Mabuti nalang at may mabait na land lady na nag patuloy sa amin.
"Ihja, bayaran mo nalang ako pag nag ka pera ka na ha? Itong isang apartment, wala kasing tumitira dito kaya kayo nalang. Pag may kailangan kayo, nandoon lang ako sa kabilang bahay. Sya, sige, uuwi na ako dahil tyak na hinahanap na ako ng asawa ko." Ani Manang Fe. Siya ang land lady dito. Mabait din siya. Hindi nga lang sila nabigyan ng anak. Kaya siguro ang bait niya sa amin.
Alas quatro na ng hapon, mag hahanap na ako ng trabaho. Binibihisan ko si Mackie, habang naka tingin siya sa akin. Bigla naman akong nag taka.
"Bakit, baby?" Tanong ko sa kanya. Tinignan ko siya sa mata ng seryoso, this kid is very serious. Ayaw niya sa mayadong maingay.
"Ate, thank you sa pag-alaga mo sa amin ni Kuya ManMan ah! I love you, Ate!" Malambing niyang sambit at niyakap ako. Kahit simple lang na gestures tong ginagawa ng kapatid ko, na iiyak ako. Bigla namang lumabas si Manuel sa CR na basa pa ang buhok. Nong nakita niya kami at agad na siyang lumapit at niyakap kami.
"Payakap naman!" Aniya. Agad akong kumalas sa yakap.
"Mackie, Manuel, mag hahanap na ako ng trabaho ngayon mismo dahil baka wala na tayong makain sa susunod na araw. Tsaka, mag iipon ako para sa inyo. Mag aaral na din kasi tong si Mackie sa pasukan eh." Ani ko. Tumango sa akin ni Manuel at umupo sa tabi ni Mackie. Kitang kita mo sa kanila na talagang mag kahawig sila. Parang carbon copy lang ni Manuel si Mackie.
"Ate, 'wag masyadong mag papagabi ah!" Aniya. Tumango ako sa kanya at nag paalam na.
Dumiretso ako sa mga fast food chains sa mall para mag apply. Mabuti nalang at dala dala ko ngayon ang resume ko.
Alas syete na ng gabi pero wala pa din ako trabaho. Pumunta ako sa isang botique para mag apply ng trabaho, siguro naman hindi sila namimili ng empleyado.
Nag tanong ako sa isang sales lady doon kung saan ang kanilang manager. Tinuro naman niya ang isang babaeng pormal na pormal na nakatayo sa may counter. Nilapitan ko siya kaagad.
"Excuse me ma'am" sambit ko sa kanya. Agad naman niya akong nilingon.
"Anong kailangan mo ihja?" Tanong niya sa akin.
"Mag aapply po sana ako ng trabaho, ma'am." Ani ko. Kinakabahan na ako. Ito na ang last na aapplayan ko. Wala kasi makain ang mga kapatid ko doon.
"Ihja, wala kasing hiring ngayon." Mahinahong sabi niya. Wala na talaga akong choice kundi ang mag maka awa.
"Ma'am, sige na po. Kahit mag linis lang po ako dito sa botique. Parang awa niyo na po, ma'am. Wala na po kaming makain ng mga kapatid ko. Sige na ma'am." Halos lumuhod na ako sa harap niya para mag maka awa. Naiiyak na ako.
"Ihja, sorry talaga. Hindi ko kasi pag-aari tong botique e. Sorry talaga." Aniya. Tumuwid ako sa pag kakatayo ng may biglang nag salita sa likod ko.
"Mira, anong nagyayari dito?" Boses babae, tumalikod ako para harapin siya. Agad akong napanganga sa ganda niya. Tumitingkad ang kanyang kaputian, matangos ang ilong at mahaba ang buhok. Para siyang artista.
"Ma'am, nag aapply po kasi siya ng trabaho sa botique niyo. Kaso sabi ko po na wala pong hiring ngayon, kaya ayon po, nag makaawa." Sabi nong Manager. Teka lang ha? Botique niya? Siya ba ang may-ari nitong botique nato?
"Ma'am, kayo po ba ang may-ari ng botique na 'to?" Tanong ko sa kanya. Tinapunan niya ako ng tingin at agad siyang ngumiti sa akin.
"Yes. Kailangan mo ng trabaho?" Tanong niya sa akin. Agad naman akong tumango. Ang ganda niya, sobra! Isang fitted red dress at cream colored stilletos ang kanyang suot. Napaka sopistikada niya. Sa kanyang suot palang, simusigaw na siya sa karangyaan.
BINABASA MO ANG
Just Take The Risk
Teen FictionMargaux Martin, isang ulirang babae. Chos! Babaeng, handang gawin ang lahat para sa mga kapatid niya. Lahat tatahakin para lang maitaguyod at maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang mga kapatid. Kahit kaya maging P.A. ni Jon Phillip Esturia? I...