Chapter 1

345 5 0
                                    


Cheska POV

Nakatayo kaming dalawa ni Sarah habang naghihintay ng utos ng amo namin.Mabait ang amo namin kaya lang laging wala sila sa bahay kaya ang anak lang nila ang naiiwan.Sa tansya ko magkasing tanda lang kami ng anak ni Mr.Ramon at Ms.Rose.

Kaso sobrang sungit palaging nakasigaw kapag nakautos.Kaya naman sobrang takot namin dito.Gwapo sya,matangkad,matangos ang ilong at sobrang kinis ng mukha tsaka pangmodel ang katawan kaso napasama ng ugali,walang wala sa magulang nya.

"Son pupunta kami ng daddy mo sa Cebu may aasikasuhin kami dun" ani ni ma'am rose sa anak na umagang umaga e nakakunot ang noo.Psh?!

"Hanggang kaylan kayo dun?" tanong nya habang patuloy sa pagkain.

"Actually hindi namin alam kaya umayos ka habang wala kami.Okay?"Agad na sabi ni ma'am.

Nang nakaalis na sila sir at ma'am ay naglinis na kami ni Sarah ng bahay na sobrang laki.Inuna namin ang sofa pagkatapos ay kwarto naman ng magasawa at yung anak na sobrang sungit.Habang umaakyat kami sa hagdan ay biglang nagsalita si Sarah.

" Cheska ikaw na lang ang maglinis sa kwarto ni Sir Jiyo"ani nito habang dala dala ang walis at dust pan.

"Huh?Ayoko nga"reklamo ko.Napakasungit kaya nun.

" Sige na ikaw na.Kaya mo na yan.Good luck "nakangiting sabi nito sabay pasok sa kwarto nila ma'am sabay lock.

Tsk.Ang daya talaga.Ayoko lang talaga ako ang maglinis ng kwarto nun.Napakasungit kase tapos ang Sama pa ng ugali ibang iba talaga sa magulang nya.

Unti unti kong binuksan ang pinto Nakita ko naman na wala sya sa higaan.Nang tuluyan na kong makapasok ay dinig kong nakabukas ang shower siguro naliligo si sungit hindi ko na lang ito pinansin at nagsimula na ako maglampaso ng sahig.Nasa kalagitnaan nako ng linis ng biglang nagbukas ang pinto ng CR.Humarap ako bigla sa kanya ng makita kong topless sya at tanging ang pambaba nya lang ang nakatago.Ngayon ay kitang kita ko ang kanyang napakagandang katawan.

Nang mapansin ko na nakatitig pala sya sakin ay agad akong nagiwas ng tingin at tumalikod sa kanya.Nakakahiya Nakita nya kong nakatingin sa maala Justine Bieber nyang katawan.Shet!Diko na kaya kaya agad akong naglakad sa pinto at aakmain ko ng buksan ng bigla syang nagsalita.

" San ka pupunta?"tanong nito.

Bigla naman akong humarap sa kanya ng unti unti.Iniiwasan ko talagang makita ang hubog ng kanyang katawan.Nakita ko naman ang mukha nya na naghihintay parin ng sagot ko.

"Sir lalabas na po" yan lang ang nasabi ko dahil hiyang hiya talaga ko baka isipin nito pinagnanasaan ko ang katawan nya.Asa.

"Hindi ka pa tapos diba?!" Sabi nito habang diresyong nakatingin sakin.

Parang may kung anong magic ang dala ng mata nya dahil sumasabay din ako sa titig nya.Parang hindi ko na alam kung paanong magiwas ng titig sa kanya.Nakakawala ng sarili.

He is a GoodKisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon