❤ Risk 7 ❤

12 2 0
                                    

Kinabukasan, wala lang. Simpleng araw lang. Sa lunes pasukan na.

"Ate, hindi ko kayang kunin si Mackie ng ganun ka aga." Ani Manuel habang nag titimpla ng kape. Natutulog pa si Mackie sa kwarto.

"Sige, ako nalang ang kukuha kay Mackie." Ani ko at kinuha na ang kape na tinitimpla niya. Mabilisan ko itong ininom, malalate na ako sa trabaho ko.

"Nga pala, baka late na akong maka uwi. May taping si Phillip. Tapos P.A. ako, kaya kailangang nandoon ako." Ani ko sa kanya. Tumango lang siya.

"Asan ba ang taping niya?" Tanong niya habang uniinom ng kape.

"Sa mansion nila ang taping. Sige na! Bye na!" Ani ko at binuksan na ang pinto. "By the way! Maganda 'yong dinala mo dito kahapon ah!" Ani ko. Umiling lang siya at tumawa. Alam kong tinamaan na 'yan.

Pag labas ko ng gate naaninag ko ang isang Phillip Esturia na naka tayo sa tapat ng kotse niya. Pag kakita niya sa akin tinanggal na niya ang shades niya. Naka maong pants siya at naka v-neck t-shirt na black.

"Ba't andito ka?" Tanong ko sa kanya. Ang gwapo niya sa ngiti niya ah!

"Sinusundo ka." Aniya.

"'Wag na." Ani ko. Pero ngiti lang siya ng ngiti. Ano bang problema niya? Nahawa tuloy ako sa ngiti niya.

"Malalate ka. Ayoko ko pa naman sa mga late employees." Aniya. Agad akong sumimangot sa sinabi niya.

"Oo nga no! Employee! Sorry SIR ah! Tsaka, may EMPLOYEE ba na nililigawan ng amo?" Ani ko. Diniin ko talaga ang salitang employee. Tumawa lang siya. Aba!

"Sige na. Sakay na." Aniya at binuksan ang front seat. Pumasok nalang ako. La choice eh. Ngumuso ako para pigilan ang ngiti ko. Jusko! 'Wag kang ngumiti! 'Wag kang ngumiti! Sigaw ko sa mga labi ko pero hindi talaga eh! Ngumingiti talaga siya eh.

"Naka ngiti ka yata." Aniya sabay ngiti din. Gusto ko ng tumawa ng pagkalakas-lakas pero mahirap tumawa baka asarin ako.

"Wala." Ani ko at tumingin sa bintana para maiwasan ang pag ngiti ko.

"Sa mansion tayo didiretso." Tumango lang ako. Maka tulog na nga. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga nangyari kahapon. Hindi pa din 'yon maalis sa isipan ko. Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko.

"Margaux, nandito na tayo." Tinapik tapik niya ang pisngi ko.

"Nandito na tayo sa mansion." Aniya. Binuka ko ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Phillip. Ano daw? Gwapo? Seryoso ba ako?

Binuksan ko ang pinto.

Ang laki ng bahay nila ah! Nagkikita-kita pa ba sila dito?

Hinawakan ni Phillip ako nanlalamig kong kamay. Tinignan ko ito bago ko siya tinignan. Naka ngiti ang mokong.

"'Wag kang kabahan." Aniya. Ako kinakabahan? Asa, boy!

"Ako? Kinakabahan? Hindi no!" Ani ko at binawi ang kamay kong hawak niya.

Breathe in, breathe out. Relax ka lang, Margaux. Kung kabahan ka, parang girlfriend ka! Hindi ka girlfriend ah! 'Wag kang kabahan! P.A. ka lang!

"Manang, asan sina mommy?" Tanong niya sa isang katulong na sumalubong sa amin. Sosyal dito ah!

"Nasa dining room po, ser." Sabi ng katulong na sumalubong sa amin.

Ang yaman nila ah! Sa amin nga maliit lang eh. Kusina tapos lamesa na eh. Kahiya naman noong nagpunta pa sila sa bahay namin nung birthday ko.

"Halika, sigurado akong excited na si mommy na makita ka." Sabi niya at hinila na naman ako. Uso siguro hilaan ngayon. Excited daw? Bakit naman? Eh, nagulo ko nga ang birthday ng kambal kahapon eh.

Just Take The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon