Chapter 2

153 4 0
                                    


Cheska POV

Nandito kami ngayon sa hospital.Medyo malaking halaga ang kaylangan ni Sarah para mabayaran yung bill sa hospital at para makalabas na yung kapatid nya.Kaya pinoproblema nya kung saan kukuha ng pambayad sa hospital.

"Cheska san ako kukuha ng ganung halaga?" hinimas ko naman agad ang likod nya dahil umiiyak na ito kanina pa.

"Sarah nandito ako tutulungan kita." sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya.

"Hindi ko na alam Cheska ang gagawin ko.Parang napakamalas ko sa buhay" Sabi nito at humagulgol na sa iyak.

"Ano kaba Sarah.Hindi malas ang buhay mo.Hindi ka nagiisa nandito ako.Pagtutulungan natin yang problema mo."

"Salamat talaga Cheska" Sabi nito at niyakap ako kaya natawa ako at niyakap ko sya pabalik.

***

Nagpaalam muna kami sa nanay nya at kapatid na uuwi na kami sa malaking bahay baka kase hanapin na kami ni Sir Jiyo napakasungit pa naman yun.

Nandito kami ngayon sa kwarto namin sinabi ko muna kay Sarah na magpahinga muna sya at kami na lang muna ni Mang Lita ang bahala sa paglilinis.Nagpalit na ako ng damit tsaka pumunta sa kusina.

Naabutan ko naman si Manang na naghuhugas ng pinggan.

"Manang ako na po dyan" Sabi ko at pilit na kinukuha ang sponge.

"Hindi na ako na dito.Punasan mo nalang yung mga picture frame sa sala" kinuha ko naman agad ang bigay ni Manang na pamunas at nagsimula na kong punasan ang mga picture.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglilinis ng bigla kong nakita si Sir na humahakbang pababa ng hagdan pero nakatitig lang sya sa akin.Bigla naman akong tumalikod sa kanya at pinunasan ang mga natapos ko ng punasan.Hanggang ngayon nahihiya at naiilang parin ako sa kanya.At tsaka kung makatitig akala mo kakainin ako ng buo.

Nagulat naman ako ng bigla syang nagsalita.

"San ka galing kanina?" malamig pa yata sa yelo kung magsalita sya kaya napalingon ako sa kanya.Ano naman pakialam nya kung san ako galing kanina.Tss.

"Sir sinamahan ko lang po si Sarah sa hospital" ani ko at hindi parin makatitig sa kanya.
Nagulat naman ako ng dahan dahan syang lumalapit sa akin kaya medyo umaatras ako.Ano bang ginagawa nito?Bakit sya lumalapit sakin?

Hindi parin sya tumitigil sa paglapit sakin kaya Hindi din ako tumitigil sa pagatras hanggang naramdaman ko na nakasandal na pala ko sa wall.Nakatitig parin sya sakin at seryoso ang mukha nito.Ano bang ginagawa nya?

Nagulat naman ako ng hinawakan nya ang dalawa kong kamay at itinaas sa ulo ko.Nakatitig parin sya sakin pero ngayon sa labi ko na.Hahalikan nya na naman ba ako?Wag naman sana.Pumikit na lang ako sa sobrang pagkaba ko dahil napakalapit nya sakin.Oh Lupa kainin mo na ako.Now na.

He is a GoodKisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon