❤ Risk 8 ❤

19 2 0
                                    

"Margaux! Gising! 'Yong kapatid mo umiiyak na naman." Agad akong napadilat sa boses ni Cath. Tumayo agad ako at lumabas na.

"Kanina pa pinapatahan ni Phillip si Mackie pero ayaw tumahan eh." Sabi ni Cath. Mabilis kong binuksan ang pinto sa kwarto ni Phillip. Agad kong nakita si Phillip na kinakarga ang kapatid ko. Natutulog ito sa balikat niya. Parang kinirot ang puso ko sa nakita ko. Ngumuso ako para pigilan ang ngiti ko.

Lumapit ako sa kanya.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya at hinaplos ko ang likod ni Mackie na karga karga niya.

"Umiyak siya pag kagising niya. He found out na wala ka. Kaya ayun, umiyak ng umiyak." Aniya. Kawawa talaga si Mackie. Sa aming tatlo siya ang pinaka naapektohan. Close na close sila ni nanay, kaya nung nawala si nanay umiyak din siya ng umiyak.

"Pasesnya ka na. May trauma kasi si Mackie." Ani ko. Ngumiti lang si Phillip sa akin.

"OMG! You look good together!" Sigaw ni Cath. Agad namin siyang nilingon na nakatutok ang phone niya sa amin.

"Shh!" Talagang sabay pa kami ni Phillip ah. Agad ngumiti si Cath at nag zip ng mouth. 'Yong zip talaga. Napa iling nalang ako.

"Ate." Ayan tuloy! Nagising tuloy si Mackie. Binigay sa akin ni Phillip si Mackie. Naku!

Inupo ko siya sa kama. Lumuhod ako para mag kapantay kami.

"Baby, simula Monday dapat maging strong ka para kay ate ah! Mag s-school kana. Tapos wala ako doon." Ani ko. Ngumiti lang si Mackie at tumango. Ngumiti din ako sa kanya.

"Hindi na ako pag papaka baby, ate." Aniya at niyakap ako. Niyakap ko din siya ng mahigpit. Inamoy ko ang leeg niya.

"Ang baho mo baby!" Ani ko at kiniliti siya sa kilikili.

"Papaliguan na kita." Ani ko at kinarga siya. Tinignan ko si Cath at Phillip na naka ngiti.

"Pahiram muna ng C.R. ah. Papaliguan ko muna 'tong madungis na batang 'to." Ani ko. Ngumiti si Phillip at tumango.

"Ate! Ako na ang maliligo! Diba big boy na ako?" Aniya. Nilapag ko siya sa sahig. Big boy? E, kung makaiyak kahapon parang 3 years old lang.

"Sige." Ani ko. Tumakbo siya papunta sa C.R.. Naku! Wala pala siyang damit. Kumunot ang noo ko.

"Wala palang damit si Mackie." Ani ko.

"Nag pabili ako ng damit. Ako na bahala dito..." Nilingon niya si Cath. " Cath, ikaw na din bahala kay Margaux. Pahiramin mo ng damit ah." Ani Phillip. Nakakahiya ah! Kung maka pag utos din 'to!

"Ofcourse!" Aniya. Lumapit siya sa akin at hinila ako palabas. Pumasok ako sa kwarto niya.

"Maligo ka muna, ako na ang pipili ng damit mo." Aniya at pumasok sa walk in closet niya. Pumasok na din ako sa C.R.

Ng makalabas na ako sa C.R. nakitang may nakalapag na damit sa damit. Wala doon si Cath. Bumalik ako sa C.R. para mag bihis. Teka nga lang. Seryoso ba siya sa pinapasuot niya sa akin? High waist short shorts at sleeveless top.

Lumabas ako sa C.R. na basa pa ang buhok ko. Nandoon na si Cath na naka upo sa kama niya. Halatang manghang-mangha sa nakita niya.

"Seryoso ka ba sa pinapasuot mo sa akin? Mag ta-trabaho po ako, hindi mag ba-bar." Ani ko sa kanya sabay bigay sa tuwalyang ginamit ko. Kinuha naman niya ito.

"Sa hacienda sila ngayon mag te-taping. Ayos na 'yan! Upo ka rito." Tinapik niya ang upuan sa harap ng salamin. Alam ko na ang balak niya. Kumunot ang noo ko at umatras. Pero hinila niya talaga ako para maka upo sa upuan.

Just Take The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon