❤ Risk 5 ❤

14 2 0
                                    

"Seryoso ba kayo sa gagawin niyo sa akin?" Ani ko kina Art at Jana. Nasa harap ako ng salamin dito sa kwarto ko.

"Oo no! Mag bihis ka na nga lang! Choo!" Ani Jana. Tinulak ako palabas sa kwarto ko. Nag dadalawang isip nga ako na isusuot ko ba ang binigay sa akin ni Cath. Ayoko namang madisappoint siya sa suot ko.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. Napa nganga naman silang dalawa pag pasok ko.

"Ano na?! Panget ba?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi no!"

"Ang balakang mo girl! Gosh ang laki ng boobs mo! Talikod ka nga!" Ani Art at nilapitan ako. Tumalikod naman ako gaya ng sinabi niya.

"Sexy back!" Ani Jana at gumiling! Naka dress si Jana, simple dress lang at si Art naman ay naka tuxedo. Lalaking lalaki!

Umupo na ako sa harap ng salamin.

"'Wag masyadong OA ah!" Ani ko. Tumawa naman silang dalawa at nag apir.

Nag simula na si Art na make-upan ako.

"Iba-bun natin ang mahaba mong buhok para maaninag ang likod mo. Sayang naman kung hindi mo ipapakita ang likod mong napaka OA." Pag tayo ko sinapak ko si Art sa sinabi niya. Kinuha naman ni Jana ang stilettos na regalo niya sa akin. Sinuot ko na ito. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Natulala ako sa sarili ko. Hindi ko alam na ganito pala ako kaganda.

"Oh! Ang galing talaga natin! Ang ganda ganda mo!" Ani Jana. Nag apir naman ulit sila ni Art. Lumabas na kaming tatlo. Tumambad sa amin si Manuel na naka upo sa sofa. Tumayo siya at lumapit sa amin.

"Sabihin niyo sa amo niyo na ihatid 'tong kapatid ko bago mag alas dose. Kapag hindi! Makakatikim siya sa akin!" Aniya. Binatukan ko siya. Agad naman siyang ngumiwi.

"Oo naman!" Ani Jana. Lumabas na silang dalawa.

"Ikaw ng bahala kay Mackie ah." Ani ko at lumabas na din. Dala namin ang sasakyan ni Art.

"Siguradong mapapanganga mo ang mga tao dun sa venue. Ganda mo talaga. Mag artista ka nga!" Ani Art.

"Ayoko nga! Kontento na ako sa pagiging P.A. ko." Ani ko.

Isang pinaka sikat na hotel sa buong Pilipinas. Nainsecure tuloy ako.

"'Wag nalang kaya tayong tumuloy." Ani ko sa kanila. Nasa labas na kami ng hotel. Parang bumaliktad ang sikmura ko sa kaba. Ayoko na. Halos lahat ng bisita dito ay artista. Ako lang yata ang P.A. na pormang porma.

"Hindi no! Birthday ng kambal! Special request ka!" Ani Art. Pinagitnaan ako nilang dalawa. Tinuro ko 'yong press na naka antay sa mga taong lalakad sa red carpet.

"Hindi mo naman sila kailangang sagutin ano! Lalakad lang tayo diyan. Mag smile ka lang!" Ani Jana. Hinila nila ako sa red carpet. Madaming camera ang nag ci-click. Gaya ng sinabi ni Jana, smile lang. Ng makapasok na kami sa hotel, nakahinga na ako ng maluwag. Salamat naman.

"Dun ang table natin oh!" Ani Jana sabay turo sa table na nasa pinaka unahan. Jusko! Kailangan ba talaga doon!

May lumapit sa aming sangkaterbang press.

"Miss, ngayon ka lang namin nakita. Ikaw ba ang bagong mukha ng Star Studio?" Tanong sa akin ng isang babae. Paano ko sasagutin 'yon? Tumingin ako kay Art na naka ngisi lang sa camera. Ganun din si Jana.

"Uh... Hindi po." Ani ko at hinila na sina Art at Jana papunta sa table namin.

"Lex naman eh! Panahon na namin 'yon para sumikat!" Ani Jana. Padabog siyang umupo sa tabi ko.

"Eh, maiintriga tayo dun eh! P.A. lang kaya ako!" Ani ko. May mga tao sa table namin na hindi ko kilala pero halatang kilala ni Art.

"Lang? 'Wag kang mag alala! Pag katapos ng araw na ito, magiging front page ka sa tabloid." Ani Jana at kinausap na ang kanyang katabi. O.P. aman ako masyado.

Nag start na ang program, hindi ko pa rin nakikita sina Cath at Phillip.

Hindi nag tagal, nag speech ang isang magandang babae na may katandaan na. Siya siguro ang nanay nina Cath. Katabi niya ang isang makisig na lalaki na kamukha ni Phillip. Mr. and Mrs. Esturia.

"Ang susunod na magmamana ng Esruria Group of Companies, our son, Jon Phillip!" Anunsyo si Mr. Esturia. Agad namang tumuntong sa stage si Phillip. Naka tuxedo siya. Okay! Siya na! Siya na talaga! Siya na ang hot!

"Enjoy the party everyone." Walang ekspresyon niya sabi. Bumaba siya sa stage, sinundan ko siya ng tingin. Pumunta siya sa kanilang table. Nandoon si Cath na kumakaway sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Hali ka, ipapakilala kita sa parents ko." Ani Cath. Wah! Kinabahan ako dun ah!

Nagpaalam siya kanina Jana at hinila ako patayo. Pinaupo niya ako sa tabi niya.

"Mom, siya 'yong sinasabi ko sayo." Aniya kay Mrs. Esturia. Pinasadahan ako ng tingin ni Mrs. Esturia at ngumiti. Kinabahan ako dun ah!

"What's your name, ihja?" Tanong niya sa akin.

"Margaux Martin po, ma'am." Ani ko. Bumaling naman si Mr. Esturia at ang katabi niya na matanda pero maganda.

"Martin?" Tanong nong babaeng katabi ni Mrs. Esturia. Ano ba talaga ang problema ng mga tao sa apelyido ko?

"Opo." Ani ko at ngumiti. Nag half open naman ang kanyang bibig at sinirado ulit ito.

"Ma, hihiramin ko muna si Margaux." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Phillip. Ano raw? Chappy siya eh! Chappy siya!

Hinila niya ako patayo. Hinila niya ako papunta sa garden ng hotel. Lahat ng taong nadadaanan namin ay nakatingin lang sa amin. Sobrang pula na siguro ng pisngi ko ngayon sa hiya.

"Uh... sir, ano po ang ginagawa natin dito?" Ani ko sa kanya. Humarap siya sa akin at huminga ng malalim.

"Stop calling me sir." Aniya. Tumango lang ako at hindi na umimik.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay, at huminga siya ng malalim.

"Margaux, I don't know if makakaya ko pa bang itago 'tong nararamdaman ko para sayo. Margaux, I... like... you. Since the first day I saw you." Ano daw? Nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Puso, please, huminahon ka muna. Jusko!

"Hindi mo kailangang sumagot, pero, hayaan mo akong ligawan ang pinaka magandang babae sa mundo. Our is not a fairytale. Ayokong patagalin pa 'to. Margaux, pumayag ka man o hindi, liligawan at liligawan parin kita." Aniya.

"Okay." Awkward kong sabi. Tumalikod ako sa kanya. Tumakbo ang papuntang C.R. at humarap sa salamin.

"What was that?"

Just Take The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon