Chapter 2 : Revelation of Medusa's Life

5.9K 142 73
                                    

Medusa should be a virgin in Athena's temple as a Goddes' priestess, together with her two lovely sisters; Sthemo and Eurale. They were the famous Gorgon Sisters. They served Athena in her temple as her priestess. Naging ganun na ang kanilang kapalaran simula nang matalo nina Hades, Zeus at Poseidon ang kanilang ama na si Cronos at pinalitan ito sa pwesto sa Olympus. Si Cronos naman ang tumalo sa ama nina Medusa na si Phorcys, isang chthonic (beneath the earth) monster. Si Phorcys ay anak mismo ni Gaia (spirit of Earth) at ni Okeanos (spirit of the Ocean).

Kilala si Medusa noon bilang isa sa may pinakamagandang mukha na nabubuhay sa Greek era kahit pa sa kanilang tatlong magkakapatid, siya lang ang mortal.

But her fate changed when Poseidon, the Ruler of the Sea, fell inlove with her. Nainlove at first sight si Poseidon at nabighana siya sa kagandahan ni Medusa nang makita niya si Medusa sa templo ni Athena. She was Goddess of wisdom, law and justice, strength, strategy, mathematics, arts, crafts, and skills. Siya ang tipo ng Diyosang hindi basta basta. May angking talino at kayang makipaglaban ng harapan, masasabing si Athena ay isa sa mga respetadong Diyosa ng Olympus.

Pinaghalong selos, inggit at galit sa sarili, ginawa ‘yung dahilan para maparusahan si Medusa kasama ang kanyang mga kapatid. Nang maabutan ni Athena na kasalukuyang hinahalay ni Poseidon ang nakakaawang si Medusa sa mismong templo niya, agad-agad namang gumawa si Athena ng isang kahindik-hindik na kaparusahan para sa tatlo. Isang sumpa na dadalhin nila hanggang sila ay nabubuhay sa mundo.

Dahil ipinagbabawal sa templo ni Athena ang mga priestess na hindi na birhen, pinalayas niya sa Olympus sina Medusa kasama ang dalawa pa niyang inosenteng kapatid. Inilagay sila sa isang kweba na kung saan malayo sa mga tao. Hindi pa nakontento si Athena, ginawa pa niyang mga halimaw silang tatlo at nagbigay ng sumpang magiging isang halimaw pa din ang mga susunod na henerasyon. At magpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Pandidirihan ng mga tao. Kakatakutan ng mga bata. At magiging kaaya-ayang premyo para sa mga ganid sa katayuan sa buhay.

Pinakamasaklap na kapalaran ang sinapit ni Medusa. Hindi lang siya ginawang halimaw, binigyan pa siya ng karagdagang sumpa na kung saan, kung sino ang tititig sa mga magaganda nitong mga mata, tutuluyan ng maging bato. At ito din ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto siyang paslangin ng mga kalalakihan. Kailangan niya ang kanyang mga mata para sa karagdagang kapangyarihan. At ang kanyang mga kapatid, ginawang bulag para hindi eepekto sa kanila ang nakakatakot na kapangyarihan na mayroon si Medusa.

Nabuhay silang tatlo na malayo sa mga tao. Walang dumadalaw sa kanilang lugar para kumustahin sila bagkus gusto silang patayin para sa mga pansariling kagustuhan---kapangyarihan.

Pero para kay Athena, ginawa niya ‘yun para wala ng iibig kay Medusa.At wala ng magkakagusto pa kahit na sino. Kamumuhian siya ng lahat at pandidirihan. Habang buhay siyang ganun. Habang buhay na mabubuhay na malayo sa kabihasnan. At makakalimutan na ng mga tao kung sino siya at kung ano siya noon. Talagang napakatuso ang Diyosa na ‘yun.

Ang maalala na lamang ng lahat, isang nakakatakot na halimaw si Medusa. May buntot na ahas at ang bawat hibla ng kanyang buhok ay mga buhay na ahas mismo. Isa siyang nakakatakot ng halimaw na kayang maging bato ang sinumang tititig sa kanya.

Makakalimutan ng lahat na isa lamang siyang biktima na karahasan. Isang inosenteng nilalang na pinarusahan nang walang ginawang patas na paglilitis.

Isang masaklap na kapalaran para sa isang babaeng nagmamahal.

Tama.

Minamahal pa din ni Medusa si Poseidon pagkatapos ng lahat.

At si Poseidon, patuloy pa din siyang minamahal sa kabila ng kanyang katayuan.

Lingid sa kaalaman nila, isang sanggol ang iniluwal ni Medusa. Isang sanggol na iniluwal niya na may normal na katangian. Tinago niya ang sanggol na ‘to laban sa mga Greek Gods sa takot na gawing halimaw gaya niya ang nakakaawang anak nila ni Poseidon. Inosente ang kanilang anak at nararapat lamang na mamuhay ng normal.

ADK II: Cupid's Slave (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon