Chapter 6

86 3 0
                                    


Cheska POV

"Perfect" Hiyaw ng photographer.Bigla naman akong nakaluwag ng hinga.Nagpalit na ako ng damit ko at inayos ang sarili bago lumabas ng CR.Nang makalabas ako ay biglang may lumapit saking lalaki,mukhang model sya.

"Hi I'm James" Sabi nito at nilahad ang kamay nya.Hindi naman ako nagdalawang isip na makipagshake hand.

"Cheska" nakangiti kong sabi sabay bitaw ng kamay.

"Bago ka dito?"

Magsasalita pa sana ko ng biglang dumating si JIYO na nakakunot na naman ang noo.Ano bang problema nya?Kanina mukhang okay naman sya tapos ngayon ganyan na naman sya.Aish!Kainis.

"Let's go" madiin nyang sabi sabay hila ng braso ko palabas ng kwarto.Hindi ko sya maintindihan?Para namang nabastos si James sa inasal nya.

Nang makarating kami sa parking lot ay binitawan nya ang kamay ko sabay harap sakin na nanlilisik ang mata kaya bigla naman akong natakot.

"Bakit mo kinakausap yun?" Ano naman kung kausapin ko yung tao?Nagpapakilala lang naman yun tsaka mukha namang mabait si James.Humarap naman ako sa kanya.

"Nagpapakilala lang naman yung tao.Ano naman problema dun?" Hindi ko namalayang nasigawan ko na sya.

"Pinalampas ko na nga na magsuot ka ng ganyang damit tapos kakausapin mo pa yung lalaking yun"Hiyaw nya sakin.Ano naman kinalaman ng suot ko dito?Hindi ko sya maintindihan.

"Ano namang problema sa suot ko?" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Diba sabi ko sayo wag kang magpapaganda.Tapos yan ang sinuot mo." Hiyaw nya sakin sabay nilagay nya ang dalawang kamay nya sa mukha nya na galit na galit.

"Alam mo hindi kita maintindihan?Okay naman tong suot ko." galit kong sabi sa kanya.

"Okay bayan?E ang ikli ikli tapos kitang kita payang hubog ng katawan mo.Yan ba ang okay?!" Sabi nya sabay turo ng suot kong damit.Nakakainis na sya.Ano namang problema sa suot ko.Bagay naman sakin tapos ang daming nagsasabi na maganda daw ako sa suot ko tapos yan ang sasabihin nya.Kainis.

"Edi sana sinabi mo palang nung nasa bahay tayo para naman nagpalit agad ako." sabi ko at tumalikod sa kanya.Wala naman akong nakikita na problema sa suot ko.Nakakainis na talaga sya.Mga ilang minuto din ang lumipas ng bigla ulit syang nagsalita pero normal na boses na.

He is a GoodKisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon