Chapter 18

44 3 0
                                    


Cheska POV

Dahil nga walang pasok tong si Jiyo e eto na naman silang magpinsan laging nagaaway.Mas mabuti pa yatang may pasok tong si Jiyo e para hindi masira ang araw nitong si Shiela.

Nandito kami ngayon sa likod ng bahay.Si Shiela at Jiyo naman nasa swimming pool at ako nakaupo lang sa bermuda grass habang pinagmamasdan sila.Hindi ko maipagkakailang sexy si Shiela dahil nakasuot itong bra at panty lang kaya lutang ang ganda ng katawan nito.

At sabi naman ni Shiela may bisita daw syang hinihintay at ipapakilala samin pero hanggang  ngayon ay wala parin ito.Nakita ko namang umahon na si Shiela sa tubig siguro ay napikon na naman.

"Cheska punta muna ko sa loob hintayin ko lang yung friend ko"ani nito sabay pasok sa loob.Ako naman ay lumapit sa pool at umupo lang sa gilid sinayad ko lang ang paa ko sa tubig.

"Ayaw mo?" tanong nya.

"Mamaya na.Hoy jiyo ikaw lagi mo na lang inaasar si Shiela" Sabi ko sabay talsik ng tubig sa mukha nya gamit ang nakasayad kong paa.

"Tss.Because of her hindi natuloy yung ginagawa natin"nakangiti nitong sabi.Aba,siraulo talaga to.Hanggang ngayon dipa sya move on dun pero kung sabagay ako din medyo nabitin dahil sa katok ni Shiela.

"Manahimik ka nga jan"sigaw ko sa kanya.Lumapit naman sya sakin at napahiyaw naman ako ng bigla nya kong hinila kaya nahulog ako sa tubig.Kainis talaga to.

"Pffft hahahaha"natatawang sabi nya habang nakahawak sa bewang ko.Hinampas ko naman sya sa braso sa ginawa nya muntik na kasi kong malunod buti na lang tinaas nya agad ako hindi pa naman ako sanay lumangoy.

"Epal mo talaga"inis kong sabi sa kanya.Pero imbis na magsalita ay ngumisi sya kasabay ng pagangkin sa labi ko.Ako naman ay tumugon lang sa halik nya.Maya maya ay kumalas na sya at kapwa habol ang paghinga namin.

"Ilove you"

"Iloveyou too" nakangiti kong sabi sa kanya.Maya maya pa ay umahon na kami sa tubig at umupo sa lamesa inabot ko naman ang towel kay jiyo at agad naman nya itong kinuha at pinunasan ang katawan nya.

Maya Maya pa ay dumating na si Shiela kasama si.....Lian.Anong ginagawa nya dito?Sya ba yung bisita ni Shiela?Ngumiti naman ito saakin at kumaway ako naman ay ngumiti ng alanganin.
Kita ko naman nagulat si Jiyo sa kasama ni Shiela.

"Guys si Lian friend ko Lian Jiyo and Cheska" pakilala nya ng makalapit silang dalawa.Tumayo naman kaming dalawa at nagulat ako ng akbayan ako ni Jiyo.

"Actually I know them" ani nito na nakangiti sakin.Ako naman ay hindi makatingin sa kanya ewan ko ba kung bakit?!Ngayon ko lang ulit kasi syang nakita mula nung dinala nya si Tita sa hospital kaya medyo nanibago ako sa kanya mas lalo kasing gumuwapo ito.

"Ah.Ganun ba tara na kain na tayo" ani ni Shiela kaya umupo na kaming apat.Katabi ko si jiyo at kaharap naman namin si Shiela at Lian kaya naiilang ako hindi ko alam kung bakit?!

He is a GoodKisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon