Isang buwan na din ang nakalipas ng nag simula akong mag trabaho kay Phillip. So far, mainitin ang ulo niya. May mga araw din na hinahatid niya ako. Pero sobra ang mood swings.
"Ate, sigurado ka bang sasamahan mo kami ni Mackie na mag enroll?" Tanong sa akin ni Manuel habang kumakain siya ng tinapay.
Nakaleave ako ngayon sa trabaho. Mabuti nalang at pinayagan ako. Medyo hectic pa naman ang schedule ni Phillip nayon, kaya kinakailangan ng P.A.. Pero mabuti nalang at napakiusapan ko.
"Oo. Nakaleave naman ako ngayon." Ani ko. Hinahanda ko na ang mga kailangan para sa pag pasok ni Mackie sa school. Mag kikinder one pa naman siya, so hindi masyadong marami ang requirements sa pag papa-enroll.
"Ready na pa ang mga requirements mo para sa enrollment?" Tanong ko kay Manuel. Agad naman siyang tumango.
"I-eenroll kita sa malapit lang dito na school ah. Public lang muna, hindi ko kasi kayang i-private kayong dalawa eh. Tsaka, nag iipon pa ako sa pang college mo." Sabi ko sa kanya. Tumayo siya sa kanyang pag kakaupo. At niyakap ako ng pagka higpit higpit. Napangiti naman ako sa yakap niya sobrang higpit.
"Salamat talaga, ate. 'Wag kang mag alala, habang nag ca-college ako, mag pa-part time ako. Pag naka graduate na ako, ibabalik ko din sayo lahat ng paghihirap mo sa amin." Aniya.
"Sus! Obligasyon ko naman talaga kayo eh!" Ani ko.
"Sige na. Tayo na nga. Tawagin mo na si Mackie."
Grabe ang init. Mabuti nalang talaga maaga natapos ang enrollment nina Manuel at Mackie.
"Ano? Saan niyo gustong kumain?" Tanong ko sa kanila. Agad namang umaliwalas ang kanilang mga mukhang hagard na hagard na. Ang dami kasing tao.
"Ate, sa mall muna tayo. May bibilhin lang ako." Ani Manuel. Aba! May pera to ah!
"Sige. Ikaw baby, saan mo gustong pumunta?" Tanong ko kay Mackie na kumakain ng hotdog.
"Ate, gusto ko Time Zone!" Ani Mackie.
"Sige, baby." Pumara na ako ng jeep papuntang mall. Pinagipunan ko talag ang mga kapatid ko para makalabas naman kami paminsan minsan. Kailangan mag saya naman kami kahit konti lang.
Ng makarating na kami sa mall, agad akong hinila ni Mackie, papuntang time zone.
"Ate, pupuntahan ko lang kayo sa time zone." Sabi ni Manuel galing sa likod ko. Tumango nalang ako.
Nasa time zone na kami. Grabe, bumili pa talaga ako ng card para dito. Di bale na! Masaya din naman eh.
After 1 hour.
"Baby, pagod na si Ate." Ani ko. Hinahabol ko ang hininga ko. Na pagod ako don ah!
"Sige."
Dumating naman si Manuel na may dalang paper bag. Aba! May girlfriend na siguro 'to!
"Para kanino 'yan? Ah! May girlfriend ka na no?" Ani ko. Nag kibit balikat lang siya at ngumiti. Aba! May pa ganyan ganyan na siya ngayon ah!
"Tara na nga ate. Uwi na tayo. Doon nalang tayo kumain sa bahay." Ani Manuel. Hinawakan ko na si Mackie para maka labas na kami ng mall. Magluluto nalang siguro ako.
Nasa labas na kami ng gate ng apartments ni Aling Fe.
Binuksan ko na ang pinto..
"SURPRISE!" Sigaw nilang lahat. Anong meron?Nandito sina Phillip, Cath, William, Nico, Art at Jana.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanila. Ano bang okasyon ngayon? Ba't hindi ko alam?
BINABASA MO ANG
Just Take The Risk
Teen FictionMargaux Martin, isang ulirang babae. Chos! Babaeng, handang gawin ang lahat para sa mga kapatid niya. Lahat tatahakin para lang maitaguyod at maibigay ang mga pangangailangan ng kanyang mga kapatid. Kahit kaya maging P.A. ni Jon Phillip Esturia? I...