Hindi makapaniwala si Fate sa mga sinabi ni Ayden sa kanya. Mas lalong nawalan siya ng mga salita na pwedeng sabihin sa taong yakap-yakap niya ngayon. Overwhelmed by his words, she hugged him even more.
“Hindi ka ba natatakot Ayden? Kalahating isda ka at kalahating ahas ako, ano na lang magiging anak natin? Cross-breed?”
Imbis na magalit, natawa na lang si Ayden. “You’re thinking too much.”
He descended his lips to hers before he spoke again, “I don’t really care about my future as long as I have you.”
Those words were enough for her to weep.
Agad naman niyang pinahid habang tumatawa pa, “Sorry, nagiging iyakan na yata ako.”
“Tama na ‘yang lambingan niyo. Oras na para sa paghahatol.”
“Don’t worry Fate. I will find a way to get out of here. Trust me.” Ayden whispered to her ear, para kumalma ang kalooban ni Fate. Hindi niya alam kung paano at kung saan siya magsisimula kung hanggang ngayon ay wala siyang matinong plano pero isa lang ang masasabi niya sa kanyang sarili, they would both survive this, even doing it meant to conquer impossibility.
Sabay silang lumingon pareho sa gawi ng boses na nagsalita at nakita nila ang sampung gwardiya sa may labas ng selda. Lahat sila naka-uniform na para sa Atlantean guards.They were all wearing bluish suits with Atlantean symbol in their unique hats. Instead of wearing armors, there was none except of their blue-clothed uniform and black boots. Hindi na nila kailangan pa ng maraming sandata, sapagkat mas makapangyarihan ang mga Atlanteans sa loob ng Atlantis.
Parehong kumalas sina Fate at Ayden sa pagkakayakap pero magkahawak pa din ang kanilang mga kamay, wanting not to let go.
Mabilis silang pumasok sa loob ng kulungan at pinaghiwalay silang dalawa. Mabilis na nilagyan muli ng tali ang mga kamay ni Ayden. “Mauuna ka sa seremonya”, sabay tulak ni Ayden palabas ng kulungan.
Pinalabas din si Fate sa kulungan pero magkahiwalay sila ng direksiyon pagkalabas.
Ilang oras ang nakalipas, nakita na lang ni Ayden ang sarili sa kalagitnaan ng puso ng Atlantis, ibinitin sa harapan ng lahat ng Atlanteans na gustong makasaksi sa kanyang kamatayin. He wanted to curse them all but all he ever wanted as of this moment was Fate’s safety. Hindi niya alam kung nasaan na ngayon si Fate, pati din si Minerva, at higit sa lahat ang kanyang ina.
“Pakawalan mo ako dito, Kuya!!” Sigaw ni Minerva habang ubod lakas na kinakatok ang pintuan ng kanyang silid, umaasa na may makakarinig sa kanyang daing. Ramdam niya na may kakaibang nangyayari sa loob ng Atlantis. Hindi lang niya mawari kung ano pero naririnig niya ang mga yapak ng mga kapwa Atlanteans sa labas ng kanyang silid na nagmamadaling tumakbo. Marami na ang dumaan pero wala ni isa ang huminto para pakawalan siya. Nauubusan na siya ng pasensiya. Ilang araw na siyang ikinulong ng kanyang kapatid sa sarili niyang silid.
She hated him, not only for doing this, but for being so cruel.
Maya-maya pa, isang kakaibang ingay ang narinig niya mula sa labas. “Sino ‘yan?”
Pero walang sumagot. Naramdaman niyang may nagbubukas ng pintuan kaya napaatras si Minerva.
Unang bumungad ang kanyang inang natataranta kasabay ang pagtingin niya sa dalawang kawal na nakaratay na sa sahog. “Mahal kong ina, ikaw ba ang gumawa niyan?”
BINABASA MO ANG
ADK II: Cupid's Slave (✔️)
FantasiaHe was searching for his love while doing Cupid's chastisement, while she was hiding into isolation and promised herself to never fall inlove the way Medusa did… A Gorgon Love Story. (Tag-LISH Story) - BOOK II UNEDITED