Kabanata 21: Decisions
Nanatili ang tingin sa akin ni Basty. Si Megan ang nagsasalita pero hindi ko makuha ang sinasabi niya. Nakatingin si Basty sa akin at talagang pinakakatitigan ako kaya napapaiwas ako ng tingin.
"You guys are here because..." Iyon ang huli niyang sinabi. Tinignan niya rin si Basty.
"Busy kami, Meg. School work." Aniya.
He didn't even deny! Totoong totoo nga na may fiancee na siya!
Megan pursed her red lips and slightly nodded. "Wrong timing nanaman ako para sa date natin. Next time, then." Hinarap niya si Basty. Hinawakan niya rin ang kamay niya at hinaplos ito.
Parang may kung anong kumirot sa aking puso. Unti-unti ko nang nararamdaman ang pamumuo ng luha ko.
Tinignan ko ulit si Basty at nakita ko siyang bumuga ng malalim na hininga. "Excuse us for a second."
Hinila ni Basty ang braso ni Megan at nilayo sa amin. Sa tuwing nakikita ko talagang hinahawakan ni Basty ang braso ng babaeng ito ay doon ako tuluyang nasasaktan. Parang ang dating kasi nito sa akin ay ipinapaubaya na niya ang sarili niya sa iba at hindi na niya ako kailangan. Na hindi na niya ako gusto.
Yeah, I know. It's crazy. Walang sense ang iniisip ko.
Nag-usap sila sa likod ng fountain medyo na malayo sa amin.
Naramdaman kong tinapik ako ni Rick. Umangat ang tingin ko sa kanya. Wala pang tumutulong luha pero alam kong may luha na sa mata ko.
"Ayos ka lang?" Hinawakan niya ang likod ko at bahagyang tinapik iyon.
Ngayong nakita na ako ni Rick na umiyak dahil sa sinabi ni Megan ay mas napatunayan ko sa kanya na nagsisinungaling ako noong sinabi kong hindi ko gusto si Basty.
"Of- Of course, bakit naman hindi ako magiging okay." Sabi ko. Umiwas ako ng tingin dahil naramdaman kong tumulo ang luha ko.
Inabot sa akin ni Rick ang panyo niya pero hindi ko iyon kinuha. Kumunot lang ang noo ko doon. It's ridiculous! Bakit niya ako aabutan ng panyo?
Umiling ako at umiwas muli ng tingin dahil hinarap niya ako.
"Macy..."
"Okay lang ako, Rick." Tonong galit kong pagkasabi.
Nagpasalamat ako dahil hindi na nadugtungan pa ang pagluha ko. Ayaw kong makita ako ni Basty na umiiyak.
Ilang sandali ay bumalik na siya. Tumingin ako sa likod niya at hinintay na magpakita si Megan pero hindi ko siya nakita. Tinitigan ako ni Basty.
Now, I suddenly want to go home and cry my eyes out while lying on my bed all day. Pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Ngumiti ako.
"Tara simulan na natin." Sabi ko. Sa gitna ng aking pagsalita ay medyo pumiyok pa ang boses ko.
"Let's go." Ani Rick.
Huminga ng malalim si Basty. "Let's talk first, Macy."
Pinagtaka ko iyon. Ano ang kailangan naming pag-usapan? Kung iniisip niyang nagseselos ako, well... oo pero hindi namin iyon kailangang pag-usapan dahil wala akong karapatan at alam niya iyon. At ano naman ang sasabihin niya? Sorry because he kissed me when has a fiancee waiting for him here because they will have a date?
Tinignan ni Basty si Rick at gatilyo ito para lumayo si Rick sa amin. Akmang papasok na si Rick sa loob ng mansyon pero nagsalita ako para mapigilan siya.
"Ang pag-uusapan lang natin ngayon ay ang tungkol sa kanta, Basty."
Mukhang hindi ko napigilan si Rick dahil pumasok na siya sa loob. Now that is left in front of the mansion is me and Basty. Ilang segundo kaming tahimik at ang ingay lang na naririnig ko ay ang tubig na nangangaling sa sprinklers ng kanilang front yard.
BINABASA MO ANG
Playful Melodies (COMPLETED)
Novela JuvenilMacy Jean Lim has always been the typical nerd at school. Yung top sa klase, lapitan ng mga bullies, the weakest among the weak. How did she exactly fall inlove with a guy her opposite? Si Sebastian Guevarra III, often associated with the name, Bas...