❤ Risk 2 ❤

14 2 0
                                    


"He's my twin, Jon Phillip Esturia." Bumaling si Cath sa akin ng may malaking ngiti sa labi.
"Ano nga pala 'yong pangalan mo?" Tanong sa akin ni Cath. Parang hindi ko pa yata nasasabi sa kanya ang pangalan ko.

"Margaux Martin." Sabi ko at agad na yumuko. Shet! Bakit ba ako nahihiya?

"Martin?" Sabay nilang tanong.

"Opo, bakit?" Tanong ko sa kanila. Agad silang nag ka tinginan. Ano bang meron sa apilyedo ko? Alam kong unique ang apilyedo ko pero, alam pala nila?

"Alam mo bang si Madame Esmeralda Martin ang founder ang CEO ng Star Studio?" Tanong ni Cath sa akin.

"Hindi po."

"Gosh! May kamag anak ka pa ba?" Tanong niya sa akin. Agad akong umiling. Agad naman siyang ngumiti.

"So... alis na ako. Itong calling card ko. Tawagan mo ako kung mag ka problema ka dito sa halimaw na to." Sabi niya at tumawa ng malakas tsaka umalis.

Natingin ako kay Jon Phillip. Ang gwapo niya talaga, malaki ang katawan.

"Uh, Sir, ano po ba ang gagawin ko?" Tanong ko sa kanya. Umupo siya sa sofa ng dressing room.

"Ikaw ang tiga bitbit ng gamit ko. Lahat ng kailangan at iuutos ko sayo ay gagawin mo. 'Yon ang trabaho ng P.A." aniya at pumikit. Nakatayo lang ako dito sa pwesto ko. God! Napaka arogante niya! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho ngayon, baka di ko na to tinanggap! Naku!

May bigla namang pumasok na limang tao. Agad nila ako pinasadahan ng tingin mula uli hanggang paa.

Tatlong lalaki, isang bakla at isang babae.

"Sino ka, te?" Tanong sa akin ng bakla. Pinasadahan ako ng tingin ng babae at ngumiti siya sa akin. Nginitian ko lang siya.

"Uh.. P.A. niya ako." Sabay turo kay Jon Phillip na nakapikit. Na amaze naman sila sa pag turo ko sa kanya. Ang mga lalaki naman ay naka pamulsa lang at parang timang na ngumi-ngiti.

"P.A.? Ngayon lang yata 'yan nag ka P.A. ah!" Sabi nung lalaking naka v-neck na blue. Nag kibit balikat lang ako sa kanya.
Tinapik ng isa pang lalaki na naka black na t-shirt si Jon Phillip. Agad naman itong tumayo.

"Pare, P.A. mo? Pakilala mo naman kami!" Sabi nung naka blue. Agad namang lumapit 'yong bakla at 'yong babae sa akin.

"Oo. P.A. ko 'yan. Pinadala 'yan ni ate dito." Sabi niya habang naka tingin sa akin. Natamaan ko ang kanyang mga titig, agad akong umiwas ng tingin! Peste! Napaka illegal naman niyang tignan!
"Pakilala mo ang sarili mo." Aniya. Tumingin naman silang lahat sa akin at ngumiti.

"Margaux." Sabi ko. Hindi talaga ako masyadong madaldal.

"Full name ateng!" Sabi nang bakla at kinalabit ako. Tinignan ko siya at ngumiti.

"Alexandra Margaux Martin." Full name ko 'yon ah! Kadalasan Margaux Martin lang ang sinasabi ko. Pero ngayon! Kumpleto talaga!

"Martin?!" Sabay sabay nilang sabi. Ano ba kasing problema sa apilyedo ko?!

"May problema ba sa apilyedo ko?" Tanong ko sa kanila. Isa isa ko silang pinasadahan ng tingin. Sabay nilang tinignan si Jon Phillip. Nag kibit balikat lamang siya.

"Himala't hindi ka umapila sa ate mo ah!" Sabi nung naka blue. Sino nga 'yon? Nico? Ah oo! Nico! Nico!

"Ako nga pala si Art." Sabi nong bakla at nag lahad ng kamay sa akin.

"Tabi ng Arturo! Hi Lex! Ako si Jana! Ako ang secretary ni Phillip." Tumalikod naman ako para tignan si Jana. Nag lahad din siya ng kamay at tinanggap ko naman.

Just Take The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon