Chapter 3

105 3 0
                                    

Cheska POV


"Sino yung mamamalengke ngayon?" Hiyaw ni Manang saming dalawa.

Nakabalik nadin pala kahapon si Sarah mula ng binayaran ni Sir jiyo ang bill sa hospital.Kaya masaya ko dahil kasama ko na ulit si Sarah.Lumapit naman agad kaming dalawa ni Sarah kay Manang lita sa kusina.

Kakatapos lang kase namin maglinis ng sala kaya namahinga muna kami.Lumapit naman agad kami sa Hiyaw ni Manang kami na lang ang pupunta sa palengke tutal tapos naman na kami magpahinga.


"Kami na lang dalawa ni Cheska" sabi agad ni Sarah at nagtaas pa ng kamay kaya natawa na lang ako.Napansin ko nitong mga araw na masaya ang kaybigan ko kaya masaya ko para sa kanya.

"Sige.Ito yung listahan at pera.Magiingat kayo" ani ni Manang habang nagpupunas ng lamesa.

"Okay po" masaya kong sabi.


Nagdala naman kami ni Sarah ng dalawang basket marami rami kase yung nakalista kaya nagdala na kami.Nang bubuksan na namin ang gate ay biglang may nagsalita sa likod namin kaya napalingon kaming dalawa.

Nakita ko naman sya na nakasando at short lang pero napakagwapo nya parin medyo gulo ang buhok nya kaya ang sarap nyang titigan.Umiwas naman ako ng tingin dahil napansin kong nakatitig sya sakin.

"San kayo pupunta?" tanong nito na nakapamulsa pa.

"Mamamalengke po Sir" Sabi agad ni Sarah.Bumuntong hininga naman ito at nagpunta sa direksyon namin.Nagulat naman kaming dalawa ni Sarah dahil bigla nyang kinuha ang basket na dala ni Sarah at nakangiting tumingin sakin kaya agad akong umiwas ng tingin.

Pakiramdam ko twing titingin sya at ngingiti sa akin ay bumibilis agad ang tibok ng puso ko.Hindi ko alam kung bakit?Nakakawala sa sarili ang titig nya kaya umiiwas na lang ako hanggat kaya ko.

"Sige na Sarah pumasok ka na sa loob kaming dalawa na lang ni Cheska ang pupunta sa palengke" sabi nito at hindi man lang tinapunan ng tingin si Sarah dahil nakatitig sya sakin.

Bakit sya yung sasama?Ano bang iniisip nitong amo ko?Nakakapanibago sya ngayon ah.Dati naman kami lang talaga ni Sarah yung pumupunta ng palengke.At tsaka ayoko syang kasama.

"S-sige po Sir" sagot naman ni Sarah kahit alam kong naguguluhan sya sa kinikilos ni Sir.


"Tara" ani nya ng makaalis si Sarah.Nakita ko namang tumungo sya sa garahe.Grabe!Pupunta na lang ng palengke kaylangan pa nakakotse.

Sinundan ko na lang sya.Nakita ko namang pumasok sya agad.Aba,hindi lang man ako pinagbuksan ng pinto.Gentleman talaga ng amo ko,kung sabagay katulong lang naman ako.Hindi naman nya ko girlfriend para pagbuksan pa ng pinto.

Pumasok na ako at pinaandar naman nya agad ang sasakyan.Nang makarating na kami sa palengke ay bumaba na agad ako dahil mamaya ay siksikan na.Nagulat naman ako dahil bumaba din sya.Sasama talaga sya?

He is a GoodKisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon