❤ Risk 6 ❤

10 2 0
                                    

Nanlalamig na ako dito sa C.R., kahit walang aircon dito, ang lamig parin. May biglang pumasok sa C.R. hindi ko siya pinansin dahil sa kaba ko. Ito na talaga ang kinakatakutan ko. Dinilaan ko ang labi ko. Masyado itong mapula.

"You must be Phillip's P.A." ani ng babae. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Ngumuso siya at "Not bad." Aniya.

Maputi siya, makinis ang mukha. Maganda. Matangkad. Mas matangkad pa siya sa akin. Agad akong nanliliit sa kanya.

Lumabas siya sa C.R., nakahinga ako ng maluwag ng lumabas siya. Ano ba 'yong babaeng 'yon! Nakakaasar ah!

Hindi na ako nag tagal sa C.R.. Bumalik na ako sa table namin. Wala na doon si Art at Jana. Umupo nalang ako sa kinauupuan ko. Nakakahiya naman dito. Puro artista pa ang naka upo.

Nakayuko lang ako habang sila ay masinsinang nag-uusap. Agad na tumabi sa akin ang isang lalaki. Nag angat ako ng mga mata. Si Brian lang pala. Akala ko kung sinong lalaki na.

"Hi." Aniya. Ang kanang kamay niya nasa upuan ko. Ang landi din naman ng lalaking 'to.

"Uh... hello." Ani ko. Hindi ko siya tinignan. Bahal ka diyan. Agad na nagbubulungan ang mga tao sa paligid. Bwesit ah!

"Sinong nag invite sayo dito?" Tanong niya habang naka ngiti.

"Si Phillip." Sabi ko at ngumiti ng pagka awkward- awkward.

"Siya nag invite sayo dito? Hindi naman siya nag iinvite ng empleyado niya sa mga birthday niya ah." Aniya. Wow! Nainsulto naman ako dun! Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Don't get me wrong ah! Kung sana tinanggap mo nalang ang offer kong ipapakilala kita sa manager ko, sana hindi ka na niya empleyado. Sana kasing laki ng pangalan niya ang pangalan mo." Aniya. Nag offer siya sa akin na ipapakilala daw niya ako sa manager niya. Eh, sa ayoko! Mawawalan ako ng oras sa mga kapatid ko. At isa pa, ayokong mag artista no! Ano pa ang ipagawa sa akin eh!

"Hindi talaga. Ayaw ko talagang mag artista. Sorry." Ani ko ay nag iwas na ng tingin sa kanya.

"Come on! Alam ko namang nangangailangan ka ng pera eh. Gamitin mo ang ganda mo para mag trabaho, alam ko namang hinuhuthutan mo si Phillip ng pera eh." Humalakhak siya. Sobrang naiinis na ako sa kanya ah! Kung hindi lang 'to birthday ni Phillip, kanina ko pa to nasapak. Hinawakan niya ang leegs ko! Agad kong iniwas ang leegs ko sa kanya. Jusko! Manyak!

"Back off. One word is enough for a wise man, bro. Tigilan mo na siya. " ani.. ni? Phillip! Tumayo ako para harapin siya. Nasa likod ko siya.

Tumawa lang si Brian. Naiinis na talaga ako sa ugali niya ah!

"Bakit? Girlfriend mo ba siya?" Sabi ni Brian na tumatawa. Hinila ako ni Phillip sa likod niya.

"Oo!" Sigaw ni Phillip at sinuntok si Brian. Ano daw? Hindi nag register sa utak ko 'yong sinabi niya. Agad nag sitayuan ang mga tao. Lumapit naman sa amin sina Mr. and Mrs. Esturia, pari na rin si Cath. Inawat ko si Phillip sa pag susuntok niya kay Brian.

"Tama na." Mahinahon kong sabi.

"Phillip! Ano na naman 'to?!" Sigaw sa kanya ni Cath. Ang bilis ng hininga niya. Nakakatakot siyang tignan.

"Binastos niya si Margaux, ate!" Sigaw niya. Agad kong hinarap si Mrs. Esturia at agad hinawakan ang kanyang kamay.

"Ma'am, sorry po talaga. Sorry po sa gulo." Ani ko. Nginitian lang niya ako at niyakap ng mabilis. Hinila na ako ni Phillip papunta sa parking lot.

Nasa tapat na kami ng kanyang sasakyan. Nag itim bagang siya.

"Si-- Phillip, hindi mo dapat ginawa 'yon." Mahinahon kong sabi. Mabilis kasi siyang magalit. Sa isang buwan akong nagtatrabaho sa kanya, talagang alam ko na ang ugali niya.

"Binastos ka niya! Can't you see?" Sigaw niya sa akin. Yumuko nalang ako. Naiiyak na ako dito eh! Kapag ako sinisigaw-sigawan naiiyak talaga ako.

Hinila niya ako para mayakap.

"I'm sorry. Ginawa ko lang naman 'yon dahil binastos ka niya." Aniya. Binuksan na niya ang pinto ng front seat at pumasok ako doon. Pinag masdan ko siyang umikot papunta sa drivers seat.

Buong byahe akong tahimik. Napipi na yata ako. Kanina lang sinabi niyang mangliligaw siya at kani-kanina lang, nasuntok niya si Brian dahil sa akin. Ano pa ba ang mangyayari?

Nasa tapat na kami ng gate. Hindi pa din ako lumalabas.

"Sigurado ka bang okay lang sayo na manligaw ako?" Tanong niya. Tinignan ko siya sa mata.

"Diba sabi mo, sa ayaw at sa gusto ko manliligaw ka parin? Hindi naman kita mapipigilan eh. So, may choice pa ba ako?" Sabi ko. Agad siyang ngumiti. Kumunot naman ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala. Masaya lang ako dahil, pwede mo naman akong ibasted pero hindi mo ginawa. Alam mo naman na may choice ka." Aniya. Ngumiti narin ako sa kakulitan niya. Infairness siya ah! Alam niya talaga ang takbo ng isip ko.

Tumawa nalang kaming dalawa sa kabaliwan namin.

"Sige na, baka hinahanap na ako ni Manuel." Ani ko at kinalas na ang seatbelt ko. Binuksa ko na ang pinto at lumabas. Binaba niya ang window.

"Pumasok ka na." Utos niya. Sinunod ko naman ito at pumasok na.

Binuksan ko ang pinto ng bahay.

May nakita akong babae na nakaupo sa sofa namin. Agad ko siyang pinasadahan ng tingin. Maganda siya. Morena, mahaba ang ilong. Agad siyang tumayo.

"Ate, nandito ka na pala, akala ko mamaya ka pa." Lumapit si Manuel sa sofa na may dalang juice. Ipinatong niya iyon sa lamesa.

"Oo eh."

"Ate, si June nga pala, pamangkin ni Aling Fe. Wala kasi si Aling Fe kaya napakatok dito. Kaya pinapasok ko na." Tumango ako sa kanya.

"Naku! Hindi mo naman sinabi sa akin, Manuel, na dyosa pala 'tong ate mo." Aniya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo pababa sa aking paa. Sige na nga! Pag bigyan natin! Pinuri ako eh!

"Hindi naman. Manuel, pasok na ako ah. Napagod ako eh." Ani ko at pumasok na sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko at ngumiti ng pagka lakilaki.

Totoo ba ang mga nangyari kanina?

Just Take The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon