Chapter 23

62 2 0
                                    

Cheska POV

At dahil nga last day na namin to e lumangoy agad kami sa tubig at kumuha ng maraming picture hindi naman kami makatanggi kay Shiela.

"Miguel stop it!" Hiyaw ni Ella kay Miguel dahil ayaw sya nitong tigilan sa kakapisik ng tubig.Mga siraulo talaga!

"Hoy Miguel tigilan mo nga tong si Ella" pagtatanggol naman ni Alex sabay talsik din ng tubig kaya naggantihan lang sila.

Medyo nasa mababaw na kami ng parte ng dagat dahil hapon na ngayon tsaka madilim narin banda sa tubig baka kung ano pang mangyari.Si Ella at Lorraine tinatawanan lang sila Miguel at Alex magasaran si Shiela at Lian naman naguusap at mukhang seryoso.Wala ba talagang relasyon ang dalawang to?Curious lang naman ako!

"May problema kaba?" biglang tanong ni Jiyo habang nakayakap sakin sa likod.

"Wala naman.Alam mo ba ang saya ko ngayon!" nakangiti kong sabi.Naramdaman ko namang binaba nya ang baba nya sa balikat ko kaya napangiti ako.

Sa totoo lang masaya ko dahil kasama ko sya ng isang linggo dito tapos nakadagdag din ng saya yung abnormal naming kaybigan.Sana ganto na lang palagi!

"Dapat lang dahil gusto ko palagi kang masaya!" Lagi naman talaga kong masaya e basta nasa tabi lang kita!

"Ikaw?Masaya kaba?" tanong ko.

"Sobra pa sa sobra!" napangiti naman ako.

"Ah.Jiyo pwedeng magtanong?" itatanong ko lang sana yung tungkol kay Lian at shiela curious lang talaga ko.

"What is it?"

"Sila Lian at Shiela ba?" lakas loob kong tanong kaya naman humarap sya sakin na nakakunot ang noo.Problema nito?

"At bakit mo tinatanong?" masama ba?

"Wala lang curious lang ako.Tingnan mo sila kung magusap diba kahit ikaw naman maiisip mo rin na sila?!" napatingin naman sya sa dalawa na naguusap ng seryoso.

"Hindi magugustuhan ni panget si Lian" seryoso nyang sabi sabay harap sakin.Anong ibig nitong sabihin?Bagay kaya sila!

"Paano mo naman nasabi?Shiela ka?Shiela?" pambara kong sabi sa kanya kaya pinindot nya ang ilong ko pero hindi naman masakit.

"Alam mo nagagaya kana kay Lorraine" Sabi nito?

"Huh?Bakit?" nalilito kong tanong.

He is a GoodKisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon