Kabanata 8: Naiilang
"Macy!" Pagkatapak ko ng classroom ay iyan ang una kong narinig. Nakita ko si Vivien na palapit sa akin.
Tinaas ko ang kilay ko.
"Ano, musta? Na kila Basty ka kahapon diba?" Hinawakan niya ang braso ko at niyugyog ito. Kinikilig siya.
Nang nakita ko ang pagkunot noo ng mga kaklase kong babae sa aming dalawa ay hinila ko si Vivien. Narinig siya!
"Vivien, yung boses mo. Baka ano isipin nila." Bulong ko.
Ngumuso siya. Nilagay ko ang bag ko sa aking upuan, at umupo doon. Kumuha ako ng notes dahil magrereview ako. Magtetest kami mamaya ni Vivien kay Ma'am Pamela dahil absent kami noong nagpatest siya sa klase.
"Kwento ka naman. Anong nangyari?" Tinapik niya ang braso ko.
"I teached him how play the piano. That's what happened." Sagot ko na hindi siya nililingon.
Nilingon ko siya nang may naalala. Basty said directly that he is not interested. Should I tell Vivien that? But will that hurt her feelings? Pero wala namang sinabing masama si Basty tungkol sa kanya. He just said he is not interested in girls, that won't hurt her right?
"I told him that you like him." Sabi ko.
Lumaki ang ngiti niya. "Anong sabi niya?"
Kinagat ko ang labi ko. Should I continue?
"He said he is not interested at hindi niya priority ang lovelife." Ang ngiti niya ay napawi nang sinabi ko iyon.
"Oh." Umiwas siya ng tingin.
Napapikit ako. I'm thinking on ways how to cheer her up. "Hayaan mo si Basty. Madami namang lalaki diyan."
Tumango lamang siya at nilingon ako. "It's okay. Crush lang naman to. But I can be friends with him naman e, so it's fine." Ngisi niya.
Natapos na ang klase nang hindi ko nakita si Basty. Sa hindi ko alam na dahilan, ay absent siya. Si Vivien ay kinukulit ako, akala niya ay alam ko ang dahilan kung bakit siya nag absent. He was just fine yesterday, what could have made him not attend school? Maging ang mga kaibigan niyang si Yohan at Dino ay hindi alam ang dahilan.
Hindi dapat ako mag-alala pero hindi ko maiwasan. Ni hindi ako makapagconcentrate sa trabaho ko sa bar dahil sa pag-aalala. Ilang beses na akong sinita dahil oras-oras ay tulala ako.
Sa sumunod na araw ay absent nanaman siya. Si Vivien ay nag-aalala rin. Nag-aalala rin ako pero hindi ko dapat ipakita sa kanya iyon kaya wala akong magawa kundi ang magkunwaring naiirita dahil sa bibig niyang walang preno kapag nagtatanong tungkol kay Basty. I should act like I don't care, but deep inside, it's bugging me too.
"Sure ka bang okay lang siya noong linggo?" Napalingon ako kay Vivien. Ito nanaman siya.
Kumakain kami sa cafereria at halos hindi niya ginagalaw ang pagkain dahil panay ang kanyang pagtanong sa akin.
"I already answered that question for the billionth time already, Viv."
"Kasi, four days na siyang absent. Hindi ka ba nag-aalala?"
Huminga ako ng malalim. "Nag-aalala ako. Pero hindi naman pwedeng araw-arawin ko ang pag-aalala. I'm not his mother."
She pouted. She look offended.
"You'll go to his house on Sunday right? I'll go with you. Bibisitahin ko lang siya, I'll ask if he's okay. Hindi na siya magtataka bakit ako sumama."
Bumuntong hinga ako. "Fine."
"Dito ka ba maglulunch, nak?" Tanong sa akin ni mama sa susunod na araw nang nakita akong nakabihis. It's sunday today, kahit hindi ko alam kung bakit absent si Basty ay pupunta pa rin ako. If he's not okay, then I'll go home.
BINABASA MO ANG
Playful Melodies (COMPLETED)
Teen FictionMacy Jean Lim has always been the typical nerd at school. Yung top sa klase, lapitan ng mga bullies, the weakest among the weak. How did she exactly fall inlove with a guy her opposite? Si Sebastian Guevarra III, often associated with the name, Bas...