"Ate saan na tayo titira ngayon?" Tanong sa akin ng aking bunsong kapatid na si Mackie. Hawak ko siya ngayon sa aking kanang kamay at mga maleta ko naman sa aking kaliwa.
"Oo nga ate, saan na tayo ngayon?" Tanong naman ni Manuel, ang sunod sa akin. Ikalawa kong kapatid. Pinalayas kami ng land lady namin dahil dalawang buwan na kaming hindi nakakabayad. Natanggal naman ako sa trabaho dahil palagi akong absent dahil nag kasakit si Mackie noon. Kaya ang ending, napalayas kami.
"'Wag kayong mag alala ha? Makakahanap din tayo ng matitirhan." Ani ko. 3rd year high school na si Manuel kaya kailangan kong igapang ang pag-aaral niya para maka tapos siya. Hanggang 2nd year college lang kasi ako, dahil 2 years ago namatay ang nanay at tatay ko. Wala naman kaming matakbuhan dahil wala na daw kaming mga kamaganak.
"Ate, mag hahanap din ako ng summer job para matulungan kita sa mga gastusin." Ani Manuel. Mabait siya, matulungin.
"Isipin mo nga, sino ang mga babantay kay Mackie pag nag kataon?" Tanong ko sa kanya. Napatango naman siya sa sinabi ko.
"Oo nga no." Aniya. Humalakhak naman si Mackie. Kahit palaboy-laboy kami ngayon, nakukuha pa naman naming tumawa kahit konti.
BINABASA MO ANG
Just Take The Risk
Teen FictionMargaux Martin, isang ulirang babae. Chos! Babaeng, handang gawin ang lahat para sa mga kapatid niya. Lahat tatahakin para lang maitaguyod at maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang mga kapatid. Kahit kaya maging P.A. ni Jon Phillip Esturia? I...