Chapter 4

93 3 0
                                    


Cheska POV

"Cheska bakit ang tagal mo sa loob ng banyo?" tanong ni Sarah paglabas ko ng banyo.
Bigla kase akong natauhan kanina habang magkahalikan kami ni Sir Jiyo kaya lumayo agad ako at lumabas diretsyo sa banyo.Nakakahiya talaga ko kahit kailan.

Sabi ko pa naman sa sarili ko na hindi na masusundan yung halikan namin pero kanina lang nangyare na naman.Nakakahiya.Anong mukha ang ihaharap mo Cheska kay Sir Jiyo?Nakalimutan mo na bang amo mo sya at binabayaran ka ng magulang nya.Kainis.


"Wala naihi kase ako tapos sumakit yung tyan ko kaya dumumi na ako" Pagsisinungaling ko kahit ang totoo naman ay nakatayo lang ako sa harap ng salamin.Tumango naman sya at pinagpatuloy ang ginagawa nya.

Ako naman ay bumuntong hininga at tumabi sa kanya at tinulungan syang maghiwa ng gulay.Habang nagiisip ako ay bigla naman napatigil si Sarah sa ginagawa nya at tumitig sakin kaya tinitigan ko rin sya.

"Bakit?" tanong ko habang naghihiwa.Wagas kasing makatitig.

"Anong nangyari kanina sa inyo ni Sir sa loob" nakangising tanong nito.Agad ko namang pinunasan ang pawis na tumutulo sa noo ko.

Hindi nya dapat malaman yung nangyari kanina.Baka kase magiba ang tingin ng kaybigan ko sakin.Ayoko naman ng ganun.Mas makakabuti na itatago ko na lang.Nakakahiya kase tsaka baka isipin pa ni Sarah na nilandi ko si Sir.

"W-wala.Ano bang klaseng tanong yan?" agad kong sabi.Nagkibit balikat naman sya at naghiwa na ulit.

***

"Manang una na po ako"paalam ko at tumango naman si Manang kaya lumabas na ako ng bahay.
Humingi kase kami ni Sarah ng tatlong araw kay Manang tutal wala naman sila sir at ma'am.Naisip ko na magbabakasyon muna ko ng tatlong araw,miss ko na kase si Tita e.

Nang makarating ako sa bahay ay kumatok agad ako at agad naman ding binuksan ni Tita ang pinto.Kita kong nagulat ito.Isang buwan na kase akong hindi dumadalaw sa kanya.

"Cheska" hiyaw na sabi ni Tita at niyakap ako ng mahigpit at ganun din ako.Buhat kase ng mawala si mama at papa sya na ang nagalaga sakin kaya nga hindi na nakapagasawa.

"Kumusta na kayo Tita?" masaya kong tanong habang naghahapunan kami.

"Okay lang ako.E ikaw nga dapat ang tanungin ko kung bakit ngayon ka lang dumalaw" may pagtatampong sabi ni Tita.

"Naku!Nagtampo na agad." nakangiti kong sabi.

"Hanggang kaylan ka naman dito?"

"Tatlong araw lang po Tita" ani ko at uminom ng tubig.

Pagkatapos naming kumain ni Tita ay hinugasan ko na ang pinagkainan namin at pinunasan ko narin ang lamesa.Nakita ko namang nanunuod si Tita sa sala kaya pinuntahan ko sya at tumabi sa kanya.

He is a GoodKisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon