Chapter 25 : The Twisted Destinies

3.4K 94 23
                                    

Xien wordlessly watched Fate on the bed. He couldn’t understand his own feelings when he’d looked down on her battered face.  He remembered his bitter past. He remembered how his fragile heart ached for the pain he heard in those soul-deep sobs. If he had still his sanity, why did he still can hear those loud voices all over his damn head?

He could still see the anguish in Ayden’s face. Better than anyone, he understood that kind of agony. That kind of defeat that reached so far down into your being that it was all you could do to stand still and not launch into a hilarious outburst of fury.

He’d been bred to that kind of sufferings. He had experienced even worse than this.

But things were too late for him. There was no turning back. But Ayden and Fate could still survive this together. They could still have a chance…

“You’ll be fine Miss.  Don’t worry. I promise you that you’ll see him again.”

Talking to an unconscious woman, he must have been out of his mind as well. Scoffing her into his lean arms, he started walking towards the door.

………………………………………………….

“So what’s with the myths? Are they true Jewel? Ang creepy naman kapag iisipin natin na totoo ang mga legends, traditions, folklores, at kung anu-ano pa. Para sa akin, ginawa lang ‘yun ng mga tao noong unang panahon para may pagkalibangan ang isa’t isa. Boring kaya kapag walang gadgets, walang internet, o walang cellphone.  Hindi ko yata kayang mabuhay sa makalumang panahon. Nakakabaliw! Puro mga imahinasyon!”

Pinagmasdan ni Ivan si Claire, ang bestfriend ni Jewel na mukhang naghi-hysterical na dahil sa nagbabasa sila ng libro patungkol sa Greeks myths. Mukhang nerd tingnan ang isang ito na suot-suot pa ang isang eyeglasses na wala naman talagang grado.

“Tama na nga ‘yan Claire. Tigilan mo na ‘yan”, sambit ni Jewel habang binabasa pa din ang nasabing libro na nakuha pa nila sa kasulok-sulukan ng library ng school.

“Ang weirdo kasi ng trip mo Jewel eh. Sa kadami-dami namang pwedeng basahin, yan pa. Akin na nga yan—“, sambit niya ulit habang piniplit na kunin ang libro. “Akin na ‘yan. Manood na lang tayo ng sine o pumunta na lang tayong Mall. Hindi Ivan? Mas okay pa nasa isip ko kaysa sa magmukmok tayo dito sa isang tabi ng puno?”

Lumingon ang dalawang babae sa gawi ni Ivan ang sarap na sarap sa pagkakahiga sa damuhan habang nakatakip sa mukha ang libro.

“See? Kahit si Ivan naboboring na!”, pasigaw nitong sabi habang kinuha ang libro sa mukha ni Ivan sabay hampas nito sa ulo.

“Aww! What’s that for?”

“Para sa lalaking natulog-tulugan lang!” Pairap na sabi ni Claire. “At bakit ka nga ba lagi sa school namin eh hindi ka naman estudyante dito?”

Yeah right. Hindi naman talaga siya tulog. Nakikinig lang sa mga usapan nilang dalawa. Isang taon na din siguro niyang kakilala sina Claire at Jewel. Magkasalungat na magkasalungat pero magkasanggang dikit sa lahat ng bagay. Pareho silang kakaiba sa mga bagay na para bang nakaka-attract sa isang tulad niya. Mahilig si Jewel sa mga history ng mga greek myths samantalang yung isa, mahilig naman pag-aralan ang iba’t ibang klase ng sandata.

Ayaw na ni Ivan na makisali pa sa lagian nilang bangayan. Para saan pa kung ang lahat ng kanilang paksa ay pawang makakatotohanan ang lahat? He was a god. Isang bagay na hindi alam ng dalawang babaeng kasa-kasama niya.“Nakikitambay lang.”

ADK II: Cupid's Slave (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon