Chapter 11

74 4 0
                                    

Cheska POV

Nandito kami ngayon ni Sarah sa mall napagdesisyunan kase namin na gumala ngayon tutal wala naman na kaming gagawin sa bahay tsaka nagpaalam ako kay Jiyo at pumayag naman sya.Naaawa nadin ako sa kanya dahil napansin kong marami syang ginagawa sa office kaya minsan wala na kaming time sa isat isa pero naiintindihan ko naman sya.Mahal ko e.

"Cheska ano gusto mong flavor ng zagu?" tanong nya habang nakapila.Libre daw nya kase ako ngayon kaya pumayag na ako.

"Black Forest na lang." Tumango naman sya at umorder na.Ako naman ay nakaupo lang sa gilid.Inikot ko naman ang mata ko sa paligid ng biglang dumating si Sarah na may dala dala ng zagu.Binigay naman nya yung akin at tumabi sa akin.

"Thanks" pasasalamat ko at humigop na.Kahit kaylan talaga ang sarap ng flavor nito parang si jiyo hindi nakakasawa.Landi.

Maya maya pa ay napagdesisyunan na namin umuwi ni Sarah.Bigla kaseng sumakit yung puson ko,meron kase ako ngayon.Nang makauwi kami ay nagpahinga agad kami ni Sarah.Medyo napagod kase kami kanina kakalakad kaya sobrang sakit ng paa ko.Ginabi nadin kami ng uwi kaya kahit gusto ko mang hintayin si Jiyo ay di ko na yata magagawa dahil gusto ko ng magpahinga at matulog.

Bigla naman akong napaupo sa kama dahil biglang may dumating na kotse siguro sya nayun.Tumingin muna ako sa salamin bago lumabas.Agad ko naman syang sinalubong at kitang kita sa mukha nya na pagod na pagod sya.


"Hi babe" Sabi nya sabay halik sa noo ko.Ngumiti naman ako sa kanya at kinuha ang gamit nya.Inakbayan naman nya ako at sabay na kaming pumasok sa loob.

"Kumain kana ba?" tanong ko ng makaupo sya sa sala.Tumango naman sya at hinilot ang sentido nya.Nilapitan ko naman sya at umupo sa tabi nya.

"Bakit gising kapa?" tanong nya at tiningnan ako.Bakit ganun?Kahit pagod sya ang gwapo nya parin?!Tapos ang hot pa.Kainis.

"Narinig ko kase na dumating kana kaya bumangon ako para salubungin ka" Hindi naman sya sumagot at hinawakan lang ang kamay ko ng mahigpit.

"I'm sorry" Sabi nya at humarap sakin.Bakit sya nagsosorry?May ginawa basyang masama?

"Para saan?" tanong ko.


"Dahil wala na akong oras sayo" hinawakan ko naman ang magkabilang pisnge nya at pinaharap sakin.

"Okay lang ako.Naiintindihan kita.Kaya wag ka ng magsorry sakin" Pagkatapos ay nginitian ko sya ng matamis at sabay halik sa noo.


"Iloveyou" Kahit kaylan talaga kinikilig ako kapag sinasabi nya sakin yan pero hindi ko pinapahalata sa kanya na kinikilig ako.Baka kung ano pa isipin nitong gwapong lalaking to?!

"Iloveyou too" feeling ko tuloy namumula ko kapag sinasabihan ko sya ng ganyan.Aish!Bigla naman nya akong hinawakan sa baba at pinaharap sa kanya.Hindi ko pala namamalayan na nakayuko na pala ako.

He is a GoodKisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon