❤ Risk 11 ❤

21 1 0
                                    

Sembreak na ngayon nina Manuel Mackie. Ang dali naman ng panahon. Pero, wala masyadong nangyari sa buhay ko. Ang panliligaw ni Phillip sa akin? Hindi pa din nag wo-work ang charms niya. Minsan nga naiinis ako sa kanya, pero hindi ko magawang magalit. Ewan ko ba.

"Margaux, mag handa ka, may photoshoot si Phillip nagyon." Utos sa akin ni Cath. Pag dating talaga sa trabaho ay professional na professional ang dating niya. Walang pinipiling tao.

"Okay." Ani ko. Wala si Phillip dito sa dressing room niya, nasa labas siya, iniinterview ng press. Kinuha ko ang bag ni Phillip. Grabe ang bigat at ang laki. Mas malaki pa yata to sa akin eh. Back pack siya kaya hindi masyadong mahirap dalhin pero mabigat. Kinuha ko ang hand bag at 'yong isa pang handbag. Grabe.

"Cath, pakibukas naman ng pinto oh." Ani ko. Nilingon niya ako.

"Akin na ang isang bag." Aniya. Umiling lang ako.

"Kaya ko na! Ako pa!" Ani ko at nginitian siya. Parang wala na yata akong pag-asang tumangkad pa nito.

Binuksan naman niya ang pinto. Lumabas na kami. Nilingon kami ni Phillip. Nanlaki ang mata nung nakita niya ako. Halos matabunan kasi ako sa laki ng bag. Lumapit siya sa akin at kinuha ang back pack sa likod ko. Yumuko ako sa mga flash ng camera. Juice colored! Ayokong lumabas sa mga tabloids! Ayoko maging headline ng mga balita.

"Cath! Bakit mo siya pinapadala ng maraming gamit?" Galit na tanong ni Phillip kay Cath. Nag kibit balikat si Cath.

"Tumangi siya. Kaya ayan! Super woman kaya 'yang si Margaux! Mas malakas pa yata 'yan sayo eh!" Aniya. Tumawa naman ako at tumango.

"Oo nga!" Ani ko. Pero ginulo lang ni Phillip ang buhok niya.

"Uh,, nakalimutan ko yatang nay press sa likod." Ani ko. Agad kaming lumingon sa press na patuloy parin ang mag faflash ng mga camera. Bwesit oh! Pag ako naging laban ng dyaryo bukas, ma papatay ko talaga si Phillip. I want a private life!

"Okay na." Ani Phillip. Tumalikod siya at hinawakan ang kamay ko at hinila. Hinawakan ko naman ang kamay ni Cath at hinila siya.

Nasa van na kami, papunta kami ngayon ng Baguio. Talagang doon pa talaga? Aksaya lang ng pera! Pwede naman i-edit nalang. Iyon kung magaling ang nag eedit. Ang I'm good at it. Magaling akong mag edit ng mga video, or photo. Kaya keri lang sa akin kahit hindi pumunta sa ibang lugar.

"Ang sakit mong maka hila ah! Wagas!" Rekalamo ni Cath habang hinihimas himas ang wrist nyang hinila ko. OA nito! Inirapan ko siya pero tumawa lang siya. Nag taas ako ng kilay sa kanya tanda ng pagkakairita ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Take The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon