❤ Risk 3 ❤

14 2 0
                                    

Napa nganga ako sa tanong niya. Ano daw? Scare? Oo!

"Hindi po." Sabi ko. Nakatayo pa din ako dito sa pinto. Natakot tuloy akong lumapit sa kanya. Baka ako pa ang ihagis nito eh.

"Sa sususnod 'wag mong kausapin 'yon." Mahinahon niyang sabi.

"Bakit po? Mag kaibigan naman po kami eh." Ani ko. Agad na nagaalburuto ng galit ang kanyang nga mata. Pakshet, Margaux! Ano na naman ba ang ginawa mo?

"His my enemy." Aniya at nag iwas ng tingin.

"Hindi naman po porket kaaway niyo siya, hindi ko na po siya pwedeng maging kaibigan." Ani ko. Bigla siya tumayo at lumapit sa akin. Ayan na! Ayan na!

"Sino bang boss dito?" Napayuko ako sa sinabi niya. Ayan ka kasi, Margaux! Hala sige! Susundin na kita! May choice pa ba ako?! Wala diba?! Diba?! Bwesit to.

Bumalik siya sa pag kakaupo niya sa sofa at pinatong ang mga paa sa lamesa. Gosh! Why so hot, Mr. Esturia?! Umupo nalang ako sa inuupuan ko kanina na plastic chair. Hindi naman ako mag babantay sa pinto ano. Ano ako body guard?! P.A. ang trabaho ko! Hindi body guard!

Na bubuang na siguro ako kakausap sa aking sarili. Na fu-frustrate na talaga ako! Ayan tuloy!

Biglang kumalabog ang pintoan. Agad namang tumayo si Phillip ng makita ang kambal niyang nag aalburuto sa galit.

"Ano 'tong sinabi ng Preview, na nag eskandalo ka raw?!" Ani Cath na galit na galit. Paano kaya niya sasabihin na ako nag dahilan kung bakit nag eskandalo siya doon. Assuming ko namang masyado!

"Gosh, Phillip! Kailangan ko pang paki-usapan ang Preview na i-tutuloy nalang sa ibang araw ang photoshoot mo! Ngayon ka lang nagkakaganito ah! Ano ba ang nangyari sayo?!" Galit talaga siya oh! Patay tayo. Hindi umimik si Phillip. Tumingin lang siya sa akin. Napatingin naman si Cath sa tinitignan ng kanyang kambal. Yumuko ako, baka kasi mahalata na nakikinig ako.

"Andito ka pala, Margaux. Oh! Ofcourse! P.A. ka pala niya." Aniya at lumapit sa akin. Nagkatinginan kami ni Cath. Bigla niya akong kinindatan.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"Alam ko lahat." Bulong niya at humalakhak. Alam niya? Alam niyang nagwala si Phillip dahil kinausap ko 'yong ano nga ba ang pangalan nun? Bry? Brian! 'Yon!

Tumalikod si Cath sa akin at hinarap si Phillip.

"Papalampasi ko 'to ngayon. Sa susunod na mag eskandalo ka, papagalitan ko din si Margaux." Seryosong sabi ni Cath kay Phillip. Hinarap niya ako ulit at ngumiti.

"Totoo?" Bulong ko sa kanya.

"Hindi no! Sanabi ko lang 'yon para hindi siya mag eskandalo ulit." Bulong niya. Ah 'yun naman pala eh!

"Tama na nga 'yan, ate!" Ani Phillip.
"Wala siyang kasalanan. Kasalanan ko. Biglang uminit ang ulo ko." Aniya. Pinagtanggol pa ako si Sir! Ayan! Totoo naman eh! Bigla uminit ang ulo niyang mainitin na!

"Sige. Margaux, mag lunch ka na muna. Balik ka nalang mamayang 12:30." Ani Cath. Agad ko siyang tinanguan at lumabas na.

Napabuntong hininga ako. Ho! Nakalabas din ako. Ang hirap kayang kaharap ang mag kambal na 'yon. Natetension ka kagad. Naku! Buti nalang at mabait si Cath. May pagkajologs at seryoso nga lang.

"Hoy! Asan ka te?" Salubong sa akin ni Jana. Kasama niya si Art. Nasa harap ko silang dalawa na naka ngisi.

"Kakain muna ako. Ano sama kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Tumango silang dalawa at hinila ako papasok sa elevator.

Ng makalabas na kami ng building. Wow ha! Wala bang turo-turo dito? Puro fast food chains lang ang meron dito eh! Oo! Kuha ko na! Ako na ang kawawa. Eh, sa mas gusto kong sa mga kapatid ko nalang ang perang pangkain ko.

Just Take The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon