka pagalitan ako ni Coach Juno kapag nakita niyang hindi ka nag-ttrain.

Thomas: Okay lang yun, malakas naman ako kay coach eh.

Me: Sige na, dali na. Balik ka na dun.

Thomas: Sige. Upo ka doon ah! *points to the bleacher na kung saan nakalagay yung towel and shirt ni Thomas*

Me: Yes. Sige na, balik ka na dun.

Luckier (Ara Galang-Thomas Torres)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon