Chapter 18: A Window to the Past

3.2K 97 33
                                    

Naguguluhan si Fate sa mga salita ni Ayden, hindi niya kayang basahin ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Mayroon kakaiba, pero hindi lang niya talaga mawari kung ano.

May problema ba, Ayden?”

“There is something I need to show you.” Seryoso pa din ang itsura niya na para bang naguguluhan. She could feel it just by looking through his silver eyes.

Nagsisimulang maglakad si Ayden habang nasa likuran lamang siya na nakasunod. Mula sa kanilang kinaroroonan, naglalakad sila sa pasilyo papuntang hardin sa may bandang likuran ng mansiyon.

Bago pa sila nakarating sa may hardin, lumiko si Ayden sa isang masikip na pasilyo. Mula doon, nakatayo lamang siya na para bang napabuntong-hininga pa bago hinawakan ang isang carvings sa may pader. Isang imahe ng babaeng parang rebolto na nakaupo, hinawakan ni Ayden ang singsing sa batong kamay nito at pinindot para magbukas ang isang sekretong lakusan.

“Dahan-dahan sa paglalakad, medyo madilim ang lagusan na ‘to.”

Nakalimutan mo ‘yatang ahas ang lahi ko, Ayden.”

Tahimik na natawa si Ayden pero hinawakan niya pa rin ang kamay ni Fate. “Kahit anong lahi ka pa diyan. Babae ka pa din. At ang isang babae, medyo clumpsy.

Hindi naman lahat.” Tumawa si Fate. “Saan ba tayo pupunta?”

Tumahimik si Ayden. He didn’t answer her question too.

Patuloy lang sila sa paglalakad.

Hanggang sa nakita ni Fate ang kabilang dulo ng lagusan. Isang hardin sa kalagitnaan ng kawalan.

Ni hindi niya alam kung nasa loob pa ba sila ng bahay ni Ayden. Walang bakas ng bahay sa paligid, napailigiran ng mga bato. At sa gitna ng nasabing hardin, ay isang ilaw na nagmumula sa taas, sa langit mismo.

At makikita doon ang isang larawan ng babaeng nakalagay sa isang alter na marmol.

Isang mukha ng babaeng kapareha sa rebolto ng nakadikit sa pader na nadaanan nila kanina.

Something told her that she was not a typical woman for Ayden. Lumapit silang dalawa sa may bandang gitna.

Fate’s heart beat rapidly as she gaze the face of a beautiful woman in the portrait.

“Who is she?” Out of curiosity, she asked him without looking.

Kinuha ni Ayden ang portrait at tiningnang maigi na para bang masyadong sentimental para sa kanya ang imahe ng babae. “Siya si Nimfa. Ang babaeng hindi ko nasagip sa kamatayan.”

Fate’s eyes widened. She didn’t know her but she could see through Ayden’s solemn eyes that she was special for him. And it made her heart ached without knowing the exact reason.

Why did he need to show this place for her?

To hurt her?

Pretending that everything was okay, she asked. “Is she your lover?”

“She was the first woman I fell in love with.” Pagkatapos niyang sagutin ang tanong ni Fate. Ibinalik ni Ayden ang portrait sa dating kinalalagyan.

“Was she an Atlantean?” She asked again.

He shook his head. “Nope Fate. Nimfa was a human. I fell in love with her from the first time I saw her. And I did everything just to be with her.”

ADK II: Cupid's Slave (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon