Chapter 14

54 3 0
                                    


Cheska POV

"Huh?Niloloko mo ba ako?" gulat kong tanong sa kanya.Sino ba namang hindi magugulat sa sinabi nya.Ginawa lang naman nya akong secretary nya para daw lagi kaming magkasama.

"What?I'm serious here" ani nya habang nanunuod ng TV.Kung sabagay kaylan ba nagbiro ang isang to.

"Alam naba nila Tito at Tita?" tanong ko habang nakatitig sa kanya.

"Yes.Kaya bukas sabay na tayong pumasok." nakangiti nyang sabi.Ano bang hinithit nitong boyfriend ko?

"Per-" hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit sya.

"No buts.Actually matagal ko ng plano yun"Grabe!Talaga ang isang to.Hindi ko alam kung suprise parin bato?Hindi naman na ako sumagot sa kanya hanggang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong nakita.

"Tita bat napatawag ka?" agad kong tanong.

"[Hmmp.Nasa hospital po ang mayari ng cellphone nato.Nakita ko kaseng hinimatay sya sa daan kaya dinala ko na sya sa hospital]"

"Huh?Saang hospital?"

Pagkatapos nyang sabihin kung saang hospital nya dinala ang Tita ko ay binaba ko na agad ang cellphone ko.Mukhang pamilyar na sakin ang boses ng lalaki pero hindi ko na ito pinansin pa.Ang alam ko lang ay kaylangna kong puntahan si tita kung ano ba talaga ang nangyari?Aalis na sana ko para lumabas ng bigla akong pigilan ni Jiyo.Hindi ko na naaalala na nandito pala sya.

"Hey babe!What's problem?" tanong nya at hinawakan ang magkabilang pisnge ko at pinunasan ang luha ko.Hindi ko na pala namalayan na naluha na ako.

"S-si tita dinala sa hospital" sabi ko at humagulgol na sa iyak.

***

Pagkapasok ko sa room kung saan dinala si Tita ay nadadnan ko syang nakahiga at may kung anong nakalagay sa kanyang bibig.Agad ko naman syang niyakap at hinawakan ang kamay.Iyak lang ako ng iyak habang nakatingin sa kanya.

Hinihiling ko na sana ay maging okay lang sya.Sya na lang kasi ang nagiisa kong magulang kaya natatakot ako na baka iwan nya rin ako gaya ng magulang ko at hindi pa ako handa.Naramdaman ko naman ang kamay sakin ni jiyo kaya agad akong tumingala sa kanya sabay yakap.

"Jiyo si Tita. Paano kung iwan nadin nya ako gaya ni papa at mama.Natatakot ako magisa hindi pa ako handa na iwan nya ko." sabi ko at patuloy parin sa pagiyak kasabay ng haplos ng kamay nya sa likod ko.

He is a GoodKisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon