Chapter 21

47 4 0
                                    

Cheska POV

Hapon na ng dumating kami sa resort nila Jiyo natraffic kase kami.Nagpunta naman agad kami sa kanya kanyang kwarto syempre magkakasama sa isang kwarto sila Ella,Lorraine at Shiela sa isa namang kwarto sila Alex,Miguel at Lian kami naman nitong si Jiyo nakabukod.

Nagpunta muna kami ng kwarto ni Jiyo magpapalapit lang kami ng damit tapos baba na para sa gabihan walang katulong dito kaya kami na lang na mga babae ang magluluto sabi kasi ni Jiyo twing sabado lang pumupunta dito yung katulong para linisin lang to.

"Gusto mong maglibot muna?" tanong ni Jiyo habang nagpupunas ng basang buhok.

"Mamaya na lang,magluluto muna kami para sa gabihan natin"ani ko at ngumiti.

"Okay,tara na sa baba baka nandun na sila"Tumango naman ako sa kanya pagkatapos ay bumaba na kami habang nakaakbay sya sakin.

Pagbaba namin ay kumpleto na sila dun at nakaupo sa sofa mukhang may pinaguusapan.Napalingon naman sila saming dalawa.

"Ang tagal nyo ah!" saad ni shiela.Nakita ko naman tong nakaakbay sakin na nakakunot ang noo.

"Pakialam mo ba?" Hanggang dito ba naman ganyan sila?!

"Psh!Tara na nga Cheska magluto na tayo" Wala na akong nagawa ng hilahin nya ako patungo sa kusina hindi ko nadin nagawang lingunin si Jiyo dahil alam kong nakakunot na naman ang noo nito.

Sumunod naman samin sa kusina si Ella at Lorraine siguro tutulong din.Medyo close ko na silang dalawa,mababait naman sila pati yung si Miguel at Alex kaya lang napansin ko si Lian napakatahimik mula kanina hindi ko naman magawang kausapin dahil si Jiyo e parang linta.

"Ano iluluto nyo Cheska?" tanong ni Ella.Ano nga ba?

"Ewan ko kay Shiela sya na daw bahala e" Tumango na lang sya at umupo sa upuan.

"Hoy Lorraine kaylan mo daw sasagutin si miguel?" tanong ni Shiela habang nagluluto.

"Paano ko naman sya sasagutin e napakalandi nya" Natawa naman kami.Buti na lang si Jiyo sakin lang lumalandi!

"Ganun talaga lorraine,sagutin muna baka mainip yun ikaw din" saad ni Ella habang nagtitimpla ng juice.

"Wala akong pakialam sa kanya." Pansin ko si Lorraine may pagkamaldita sa pagsasalita tapos si Ella naman napakadaldal.

Pagkatapos magluto ni Shiela ay kumain nadin kami syempre mawawala ba ang kwentuhan e nandyan si Ella tapos si Miguel naman todo suyo kay Lorraine kaya lang walang effect si Shiela at Jiyo naman walang tigil sa asaran kaya ako tawa tawa lang ng tawa.Minsan nahuhuli kong nakatingin sakin si Lian kaya nagiiwas ako ng tingin kami nga lang yata ang tahimik kanina e.

He is a GoodKisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon