Nasa labas na kami ng bahay ni Mackie. Hinatid kami ni Phillip. Dahil kay Phillip, naging masiyahing bata na si Mackie.
Binuksan ko na ang pinto. Tumambad naman sa amin si Manuel na kausap na naman ang pamangkin ni Aling Fe. Ano nga ba ang pangalan nun? Jane? Ah! Alam ko na! June!
"Oh, ate, bakit ang tagal niyo?" Tanong niya sa akin. Agad siyang napatayo nung nakita niya kami. Pumasok na si Mackie sa kwarto nila.
"Nagkasiyahan kasi doon sa bahay nina Phillip. Kaya ayun." Ani ko. Tumango lang siya. Tumayo na rin si June. Nginitian niya ako, nginitian ko rin siya.
"Uh.. hindi na din ako magtatagal. Sige, Manuel, Ate Margaux. Alis na po ako." Aniya habang nakayuko. Mahiyaing bata.
"Sige. Hahatid lang kita sa labas." Ani Manuel at tinignan ako. Pumasok na ako sa kwarto ko at nag bihis. Ang saya ko ngayon. Nawala ang stress ko ah!
Lumabas ako sa kwarto ko. Gusto ko ding tanungin si Manuel kung paano niya nakuha ang number ni Art.
"Close pala kayo ng pamangkin ni Aling Fe?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako ng masama.
"Ano? Nagtatanong lang naman ako ah!" Ani ko. Binuksan ko ang ref at kinuha ang manok. Pang hapunan na namin 'to. Tsaka, kailangan ko ng mag grocery.
"Oo, close kami. Mabait naman siya." Aniya. Tumabi siya sa akin.
"Nililigawan mo?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya.
"Naku! Sinasabihan kita Manuel ah! Mamaya na 'yang ligawligaw! Tapusin mo muna ang pag-aaral mo!" Ani ko. Tumawa naman siya ng bahagya.
"Oo naman ate no!" Aniya. Tumango ako lang sa kanya. Nag kuha ako ng chooping board at kutsilyo. Hihiwain ko na 'tong manok. Dahil nasa mood ako ngayon, mag fa-fried chicken ako. Wala na kaming problema sa pera ngayon dahil malaki naman ang sweldo ko. Pero kailangan parin mag tipid. Tapos nag iipon din ako sa pang college ni Manuel. Nilapag ko sa lamesa ang chopping board at kutsilyo at nag simula ng mag hiwa.
"Nga pala, bakit alam mo ang phone number ni Art?" Tanong ko sa kanya.
"Ah! 'Yon ba, nakuha ko kay Jana. May number na ako nilang lahat. Para incase of emergency. Baka kasi kinidnap ka na ni Phillip eh." Aniya. Binatukan ko na. Kahit may bahid ng dugo ang kamay ko.
"Ate naman eh! Kakaligo ko lang!" Aniya. Tumawa lang ako. Asus! Nagpapapogi lang 'to kay June eh!
Lumabas naman si Mackie sa kwarto niya dala-dala ang kabayong laruan na binigay sa kanya ni Phillip. Nilalaro niya ito. Namis ko tuloy ang pagkabata ko. Noong nilalaro pa ako nina nanay at tatay.
"Kakain na tayo!" Ani ko. Nasa sala sila, nanunood ng T.V., kay Aling Fe din 'tong T.V., binigay niya sa amin. Sobrang bait talaga ni Aling Fe.
Nilapag ko sa lamesa ang manok. Umupo na ako sa spot ko. Sumunod naman si Manuel at Mackie. Kumuha agad si Mackie ng manok. Hindi naman nag patalo si Manuel. Parang bata talaga 'tong si Manuel.
Nagsimula na kaming kumain.
"Nga pala, bukas pagkatapos nating mag simba, bibili na tayo ng mga gamit niyo. Sa lunes na ang pasukan kaya bukas na bukas, bibilhan ko kayo ng bag, sapatos, at mga requirements niyo sa school. Sa mall tayo. Hindi na sa divisoria." Ani ko. Kumunot naman ang noo ni Manuel. Alam ko na ang sasabihin niyan. Na nagaaksaya lang ako ng pera. Hindi no! Kung sa kanila ko lang naman din ibubuhos ang sweldo ko, edi hindi 'yon pag aaksaya.
"Ate naman. Mag aaksaya ka lang ng pera mo. Bumili ka nalang ng gamit mo." Aniya. Umiling ako.
"Naka pag ipon na ako. Tsaka, kung bibili ako ng gamit ko? 'Yon! 'Yon ang pag aaksaya ng pera. Bibili tayo ng gamit niyo bukas. Sa mall! Period! Tapos na ang usapan!" Ani ko at bumalik na sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Just Take The Risk
JugendliteraturMargaux Martin, isang ulirang babae. Chos! Babaeng, handang gawin ang lahat para sa mga kapatid niya. Lahat tatahakin para lang maitaguyod at maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang mga kapatid. Kahit kaya maging P.A. ni Jon Phillip Esturia? I...